Diether Ocampo clarifies rumor linking him to Brazilian model Marianna del Rio

by Julie E. Bonifacio
Jul 12, 2008
"After very serious relationship ko with her [Kristine Hermosa], parang almost three and a half years, e. Parang nawalan ako ng panahon sa sarili ko, e. So ngayon ko pa lang actually nae-enjoy yung pagiging, you know, single ko ulit. Nagagawa ko ulit yung mga bagay na hindi ko nagagawa kapag meron akong karelasyon," says Diether Ocampo.

Pagkatapos mabalita na may ka-date na isang socialite si Diether Ocampo, inili-link naman siya ngayon sa Bazilian model at sinasabing isa sa mga dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Marianna del Rio. May nakakita raw kasi na sobrang malapit na sila sa isa't isa.

"Hindi ko naman masasabi na ganun kami, wala," tanggi ni Diether. "Kasi ngayon lang kami nagkakilala and that's the only time I talked to her, and parang wala na. After nung may nakakita sa amin, wala na."

Ayon sa ilang sources, pinu-pursue na raw ni Diether si Marianna.

"Hindi," tanggi niya ulit. "Kung pinu-pursue ko, makikita ninyo na magkasama kami ulit together. Hindi, hindi. Taliwas yun sa sinasabi ninyo. Doon lang kami nagkita sa Star Magic Ball at hindi na uli nasundan yun. Wala akong ka-date."

Pero may nagsasabi na madalas daw silang mag-hang out ni Marianna.

"Oo, I could say that. Pero hindi naman kaming dalawa lang. Grupo lagi. Pero I was hoping na darating din yun. Kasi minsan natatakot na ako na baka tumandang binata na ako, di ba? Hindi, pero siyempre umaasam-asam pa rin ako na sana merong dumating at makilala ko talaga na karapat-dapat."

Continue reading below ↓

Meron din daw nakakita na ang ka-date naman ni Diether ay isang fashion model.

"Hindi totoo na may ganun dahil unang-una, wala pa akong nakaka-date. Kung gugustuhin ko, puwede, anytime puwede. Pero ngayon kasi, hindi pa ako handa. Pero usually, we hang out."

What about his ex-girlfriend na si Kristine Hermosa? Nakakapag-usap pa rin ba sila?

"Hindi, dahil kasi after very serious relationship ko with her, parang almost three and a half years, e. Parang nawalan ako ng panahon sa sarili ko, e. So ngayon ko pa lang actually nae-enjoy yung pagiging, you know, single ko ulit. Nagagawa ko ulit yung mga bagay na hindi ko nagagawa kapag meron akong karelasyon."

BIRTHDAY BOY. This month ay ise-celebrate ni Diether ang kanyang birthday. May plano na ba siya para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan?

"Eto nga, isang gusto kong ano, e, gusto ko ulit magkaroon ng birthday blowout with the press. It's been a long time na nawala tayo sa... Kasama talaga sa plano ko ‘yan kasi matagal na rin akong hindi nakakapag-bonding. Para isa na ring paraan ko na mapabatid sa inyo ang pasasalamat ko, di ba? Sa maraming taon na sinuportahan ninyo ako. ‘Tapos may isa pa ako ano, charity event for my birthday sa aking KIDS Foundation."

Continue reading below ↓

Wala ba siyang birthday date with Marianna?

"Wala," diretsong sagot ni Diet.


Anong klaseng charity work naman ang gagawin niya on his birthday?

"Yung charity, may gagawin kami sa Philippine Orthopedic Center, sa cancer ward."

BENCH BLACKOUT. Isa si Diether sa mga rarampa sa nalalapit na Bench Blackout denim and underwear fashion show sa Araneta Coliseum on July 25. Naghahanda na ba siya for the event?

"Oo, nagpre-prepare na ako, abangan n'yo ‘yan.

"Sabi nga ni best friend Claudine [Barretto], ‘Kung alam lang ng mga tao, may asim ka pa.' Kaya doon natin mapapatunayan kung meron pa!" natatawa niyang sabi.

Magsusuot ba siya ng underwear sa fashion show?

"Hindi ko alam ang isususot ko dahil doon pa lang malalaman sa actual show," sagot niya. "Tingnan natin kailangan siyempre sorpesahin ko naman kayo, di ba? Pero ngayon palang nagpapasalamat talaga ako sa pagsalubong ninyo. Hayaan ninyo sa birthday blowout ko, naka-brief lang ako!"

Continue reading below ↓

Magpapakabog ba siya kay Dingdong Dantes sa show?

"Kayo ang makakasagot niyan batay sa inyong napanood sa full trailer ng Iisa Pa Lamang."

Balita na todo ang ginagawang preparasyon ni Dingdong para sa fashion show.

"Dapat silang mag-prepare!" sabay tawa ni Diet.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"After very serious relationship ko with her [Kristine Hermosa], parang almost three and a half years, e. Parang nawalan ako ng panahon sa sarili ko, e. So ngayon ko pa lang actually nae-enjoy yung pagiging, you know, single ko ulit. Nagagawa ko ulit yung mga bagay na hindi ko nagagawa kapag meron akong karelasyon," says Diether Ocampo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results