John Lloyd Cruz praises his leading lady Sarah Geronimo for her "virginal outlook"

by Julie E. Bonifacio
Jul 20, 2008
"Si Sarah, very oblivious sa mundo. Hindi naman naïve. Yung outlook niya kasi sa buhay very virginal. Yung intentions niya are pure and true. That's what I mean. No malice. Ganun siya. Kakaiba na sa panahon ngayon. Walang ganun katulad niya. It's refreshing lang na makakilala ng taong tulad niya sa panahong ito," says John Lloyd Cruz about his leading lady Sarah Geronimo in "A Very Special Love."

Humarap sa entertainment press ng Cebu City ang aktor na si John Lloyd Cruz kasama ang leading lady niya na si Sarah Geronimo bago pumunta ng SM Cebu City para sa mall tour ng movie nilang A Very Special Love ng Star Cinema Productions at Viva Films.

Dito tinanong si John Lloyd kung ano ang ibibigay niyang birthday gift kay Sarah na magse-celebrate ng birthday on July 25.

"Kasi nag-birthday din ako, wala rin siyang binigay kaya patas na," biro ni John Lloyd habang nakikinig naman sa kanya ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Of course, magkakaroon siya ng something from me. Kung anuman ‘yon, siya lang ang makakaalam," pahabol ni John Lloyd.

VIRGINAL SARAH. Hindi rin naiwasang itanong kay John Lloyd ng Cebu press kung ano ang kaibahan ni Sarah sa dati na niyang ka-love team na si Bea Alonzo.

"Si Sarah, very oblivious sa mundo. Hindi naman naïve. Yung outlook niya kasi sa buhay very virginal–" Biglang naputol na sabi ni John Lloyd dahil sa reaksyon ng press.

Continue reading below ↓

"Hindi. Totoo naman," ngiti niya.

"Yung intentions niya are pure and true. That's what I mean. No malice. Ganun siya. kakaiba na sa panahon ngayon. Walang ganun katulad niya. It's refreshing lang na makakilala ng taong tulad niya sa panahong ito."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

JOHN LLOYD'S FAVORITE LINE. Pinapili rin si John Lloyd ng linya sa theme song ng movie nila na A Very Special Love na puwede niyang i-dedicate kay Sarah.

"I'd say the same lines for her, yung ‘You're not like the rest, I know you're the best.' ‘Tsaka yung ‘squeezing me tighter," may pagkapilyong sagot ni John Lloyd.

"Yun naman yun, e. Isa sa pinaka-strongest point ng team-up namin. Kaya mo siya magugustuhan, dahil sa istorya ng movie namin."

CONTINUOUS FRIENDSHIP. Nag-last shooting day na magkasama sina John Lloyd at Sarah for their first team-up sa big screen last Friday morning bago lumipad papuntang Cebu. Pagkatapos ay pupunta si John Lloyd sa Japan for a show. Habang si Sarah ay ipagpapatuloy ang shooting sa ilang natitirang eksena niya.

Continue reading below ↓

Hahanap-hanapin kaya ni John Lloyd ang pagtatrabaho niya with Sarah?

"Ah, it's one of these gifts na madadala mo. Kahit tapos na yung movie, magpapatuloy yung friendship. It had become a very special tandem. I'm hoping na kahit tapos na yung movie, magpapatuloy ang friendship namin. Siguro hindi na maiiba yung treatment o relationship namin ni Sarah. At sana, anything that is good will last."

ACTING LESSONS ABROAD. After ng movie niya with Sarah, ipagpapatuloy ba ni John Lloyd ang dream niya na mag-aral ng acting sa ibang bansa?

"Sana mabigyan ng chance na if not this year sana mangyari next year. In life you can never learn too much. You're still in the process of learning. So, yung interes mo na matuto sa buhay ‘pag tinitigil mo parang tumigil din yung interes mo sa trabaho. Feeling ko lang nakakabobo kung lagi kang ganu'n ulit. Gusto ko sa susunod na project ko well-equipped ako. So, I want to try that and I want to have a different approach sa craft ko," pagwawakas ni John Lloyd.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Sarah, very oblivious sa mundo. Hindi naman naïve. Yung outlook niya kasi sa buhay very virginal. Yung intentions niya are pure and true. That's what I mean. No malice. Ganun siya. Kakaiba na sa panahon ngayon. Walang ganun katulad niya. It's refreshing lang na makakilala ng taong tulad niya sa panahong ito," says John Lloyd Cruz about his leading lady Sarah Geronimo in "A Very Special Love."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results