Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Court of Appeals finally grants annulment of Vhong Navarro's marriage to Bianca Lapus

by Julie E. Bonifacio
Jul 15, 2008
After three years of waiting, Vhong Navarro's annulment case against actress Bianca Lapus was finally decided by the Court of Appeals in his favor.

Pagkatapos magpalit ng abugado ang komedyanteng si Vhong Navarro sa annulment case na isinumite niya sa korte sa kasal nila ni Bianca Lapus, mabilis na umusad ang kaso. Ilang buwan lang at agad na naibaba ang desisyon ng pagpapawalang-bisa ng kasal ni Vhong kay Bianca.

Ikinasal si Vhong kay Bianca noong January 20, 1998 sa munisipyo ng Floridablanca, Pampanga. Nagkaroon sila ng anak na lalaki. Hindi nagtagal ay nagkahiwalay rin ang dalawa. Nag-file ng petisyon sa korte si Vhong noong May 5, 2005 para mapawalang bisa ang kasal nila ni Bianca.

Sa solo presscon ni Vhong para sa I Love Betty La Fea, nagbigay ng pahayag ang aktor sa estado ng kaso.

"Nasa husgado pa rin, e. Sana nga this year, matapos na," pahayag ni Vhong sa The Buzz.

Hanggang nitong July 9, Miyerkules, matapos ang tatlong taon ay lumabas na ang desisyon sa kaso. Kinatigan ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court. Napawalang-bisa ang kasal ni Vhong kay Bianca.

Continue reading below ↓

Batay sa desisyon, sapat ang ebidensiyang nagpapatunay na una, si Bianca ay may "psychological incapacity" bago pa man sila ikasal. At ikalawa, na nakikipag-date diumano si Bianca sa ibang lalaki habang magkarelasyon pa sila ni Vhong.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kinuha ng The Buzz ang panig ni Bianca sa pamamagitan ng kanyang abugado na si Atty. Donn Bacay.

"It's the court's decision so we have to accept it. Yun lang, masakit kay Bianca yung findings, na she was not a good wife and mother to his other kid," pahayag ni Atty. Bacay.

Isa lang daw ang hiling ng kampo ni Bianca kay Vhong ngayong kumpirmado na ang annulment ng kanilang kasal. "Nagbibigay si Vhong, pero hindi sapat. About P10,000 a month. It's not enough para sa lumalaking bata," sabi ni Atty. Bacay.

Nakunan din ng pahayag ng The Buzz si Vhong at ang nababalitang karelasyon niya ngayon na si Desiree del Valle. Nang tanungin ang aktor tungkol sa kanyang annulment case, matipid pa rin ang sagot ni Vhong.

Continue reading below ↓

"Hindi ako puwedeng magsalita, honestly," sabi niya.

Ayon naman kay Desiree, "I don't think I have any right to say anything about it. Basta ang masasabi ko lang, okay kami ni Vhong, yun lang. Yeah, we're okay."
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After three years of waiting, Vhong Navarro's annulment case against actress Bianca Lapus was finally decided by the Court of Appeals in his favor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results