TV commercial model Ryan Julio gets his first taste of showbiz controversy

by Roldan Castro
Jul 9, 2008
"Ayaw ko na pong palakihin at humaba ito dahil pa rin sa respeto sa kanya. Nagtataka po ako kung bakit may ganoong reaksyon si Sir Joey. Tinext pa niya si Tita Becky na ingrato ang anak ko," says Ryan Julio's Mommy Cecille about her son's former manager Joey Aquino.


Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng press statement mula sa talent manager na si Joey Aquino tungkol sa diumano'y pagiging "ingrate" ni Ryan Julio, ang model sa TV commercial ng isang coffee product na may mga kasama itong aliens at tila new kid in school ang dating.

Si Ryan ay first runner-up din sa Mr. Pogi contest ng Eat... Bulaga! noong 2006, kung saan nanalo si Edgar Allan Guzman.

Ayon sa press statement ni Mr. Aquino na manager din ng former Mutya ng Pilipinas winner at ex-PBB housemate na si Zara Aldana at ng teen newcomer na si PJ Valerio:

"Bago pa siya sumali sa Mr. Pogi ng Eat... Bulaga! pumirma na siya ng kontrata sa Fundamental Artist Management o FAM [talent handling group na pag-aari ni Mr. Aquino] para sa management ng kanyang showbiz career. Ang validity nito ay hanggang 2010.

"Ngunit nang manalo siya bilang first runner-up sa Mr. Pogi noong 2006, nagkaroon kami ng internal arrangement, na pinauubaya muna namin ang kanyang career kay Ms. Malou Choa-Fagar ng TAPE [Television And Production Exponents]. Dalawang taon ang bisa ng kanyang kontrata doon, from April, 2006 to April, 2008.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Mr. Aquino, "Sa loob ng dalawang taon ay hindi nakialam ang FAM sa lahat ng kanilang projects, maging ang kanilang plano. In fairness, ibinigay naman nila ang mga nararapat na komisyon sa kanilang projects ayon na rin sa probisyon ng aming internal agreement. Pero hindi lahat ay dineklara. Tanging mga raket lang niya na aming natutukan o nakarating sa aming kaalaman ang aming nakomisyunan.

"Gayunpaman, hindi ito ang isyu. Kung anuman ang legalidad na dapat pag-usapan ay naayos na sa mabuting usapan. Kaya naman opisyal na binitawan na ng FAM ang career management ni Ryan. Ang tunay na isyu dito ay ang mga sumusunod: 1. Ang harap-harapan nilang pagsisinungaling na ‘di pa raw sila [Ryan and company] pumipirma ng kontrata kay Becky Aguila; samantalang nakakontrata pa rin siya sa FAM, at, 2. Ang kawalan nila ng respeto sa taong nagmalasakit, naniwala at nagtiyaga nung nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Continue reading below ↓

"Ang sa amin lang, gusto naming iparating sa showbiz ang ganitong klase ng tao. Na hindi namin hahayaan na ibasura at tapakan ang aming dignidad at kredibilidad."

May sagot naman ang ina ni Ryan na si Mommy Cecille sa press statement ni Mr. Aquino.

" First of all, before we signed contract with Tita Becky Aguila last July 1, 2008, Ryan was already released, effective June 27, 2008.

"We settled all our obligations with him [Joey Aquino] amicably. We buy-out the contract for Php 50 thousand per year. We have remaining two years so we pay him a total of Php 100 thou for the contract alone. Regarding po sa commissions for the commercials, we gave him the 30 percent commission, kahit po hindi sa kanya galing ang project.

"So, sa lahat po ng project ni Ryan sa commercial, 30 percent goes to the agent and the other 30 percent goes to Sir Joey. And lahat po ng project na ginawa ni Ryan during his contract with TAPE—which has an inclusive date of May 2006 to May 2008—nagko-comply po kami ng aming financial obligation sa FAM. Lahat po yan ay supported ng documents. Kahit po itong huling payment namin, may release paper kami and the photo-copy of the manager's check amounting to Php 153,850. Masasabi ko po we settled it amicably and wala naman po naging problema doon sa last meeting namin," sabi pa ni Mommy Cecille.

Continue reading below ↓

"At hanggang ngayon po, nagpapasalamat po kami sa kanya sa mga ginawa po niya kay Ryan since nung start ng Mr. Pogi. We really appreciate and andito pa din po ang respeto namin sa kanya. Hindi na po mawawala ‘yon."

Dagdag pa ni Mommy Cecille, "Kung wala po kaming respeto sa kanya, hindi na kami nagpaalam nang maayos at nakipag-usap sa kanya. Nung matapos ang contract namin sa TAPE, one year naghintay ang anak ko na bigyan niya ng project pero wala siyang ibinibigay.

"Ayaw ko na pong palakihin at humaba ito dahil pa rin sa respeto sa kanya. Nagtataka po ako kung bakit may ganoong reaksyon si Sir Joey. Tinext pa niya si Tita Becky na ingrato ang anak ko.

Ipinakita pa sa amin ni Mommy Cecille ang text ni Mr. Aquino kay Tita Becky.

"Hi, Becky. This is Joey Aquino, manager of PJ Valerio and Zara Aldana. Nice to know that our talents are working together. Jasmine with Zara (sa Wheel of Fortune), PJ and Empress. Now, PJ will be working with your new talent Ryan Julio. Ironically, Ryan has an existing contract with me until 2010 when he signed a contract with you. Don't worry, he has been released effective June 27, 2008. I don't keep INGRATE talents like him. Hopefully, as we are both talent managers, he will not do the same with you. This is just a notice of concern. See you around. Thanks."

Continue reading below ↓

"Nasaktan ako," sabi ni Mommy Cecille. "Ang ayos ng usapan namin. Nabayaran namin yung demands niya. Alam niya ang totoo. Nag-text siya ng, ‘Okey, everything was settled. I got the check.' Akala ko okey na yun at nagbigay pa siya ng release paper," paliwanag pa ng ina ni Ryan.

Nakatanggap din ang PEP ng text mula kay Tita Becky tungkol sa isyung ito:

"Bayad ang ex-manager. Ryan paid him almost 154 thou for the release. The ex-manager got paid for all the commercials Ryan got from different ad agencies even if the project was booked by another agency. He has never given Ryan work after ‘Eat Bulaga'. He didn't even recommended the boy in the ABC project I got for him. He had the chance but he did not move for Ryan. I signed him up July 1. The ex-manager released him June 27. The ex-manager texted me that time. I had no knowledge before that Ryan had a manager. I was under the impression that he was a former talent of TAPE ofc.

Continue reading below ↓

Dagdag text-tsika pa ni Tita Becky: "Ryan Julio , 19 and 5'7" is the cute Nescafe Boy. He's upcoming project is with ABC 5. He plays leading man to 15 year old Empress Schuck. Empress plays the lead role. ‘G & G' is a teenage drama series coming very soon in ABC-5."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayaw ko na pong palakihin at humaba ito dahil pa rin sa respeto sa kanya. Nagtataka po ako kung bakit may ganoong reaksyon si Sir Joey. Tinext pa niya si Tita Becky na ingrato ang anak ko," says Ryan Julio's Mommy Cecille about her son's former manager Joey Aquino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results