Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Annabelle Rama says her sex life was affected by her comeback film

by Erwin Santiago
Jul 12, 2008
"Nakakasira yun sa utak mo ha! Kasi nagme-memorize ka ng script, meron pang dyug? Mahirap talaga!" says Annabelle Rama unabashedly about sacrificing her sex life while doing My Monster Mom.

Walang humpay na tawanan ang nangyari sa victory party ng My Monster Mom last Thursday night, July 10, sa Imperial Palace Suites. Aliw na aliw ang entertainment press, pati na ang cast at producers ng naturang pelikula, dahil sa mga hirit ni Annabelle Rama. Si Annabelle ang bida ng My Monster Mom kasama ang kanyang nag-iisang anak na babae na si Ruffa Gutierrez.

Ikinuwento kasi ni Annabelle na habang ginagawa niya ang My Monster Mom ay katakut-takot na hirap ang dinanas niya kaya naman sobrang focused siya rito. Pati raw ang sex life nila ng mister niyang si Eddie Gutierrez ay naapektuhan. Walang patumangga niyang sinabi na hindi sila nagtalik ni Eddie habang ginagawa niya ang pelikula.

"Kasi pag-uwi ko ng bahay, pagod na pagod na ako. Sabi ko, ‘Sweetheart, pasensiya ka muna, kaya hindi muna ako nag-Circulan [ini-endorse niyang food supplement].' Kasi pampalibog yung Circulan na ‘yon, e! Hindi ko kaya talaga, ‘tapos mae-L pa ako kasi pagod na pagod talaga ako!" dire-diretsong kuwento ni Annabelle na ikinatawa ng lahat.

Continue reading below ↓

Hirit pa niya, "Nakakasira yun sa utak mo ha! Kasi nagme-memorize ka ng script, meron pang dyug? Mahirap talaga!" Tawanan na naman ang lahat.

Dahil nagkaroon ng victory party ang My Monster Mom para sa entertainment press, may nagtanong kay Annabelle kung may "victory party" rin sila ni Eddie.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"The other day lang," pilyang sagot ni Annabelle.

Bagamat tapos na ang movie at naging maganda naman ang resulta nito sa takilya, hindi pa rin buo ang kasiyahan ni Annabelle. May mga naninira kasi diumano sa kanya na hindi totoong kumita ang My Monster Mom.

Ayon kay Annabelle, "Ngayon nga, nalungkot na naman ako. Sabi ni Eduardo [Eddie], ‘Akala ko tapos na ang lungkot mo kasi tapos na ang movie mo?' ‘Hindi pa tapos kasi may naninira sa akin, e,' sabi ko sa kanya. Hindi ako naapektuhan, pero talagang... Iniisip ko rin kung sino yung naninira na ‘yon. Tini-trace-trace ko yung mga pangalan. Sabi niya, ‘Huwag mo nang intindihan. Basta nagbunga ang isang puno, talagang binabato para mabagsak.'"

Continue reading below ↓

SECOND COMING. At 55 years old at 35 years na hindi gumawa ng pelikula, masasabing suwerte si Annabelle sa kanyang pagbabalik-pelikula. Bukod pa rito ang kaliwa't kanang endorsements na nakukuha niya.

Ano kaya sa tingin ni Annabelle ang dahilan sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon?

"Alam mo, hindi ko talaga alam," sagot niya. "Parang milagro yung nangyari sa akin, e. Kasi sa kakadasal ko araw-araw, sa awa ng Diyos... Ang idinadasal ko tulungan yung mga anak ko, mga talent ko, maging successful. Ako naman ang binigyan ng regalo ng Diyos kaya tinatanggap ko. Sabi nga sa akin ni Eddie, ‘Huwag kang tanggi nang tanggi kapag may offer ka. Kasi minsan lang kakatok yung suwerte.'

"Sabi ko, dapat pala noon pa ako tumanggap ng offer. Kasi nung maliit pa sila Kambal [Richard and Raymond], ako [dapat] ang maging nanay nila sa Kambal sa Paglaki, yung Nestle Twin [commercial]. Tinanggihan ko ‘yon, si Eddie ang ipinasa ko. Yung show ng GMA na Lagot Ka, Isusumbong Kita, ako dapat dun. Tinanggihan ko rin, ginawa na lang si Pilita [Corrales].

Continue reading below ↓

"Ang dami ko talagang tinanggihan pati yung... Bago mamatay si FPJ, nung dalaga pa ako, kinuha rin akong leading lady niya, tinanggihan ko rin yun. Kasi unang-una, mahina ako sa Tagalog; Bisaya okay lang sa akin. Pangalawa, hindi ko talaga kaya umiyak. Pero this time, sabi sa akin ni Direk [Joey Reyes, director of My Monster Mom], ‘Sa next movie mo, Tita, kailangan iiyak ka.' Talagang iiyak na ako at saka sasayaw-sayaw na rin ako," pangako ni Annabelle.

FOLLOW-UP MOVIES. Ibinalita rin ni Annabelle na dahil sa success ng My Monster Mom ay pumirma na siya ng two movies para sa Regal Entertainment.

"Kakapirma ko lang sa Regal ng two exclusive movies. Ang gusto nga ni Mother, isa kay [Manny] Pacquiao, isa kay Eddie. Gusto niya sa Valentine's day. E, papaano na ang KC-Richard, Mother?" nakangiting tanong ni Annabelle sa Regal producer na si Mother Lily Monteverde.

Nabanggit ng Gutierrez matriarch ang pelikula ng anak niya na si Richard kasama si KC Concepcion para sa GMA Films dahil may Valentine playdate din ito.

Continue reading below ↓

Ano ang gusto ni Annabelle na unahin, ang pelikula niya with Manny o yung kay Eddie?

"Mas type ko muna si Eduardo," mabilis na sagot ni Annabelle. "Kasi napapansin ko lahat ng fans, lahat ng mga nag-text, lahat ng mga kausap ko sa palengke at kung saan-saan, puro si Eddie ang tinatanong sa akin."

Tatapatan ba talaga ng Annabelle-Eddie ang Richard-KC?

"Huwag naman, grabe ka naman!" tawa niya. "Sabi kasi sa akin ni Mother, ‘Ano Bisaya, Valentine movie na lang tayo?' ‘Okay Mother. Pero papaano ang KC-Richard, Mother?'"
Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakasira yun sa utak mo ha! Kasi nagme-memorize ka ng script, meron pang dyug? Mahirap talaga!" says Annabelle Rama unabashedly about sacrificing her sex life while doing My Monster Mom.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results