Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jolina Magdangal and Marvin Agustin reunite in "Dear Friend"

by Ruel J. Mendoza
Jul 10, 2008
"Nakakatuwa kasi nga it's been a long time na hindi kami nagkasama sa isang TV show, although minsan nagkikita kami sa SOP kapag may mga promo. Pero this time, magkatabi na naman kami at magkatrabaho na talaga," says Marvin Agustin about working again with Jolina Magdangal.

Napuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang first taping day ng bagong show nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa GMA-7 na may titulong Dear Friend. Magsisimula na ito sa July 20 bilang kapalit sa afternoon timeslot na iiwan ng Tasya Fantasya ni Yasmien Kurdi.

Sa isang Italian restaurant sa The Fort kinunan ang mga eksena nina Jolina at Marvin. Parehong excited ang dalawa sa muli nilang pagsasama sa isang TV show. Huli silang napanood na magkasama sa primetime series na I Luv New York at ang month-long horror-comedy series na Hoo U?

Kauuwi lang ni Marvin mula sa U.S., kung saan nakasama niya si Katrina Halili na nag-show doon at nag-promote ng GMA Pinoy TV. Pagdating ni Marvin ay dumiretso siya sa taping nila ni Jolina.

"Kita n'yo naman kahit na may jetlag pa ako at nagnu-nosebleed, nandito ako sa first taping day namin ni Jolens. Ganyan ako ka-excited talaga," ngiti ni Marvin.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, "Nakakatuwa kasi nga it's been a long time na hindi kami nagkasama sa isang TV show, although minsan nagkikita kami sa SOP kapag may mga promo. Pero this time, magkatabi na naman kami at magkatrabaho na talaga. Hindi nga ba't nandito na siya sa GMA, sinundan ko pa rin siya. Hindi talaga kami pinaghihiwalay ng tadhana."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi naman daw nagdalawang-isip si Jolina na muling makatambal si Marvin sa isang TV show. Wala raw problema at mabuti na rin yung matagal silang hindi nagkasama agad after ng dalawang shows.

"Noong sinabi nga sa akin itong Dear Friend at si Marvin ang makakasama ko, okey sa akin ang project," ani Jolina. "Yung concept kasi niya, hindi mabigat at tama lang sa edad naming dalawa ni Marvin. In the past naman, yung mga nagiging shows namin ni Marvin, hindi rin mabibigat. It's always yung maraming makaka-relate na mga kabataan sa amin. Kaya itong Dear Friend, marami ulit mga young people, and even mga mas older pa, ang makaka-relate sa aming dalawa.

Continue reading below ↓

LETTER SENDERS. Ang concept ng Dear Friend ay parang "He Said, She Said." May mga letter sender na may sariling kuwento sa buhay at magkakaroon ng dramatization. Sina Jolina at Marvin ang magsisilbing tagabigay ng advice sa letter sender.

Ayon kay Marvin, "May mga nagtatanong na nga kung ano ba ang credibility namin ni Jolens na magbigay ng advice. Tama ba na kami ang padalhan nila ng mga problema nila sa buhay? Siguro naman dahil sa mga pinagdaanan namin ni Jolens na mga problema sa buhay, masasabi namin na puno na kami ng iba't ibang klaseng experiences at napagdaanan na namin ang ilang problema ng kabataan ngayon.

"Sariling advice namin ‘yon na sa tingin namin ay makakatulong sa kanila. Parang payo ng isang kapatid o kaibigan. Nasa kanila ‘yon kung susundin nila."

Para naman kay Jolina, ilan sa mga nabasa niyang sulat ay kahawig ng personal experiences niya. Kung hindi man nangyari sa kanya ay nangyari ito sa isang taong malapit sa kanya.

Continue reading below ↓

"Tulad nga ng pilot episode namin, tungkol sa teenage pregnancy," sabi ni Jolina. "Obviously, hindi naman nangyari sa akin ‘yan, pero may kaibigan ako na dumaan sa ganyan. So naka-relate ako because we were there noong pinroblema niya ‘yon. As a friend, nagbigay kami ng advice at support.

"Gano'n kami sa show namin. Nagiging extended family or extended friend kami ng mga taong ito na may problema sa buhay. Masarap magbigay ng advice lalo na kung mapupunta naman sa tama ang lahat."

JUST LIKE THE OLD DAYS. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila Jolina at Marvin sa isa't isa. During the taping ay nandoon pa rin ang biruan at harutan nilang dalawa. Ayon na rin sa kanila ay na-maintain nila ang kanilang friendship after all these years kahit na may mga pinagdaanan silang personal problems sa isa't isa.

Kung babalikan ay noong mid-‘90s sumikat at hirangin na isa sa pinakamalakas na love team ang Jolina-Marvin team-up sa bakuran ng ABS-CBN. Nagsimula sila sa programang Gimik at nasundan ito ng mga shows tulad ng ASAP, Esperanza, at Labs Ko Si Babes. Kumita rin sa takilya ang mga pelikula nilang FLAMES: The Movie, Labs Kita... Okey Ka Lang?, Kung Ayaw Mo...Huwag Mo, Gimik: The Reunion, at Hey Babe.

Continue reading below ↓

Kahit may mga ibang na-link kina Jolina at Marvin, naging very supportive naman ang bawat isa sa anumang nangyayari sa personal na buhay nila.

"Ganyan naman kami ni Marvin, e," sabi ni Jolina. "Kung ano ang nababalitaan namin sa isa't isa, ginagawa na naming joke ‘yon. Tulad nga niya, ilang beses ko nabasa sa Unang Hirit ang tungkol sa kanila ni Diana Zubiri. So kapag nagkikita kami, nagiging running joke ko na sa kanya si Diana at yung bathing suit na iniiwan sa bahay niya.

"Si Marvin kasi masyadong mabait ‘yan. Mabilis kasi umakbay sa babae ‘yan kaya natsitsismis siya. Pero in real life, lambing ni Marvin ‘yon lalo na kung close na kayo sa isa't isa. Pero kapag tinatanong ko siya regarding kay Diana, ngumingiti lang ‘tapos sasabihin na friends lang sila. Ano kaya ‘yon? Ang showbiz niya, di ba?" sabay ang malakas na tawa ni Jolina.

Si Diana ay kasama ni Marvin sa afternoon drama series na Gaano Kadalas ang Minsan.

Continue reading below ↓

Wala naman daw masabi si Marvin sa love life ni Jolina. Maganda nga naman kasi ang relasyon nito kay Bebong Muñoz kaya tahimik at walang tsismis.

"Yun naman ang hanap ni Jolens, e," ani Marvin. "Yung almost perfect na relationship. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ‘yon!" sabay ngisi niya.

Dagdag niya, "Pareho kasi kaming nasa showbiz kaya magugulo lang kami talaga ng mga intriga. It's good na she found a good man in Bebong at hanga ako sa matatag na foundation ng relationship nila. I always wish Jolens the best sa mga nangyayari sa kanya. Isa nga itong relationship niya with Bebong na magandang nangyari sa kanya."
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakatuwa kasi nga it's been a long time na hindi kami nagkasama sa isang TV show, although minsan nagkikita kami sa SOP kapag may mga promo. Pero this time, magkatabi na naman kami at magkatrabaho na talaga," says Marvin Agustin about working again with Jolina Magdangal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results