Kris Aquino defends husband James Yap on PBA on-court altercation

by Julie E. Bonifacio
Jul 13, 2008
"Personally, as a wife, nahe-hurt ang feelings ko kasi nagpapaka-humble ang asawa ko. Right away, nagso-sorry. Alam ko parang isip-bata ang sasabihin ko na bakit nung siya, sinuspend ninyo agad nung finals" says Kris Aquino about husband James Yap.


Laman ulit ng kontrobersiya ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap. This time, si James ang sangkot sa isang insidente sa Philippine Basketball Association (PBA) sa paninipa niya sa Talk ‘N Text import na si Terrence Leather last Wednesday, July 9.

Kuwento ni James sa Entertainment Live, "Nung nakita ko na natamaan talaga si Jondan [Salvador] sa mukha, talagang tao lang naman ako, e. So after ng sinipa ko siya [Leather], nakita ko na may pasugod na dalawa. Umatras muna ako para tingnan ko muna kung sino yung sasapak sa akin. E, nung nakita ko si Ali Peek na pasugod doon kaya tumakbo na ako papunta sa teammates ko dahil ang lalaki, e! Hindi mo kayang ikaw na mag-isa lang. Kailangan involved ang teammates ko."

Sa kinasangkutan ni James, todo-suporta naman sa laban niya ang kanyang asawang si Kris.

Ani Kris, "Can you just imagine kung nandun ako,? Teka lang, sandali! Sinabi ko sa kanya, ‘Babes, sana sinapak mo rin! I know kahit na 6' 9" ‘yan, kahit na nga siguro 60 lbs. ang lamang sa ‘yo, laban!'

Continue reading below ↓

"Sorry talaga, basta naisip ko kung duguan ka, ang ganda! Everybody iiyak at maaawa sa ‘yo. Sorry, yun ang thinking ko. ‘Tapos sabi niya, ‘Basag-basag naman ang mukha ko!'" natatawang pahayag ni Kris sa Entertainment Live.

Dahil sa insidente, inamin ni James ang kanyang pagkakamali at agad na humingi ng dispensa sa kanyang mga tagahanga.

"Humihingi ako ng pasensiya sa mga nagawa ko. Tao lang din ako. So yun, pasensiya lalo na sa mga bata na mahilig sa basketball. Huwag ninyong tularan yun. Mali talaga yun. Sana hindi na maulit yun," sabi ng Purefoods star player.

Matapos ang pangyayari ay binigyan ng fine ng PBA ang lahat ng sangkot sa insidente. Dito, hindi naitago ni Kris ang kanyang sama ng loob sa naging desisyon sa asawa.

"I'm sorry but I'm just stating my feelings. Personally, as a wife, nahe-hurt ang feelings ko kasi nagpapaka-humble ang asawa ko. Right away, nagso-sorry. Alam ko parang isip-bata ang sasabihin ko na bakit nung siya, sinuspend ninyo agad nung finals?

Continue reading below ↓

"'Tapos ‘eto ngayon na hindi naman si James ang nagsimula ng laban, si James na yung na-fine? Bakit yung nagsimula nung lahat ng gulo, yung import, si Terrence, bakit hindi siya na-suspend? Kasi feeling ko, si James ngayon ang pinakasikat, siya yung number one player. Sa kanya, iba yung rule," hinaing ni Kris.

Sa kabila nito, bumilib naman lalo si Kris sa kalooban ng kanyang asawa.

"Alam mo si James kasi, hindi siya nagwe-weigh ng public opinion. Yung parang kasi ako yung unang... Aaminin ko na yun ang naging worry nung nangyari yun na baka sabihin nila duwag ka. Parang ayoko, ayokong masabi yun dahil ako ang makikipag-away sa lahat....

"We've been through a lot recently and kung meron kaming isang natutunan doon is we're a team. Kung meron kayong aasahan na magsu-support sa isa't isa , dapat kayo yun," saad ni Kris.

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino, James Yap
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Personally, as a wife, nahe-hurt ang feelings ko kasi nagpapaka-humble ang asawa ko. Right away, nagso-sorry. Alam ko parang isip-bata ang sasabihin ko na bakit nung siya, sinuspend ninyo agad nung finals" says Kris Aquino about husband James Yap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results