Angel Aquino gives boyfriend Lui Villaruz time to realize his potential

by Melba R. Llanera
Jul 14, 2008
"At this moment kasi, Lui is very young pa. I know naman na marami pa siyang gustong patunayan sa sarili niya and I want to give him that space. I want to give him that time to explore himself and get to know what he is really capable of, kasi malaki talaga yung potential niya," says Angel Aquino about her boyfriend Lui Villaruz.


Because of their five-year age gap, many people thought that the relationship between Angel Aquino and Lui Villaruz would not work, that it would end eventually; she is 35 years old and he is 30. Tinaningan na nga ng iba na ilang buwan lang ang bibilangin at mauuwi rin ito sa hiwalayan, tulad ng ibang relasyon na nabuo sa showbz.

Ngunit ngayong isang taon at kalahati na ang itinatakbo ng kanilang relasyon, mukhang nagkamali ang marami sa kanilang inaasahan.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angel, inamin ng aktres na kung magtutuluy-tuloy ang magandang relasyon nila ng boyfriend ay maaaring mauwi ito sa isang mas seryosohang relasyon, tulad ng pagpapakasal.

"I think when you're with someone that long, naiisip mo na siya na yun, especially at this age, parang hindi na ako magsasayang pa ng oras. But at this moment kasi, Lui is very young pa. I know naman na marami pa siyang gustong patunayan sa sarili niya and I want to give him that space. I want to give him that time to explore himself and get to know what he is really capable off, kasi malaki talaga yung potential niya," paliwanag ni Angel.

Continue reading below ↓

Nang tanungin namin si Angel kung paano ilalarawan si Lui as a boyfriend, panay papuri ang binitawan ng aktres.

"This is the first time that I am with someone who's that young. Lui naman is matured with his age, he's ahead of his age. He doesn't act immature at all. May mga moments lang na parang pa-baby, siyempre lalake, e. But other than that, yung mga decisions niya, the way he takes care of himself, he's very responsible.

"Maalaga siya. He cooks for me kasi alam niya na hindi ako mahilig magluto. Siya yung madalas na nagluluto. Everytime that I sleep over, nagluluto ‘yan ng lunch or breakfast," kuwento ni Angel.

Inamin din ni Angel na big deal sa kanya before ang age gap nila ni Lui, pero ngayon daw ay nalagpasan na niya ito.

"May mga moments na nagkakaproblema because of differences in opinions, differences in the way we react upon situations, but then it happens naman in everyone," saad niya.

Continue reading below ↓

Hindi naman lingid sa marami ang pagkakaroon ng anak ni Angel sa una niyang asawa. Ayon kay Angel, unti-unti ngayong sinusubukan ni Lui na makabuo ng magandang pakikitungo sa mga anak ng aktres.

"He's still working on it," sabi niya. "He's very honest naman to admit it. Sabi niya, hindi naman nira-rush yung mga bagay na ‘yan. Right now, he is starting to get to know them every time he comes in the house. Nagte-text-an din sila every now and then. ‘Pag birthday ng anak ko, naggi-greet siya but nothing is too sudden."

BEST DRESSED. Napili rin si Angel as one of the Best Dressed in 2008 ng Preview Magazine, kung saan siya rin ang cover ng nasabing fashion magazine ngayong Hulyo.

"For this year, kasama ang pangalan ko along with Joyce Orena, Tweety de Leon, Isabelle Daza, etc. I feel honored kasi I never thought I would be recognized as fashionable and styley individual, ‘tapos cover pa ko for the July issue of Preview. This is really such a big honor for me," nakangiting sabi ni Angel.

Continue reading below ↓

Regular na napapanood si Angel sa US Girls every Sunday, 8 p.m. at sa Table Escape sa Studio 23. Kasama rin siya sa teleserye nina Judy Ann Santos at Derek Ramsay sa ABS-CBN.

Read Next
Read More Stories About
Angel Aquino
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"At this moment kasi, Lui is very young pa. I know naman na marami pa siyang gustong patunayan sa sarili niya and I want to give him that space. I want to give him that time to explore himself and get to know what he is really capable of, kasi malaki talaga yung potential niya," says Angel Aquino about her boyfriend Lui Villaruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results