Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Derek Ramsay denies Angelica Panganiban's claim that they have broken up

by Julie E. Bonifacio
Jul 12, 2008
Angelica Panganiban cried on TV when asked about the rumor that she has broken up with boyfriend Derek Ramsay. Two days later, Derek denied this by saying they're still on.

Nagulat ang ilang malalapit na kaibigan ng magkasintahang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsey nang pumutok ang balitang hiwalay na sila. Last month ay may bulung-bulungan na tungkol sa pagkakalabuan diumano nina Angelica at Derek. May nagtanong tungkol dito kay Angelica sa launching/presscon ng Mario D'boro, na ini-endorse nila ni Dingdong Dantes, pero tinawanan lang ni Angelica ang isyu.

"Hindi ko nga alam, e," sabi ni Angelica noon. "May nagtanong nga sa akin niyan. Actually, nitong past few months, wala naman kaming pagtatalo na, wala kaming kahit na anong nangyari na para bang nag-away kami or nahiwalay kami. Wala kaming isyung ganun, kaya nakakagulat."

Bukod dito, nang naglaro sa isang international Frisbee competition sa Shanghai, China, si Derek, kung saan nanalo ang team nila, sinorpresa pa ni Angelica ang kasintahan.

"Sinurprise ko siya sa Shanghai. Siyempre, natuwa siya nung sumunod ako sa kanya. First time niya kasing mag-captain ng isang team. Kaya gusto ko talaga siyang suportahan. Kaya nung na-pack-up yung isang taping ko nung Friday [June 20], kumuha ako ng last flight out papuntang Shanghai.

Continue reading below ↓

"Dumating ako nung Monday [June 23], 6 a.m. Nauna pa rin ako kasi may taping ako ng Monday. ‘Tapos dumiretso ako ng trabaho. Siya [Derek], dumating nung Tuesday morning [June 24]," lahad ni Angelica.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

SHE SAID... Sa grand presscon ng kinabilangang primetime drama series ni Angelica, ang Iisa Pa Lamang, noong July 8 sa Plaza Ibarra, nakorner ng TV crew ang young actress. Nagulat ang lahat dahil umiyak si Angelica pagkatapos mag-open up na may problema ang relasyon nila ni Derek.

Sa kolum ni Regee Bonoan sa Balita noong Huwebes, July 10, inilabas niya ang mga sinabi ni Angelica sa naturang TV interview ng dalaga. Umiiyak daw na nagpaalam si Angelica sa manunulat at TV crew dahil hindi na raw niya kayang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni Derek.

Kinumpirma ni Angelica na break na sila ni Derek, pero in speaking terms pa rin naman daw sila. Maayos daw silang naghiwalay ng kasintahan.

Continue reading below ↓

"Bihira na kasi kaming magkita kasi wala naman kaming project na magkasama, so kumbaga," rason ng young actress. "So nagkapatung-patong na. Kaya may mga bagay kaming inaayos at napagdadaanan namin talaga yun ng isang relasyon maski naman sino. Di ba nga, mga magkaibigan, mag-boyfriend o girlfriend, mag-asawa, pamilya...Lahat naman tayo dumadaan sa ganyan."

Dagdag niya, "Kaya hindi namin alam kung ano patutunguhan ng relasyon namin. Hindi ninyo alam o kami rin hindi rin namin alam. Walang may alam, as in."

Ayon pa sa report ni Regee, nahihirapan daw si Angelica sa pinagdadaanan ng relasyon nila ngayon ni Derek kaya sa trabaho na lang daw niya ibinubuhos ang oras niya.

"Kung anuman ang mangyari sa amin, e, yun ang gusto ng Diyos. Yun siguro talaga ang itinadhana."

Kinabukasan, July 9, after the presscon ay lumipad na papuntang New Jersey si Angelica para sa show ng Wowowee. Pero mabigat daw ang puso niya na umalis ng bansa.

Continue reading below ↓

HE SAID. Sumunod na araw, July 10, sa kolum naman ni Jobert Sucaldito sa Bandera, pinabulaanan ni Derek ang sinabi ni Angelica na break na sila.

"That's not true! We're still on!" mabilis na sabi ni Derek nang magkausap sila ng kolumnista sa telepono.

Inulit pa raw ni Jobert ang tanong niya kay Derek dahil baka nagkamali lang ng sagot. Pero itinanggi pa rin daw ni Derek ang nabalitang breakup nila ni Angelica.

"She left for the States and she'll be back this Tuesday [July 15]. Kami pa rin po," sabi ni Derek.

Magtu-two years nang magkakilala sina Angelica at Derek, pero mag-iisang taon pa lang sila bilang magkasintahan next month. Originally, ang plano nila ay i-celebrate ang kanilang first year anniversary sa isang out-of-the country trip kung kakayanin daw ng schedule nila.

Sa The Buzz ngayong Linggo, July 13, mapapanood ang buong pahayag nina Angelica at Derek sa hiwalayan diumano nila.
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban cried on TV when asked about the rumor that she has broken up with boyfriend Derek Ramsay. Two days later, Derek denied this by saying they're still on.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results