James Yap surprises wife Kris Aquino on their third anniversary

by Julie E. Bonifacio
Jul 14, 2008
"I think ang alam na namin dalawa ngayon what we're sensitive about. Alam namin kung ano yung hindi namin gusto talaga... Choice mo to protect the relationship and choice mo rin kung iwi-weaken mo or sisirain mo yung samahan ninyo," says Kris Aquino about her relationship with husband James Yap.

Muling naging saksi at malaking bahagi ang The Buzz sa relasyong Kris Aquino at James Yap. Sa The Buzz ipinalabas ang kanilang pagpapakasal at dito rin unang nalaman ang maselang pagbubuntis ni Kris kay Baby James.

Kahapon, July 14, idinetalye nina Kris at James sa The Buzz ang naging selebrasyon ng kanilang third wedding anniversary.

Noong July 10, Huwebes, isang sorpresa ang inihanda ni James para kay Kris sa Edsa Shangri-La.

JAMES: "Sinurprise ko siya sa Edsa Shang, sa Gazebo. Sinurprise ko siya, romantic dinner."

KRIS: "With candles, may curtain-curtain gumaganun-ganun, may violins and guitar. Lahat ng mga songs na favorite ko."

JAMES: "Lahat ng songs pinili ko na favorite niya, ‘tapos ako mismo pumunta doon sa Edsa-Shang para tingnan kung talagang maganda ba o romantic ba. So yun, at least happy naman."

KRIS: "Super nice ‘tapos nung fifth song, bumuhos na yung ulan."

JAMES: "Binagyo na kami!"

KRIS: "Soaking wet na yung nagba-violin, kawawa naman. Nung dumating tayo."

Continue reading below ↓

JAMES: "Nakaupo si Strawberry Shortcake [stuffed toy]."

KRIS: "E, kasi favorite ko talaga si Strawberry Shortcake. Nandun siya nakaupo. Nung pauwi, dala-dala ko si Strawberry Shortcake. Sabi ko, ‘This is our new baby.' Inuupakan ni Baby James! Yung song, kinanta kasi ni Jed [Madela] sa Boy & Kris, yung ‘Your Are The Love of My Life,' gusto ko yun. ‘Tapos of course, yung kanyang [James] national anthem na ‘Beautiful In My Eyes.' ‘Tapos nandun yung ‘Love Moves In Mysterious Ways,' ‘tapos yung ‘Can't Take My Eyes Off You.'"

JAMES: "Marami pa sana yun, kaso inulan, e."

KRIS: "Dapat 15 songs daw yun, e."

JAMES: "Sabi ko nga [kay Kris], ‘Dito na lang tayo. Bahala na mabasa. Ano, magkasakit pa tayo? Pasok na tayo.'"

KRIS: "Kasi kawawa yung mga waiter na nagse-serve ng food, malayo. But it was really nice."

Naging masayang-masaya raw si Kris sa paghahandang ginawa ni James para sa kanilang anibersaryo. Maging si James ay puno rin ng kasiyahan dahil nakita niya kung gaano kaligaya ang kanyang asawa.

Continue reading below ↓

KRIS: Na-touch ako kasi akala ko kaya Shang dahil baka in-invite niya yung family ko ‘tapos magdi-dinner kami sa summer place. ‘Tapos ayaw niya isama yung kids [Josh and Baby James]. Nagtatampo na nga sila. ‘Hindi, tayong dalawa lang.' ‘Tapos nagulat ako na kaming dalawa lang talaga."

JAMES: "'Tapos nung dumating kami doon, naka-ganun lang. So inisip ko, ‘Mukhang hindi naman na-surprise ‘to, a!' Sabi ko, ‘Na-surprise ka ba?' ‘Siyempre.' ‘Tapos ikinuwento na niya sa ate niya. Happy naman ako na nag-success yung inisip ko na i-surprise siya."

KRIS: "Kasi siguro ngayon nare-realize niya na gusto ko talaga ng surprise, na happy ako."

JAMES: "Una, tinatamad pa, e. ‘Babe, kakain tayo sa Edsa Shang, ha?' Sabi niya, ‘Huwag na, dito na lang tayo. Kain tayo ng pizza with kids.' Sabi ko, ‘Hindi, sige na. Dinner na tayo kahit sandali lang.'"

KRIS: "Sabi niya, ‘Nagmamahal-mahal ka pa diyan, ha?' ‘Tapos sabi niya, ‘Ang arte mo, ha!' Talagang maarte ako! Ako, I wanted lang naman talaga manood ng movie. ‘Tapos mag-dinner, yun lang."

Continue reading below ↓

JAMES: "Sabi ko, ‘Huwag na, huwag na!' Pero may pinaplano na ako. Naka-set-up na lahat."

Ikinuwento pa ni James ang isang nakakatuwang plano niya para sa kanila ni Kris.

JAMES: "Dapat diyan sa may Luneta. Meron diyan, e. Hindi, meron doon na mas romantic talaga, maraming puno. Ayaw niya. Iniisip ko na..."

KRIS: "Ang layo, traffic! Mahal ang gas!"

JAMES: "Pero ang ganda. Ang ganda doon! Sabi ko sa Edsa Shang na lang. Siyempre masaya dahil napa-happy mo yung asawa mo. Yun ang hindi ko makakalimutan sa mukha niya na happy pala siya."

