Paolo Bediones and girlfriend Abby Cruz talk about getting married

by Nora Calderon
Jul 14, 2008
"Wedding? Yes, napag-uusapan namin, pero wala pang specific date. We're preparing, nagtatanong pa rin kami sa mga friends namin. Hindi naman kami nagmamadali," says Paolo Bediones about wedding plans with girlfriend Abby Cruz.


Any day now ay aalis na si Paolo Bediones for a South Asian island para sa reality show na Survivor Philippines ng GMA-7. Pero nag-guest muna siya with his girlfriend, former beauty queen Abigail Cruz, sa Showbiz Central last Sunday, July 13. Nag-celebrate sila ng first anniversary nila bilang magkasintahan last June 24 sa Palawan.

"Actually, hindi namin alam kung ano ang definite date na naging kami. Pero alam naming June ‘yon, kaya kami nag-celebrate," natatawang wika ni Paolo sa Showbiz Central host na si Pia Guanio.

Pinansin ni Pia na pinagpapawisan si Paolo.

"First time kasi naming nag-guest na magkasama!" natatawang pahayag ni Paolo. "Dati, ‘pag tungkol sa aming dalawa ang topic, either ako o siya lang ang nagge-guest. Saka nabigla ako nang tawagan ako kagabi [Saturday] ng staff ng show na kailangan daw may surprise gift ako for Abby. Kaya lang, wala na akong time na maghanda. Favorite flower niya sana ang tulips, pero kailangan pa palang i-order ‘yon sa Holland at four days pa bago dumating, kaya ito na munang pink roses for her.

Continue reading below ↓

"Saka itong blank na CDRs. Mahilig kasi kami ni Abby anything about media and movies, kaya isa ito sa gusto kong ibigay sa kanya. Pero pupunuin ko pa ito ng mga memories na mangyayari sa akin sa 39 days na magkahiwalay kami at nasa island ako. Every day, may note ako para sa kanya."

FULL OF SURPRISES. Ayon na rin kay Abby, puno raw lagi ng sorpresa ang relasyon nila ni Paolo.

"Lagi akong nagugulat kapag nakikita ko siya saan man ako naroon," nakangiting wika nito. "Lagi siyang may sorpresa sa akin. Iba siya talaga."

"Hindi kasi ako ma-chocolate o flowers," sagot naman ni Paolo. "Mas gusto ko ‘yong sinusorpresa ko siya. Like for example, nagpaalam siya na manonood sila ng movie ng friend niya. Last full show sila nanood, pumasok ako sa sinehan. ‘Tapos, tatawagan ko siya sa cell phone at kung ano ‘yong ipinalalabas sa screen, sinasabi ko sa kanya. Nagugulat siya kung bakit ko raw alam, ‘tapos makikita niya, nandoon pala ako."

Continue reading below ↓

THE WEDDING. Since mukhang seryoso na sila sa isa't isa, napag-usapan na ba nila kung kailan sila magpapakasal?

Ani Paolo, "Wedding? Yes, napag-uusapan namin, pero wala pang specific date. We're preparing, nagtatanong pa rin kami sa mga friends namin. Hindi naman kami nagmamadali."

Sagot naman ni Abby, "Yes, we agree na paghahandaan namin ‘yon, kaya humihingi rin kami ng advice sa mga friends namin, sa mga kasama namin sa church."

OCEANS APART. Kung 39 days ang challenges na pagdaraanan ng 16 castaways sa Survivor Philippines, ibig sabihin matagal magkakalayo sina Paolo at Abby?

"Yes, ito ang pinakamatagal na magkakalayo kami," sabi ni Paolo. "Kung 39 days iyong laro ng 16 castaways, ako mga 45 days na mawawala sa Pilipinas dahil mauuna ako at ang production team na aalis sa kanila. I'm glad na busy naman si Abby kaya hindi niya gaanong mapapansin na wala ako."

Continue reading below ↓

"Open naman ang communications namin," sabi ni Abby.

Biro naman ni Paolo, walang signal sa lugar na pupuntahan nila.

Sagot naman ni Abby: "I'm sure he will find a way na makausap ako every day. Ganyan siya, kaya hindi ako magwo-worry kung matagal siyang mawawala."

Natatandaan namin noong nakausap namin si Paolo tungkol sa Survivor Philippines, na yun lang daw ang advantage niya sa mga castaways—puwede siyang makipag-communicate sa Pilipinas through his cell phone, kaya tama si Abby na alam niyang gagawa ng paraan si Paolo na makausap siya.

Natapos ang interview kina Paolo at Abby, sealed with a kiss, na first time daw ginawa ni Paolo.

Read Next
Read More Stories About
Paolo Bediones
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wedding? Yes, napag-uusapan namin, pero wala pang specific date. We're preparing, nagtatanong pa rin kami sa mga friends namin. Hindi naman kami nagmamadali," says Paolo Bediones about wedding plans with girlfriend Abby Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results