KRIS: "Sinabi ko nga sa kanya nung nag-kiss kami nung midnight, sabi ko, ‘Achievement ‘to, ha! Naka-three years tayo.' Achievement, bongga!"

JAMES: "Siyempre ako naman, hindi ko na kinontra. Oo nga ano, achievement talaga."

Pagkatapos ay nagsalita na rin ang mag-asawa tungkol sa pinagdadaanan nilang marriage counseling.

KRIS: "Nakakatulong talaga sa amin ngayon na parang... Kasi, di ba, huwag mo na pag-usapan na nagka-counseling kayo kasi parang inamin mo na may problema, e. Lahat naman ng tao may problema. E, yung sa amin talaga, it helps a lot. Nakatulong talaga kasi yung may nakakausap ka."

Continue reading below ↓

JAMES: "Feeling ko, tama ka, tapos mali pala. Yun ang maganda sa counseling naming dalawa. ‘Tapos sinasabi namin kung ano yung weakness namin. Adjustments na kailangan gawin yung ganun. So maganda yung nadudulot noon sa amin kasi ‘pag mainit na ang ulo mo o gusto mo na makipag-away, may maaalala ka na sinabi sa ‘yo, so yun."

Dahil sa counseling nila, mas nakikilala pa nila ngayon ang isa't isa.

KRIS: "I think ang alam na namin dalawa ngayon what we're sensitive about. Alam namin kung ano yung hindi namin gusto talaga. Kasi na-tackle namin yun sa last session na sensitivities, ‘tapos priorities. So alam niya kung ano yung talagang hindi ko gusto at alam ko na rin ngayon kung ano ang ayaw niya talaga. It's your choice, e. Yun ang natutunan namin ngayon. Choice mo to protect the relationship and choice mo rin kung iwi-weaken mo or sisirain mo yung samahan ninyo."

Continue reading below ↓

JAMES: "Dati inis na inis ako at saka galit na galit ako dahil nagdedesisyon na mag-isa ito [Kris], e. Hindi pinapaalam sa akin. Yun yung major ano, e, kailangan ipaalam mo kung ano ang mga desisyon mo para walang problema, hindi tayo nag-aaway. In-open up ko yun sa pari namin na ganito ang hindi ko gusto sa ginagawa niya sa akin. ‘Tapos yung pinagsasabihan siya. At least ngayon, malaking pagkakaiba."

KRIS: "Ako naman, ang sabi ko sa kanya, ‘Kung galit ka, don't ignore me.' E, parang ayaw mo magpakita sa akin, mas magagalit ako. Ako confrontational, talk nang talk."

JAMES: "Ako naman sa natutunan ko rin, sige, hayaan ko na lang siya mag-talk nang talk."

KRIS: "Ngayon, wala nang paliguy-ligoy. Gusto ko talaga ‘to, ayaw ko talaga ‘to. We learned that."

Nagbigay rin ng mensahe at pangako sina Kris at James sa isa't isa para tumagal pa ang kanilang pagsasama.

Continue reading below ↓

JAMES: "Nagpapasalamat talaga ako sa ‘yo dahil nakikita ko talaga yung katapangan mo. Ikaw pa ang makikipagsuntukan para sa akin. Na-appreciate ko talaga yun. Ang dami natin natutunan in the past three years. Sana mas lalo pa tayong tatatag and ipagpatuloy natin itong counseling natin dahil ang dami nating natutunan. So, love na love kita. And sana habang buhay tayo magkasama forever."

KRIS: "I appreciate so much na humaba na talaga ang pasensiya mo sa mga moments na nagba-brat ako. Natatawanan mo na. Na-appreciate ko din na ngayong nabo-voice out mo sa akin ‘pag appreciative ka sa akin. Happy ako kasi na meron tayong dalawa ng commitment na magmahalan tayo. Gawin nating strong yung family. Tanggap ko na bilang misis dapat walang ego. Kung sa labas ng bahay natin, puwede akong magsikat-sikatan; sa ating dalawa, walang ganun. Pantay-pantay.

"When it comes to decision making siyempre nagkokonsultahan tayo, pero tanggap ko na na ang final say nasa iyo. Nagte-thank you ako kasi nakikita ko talaga yung effort to be more responsible and to be more caring. Pagtibayin natin ang pagsasamahan and yun lang, magsumikap tayong dalawa kasi ang success naman nitong pagsasama natin, naka-depend sa ating dalawa hindi naman sa ibang tao."

Continue reading below ↓

JAMES: "Thank you din."

Sa susunod na buwan ay magbabakasyon sina Kris at James sa Amerika bilang regalo nila sa isa't isa for their third anniversary.

KRIS: "Ang hatian namin, sagot ko ang air fare, sagot niya ang hotel. Hindi niya na-compute na lugi siya kasi mas mahal yung hotel! Sabi niya, ‘Ako na yung hotel.' Tapos nung kinompute ko, ipinakita ko, nakalamang ako!"
Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino, James Yap
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think ang alam na namin dalawa ngayon what we're sensitive about. Alam namin kung ano yung hindi namin gusto talaga... Choice mo to protect the relationship and choice mo rin kung iwi-weaken mo or sisirain mo yung samahan ninyo," says Kris Aquino about her relationship with husband James Yap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results