Dr. Vicki Belo on boyfriend Hayden Kho's thoughtfulness and simplicity

by Julie E. Bonifacio
Jul 19, 2008
Dr. Vicki Belo is very proud of her boyfriend Dr. Hayden Kho who, she says, is just enjoying being in showbiz.


Nag-uumpisa na ang mga intriga sa relasyon ni Dr. Vicki Belo ngayong nag-aartista na ang boyfriend niya na si Hayden Kho. Natsitsismis na kasi si Hayden sa ilang female showbiz stars, gaya ni Katrina Halili. Sa kabila nito, hindi naman nakakaramdam ng pag-aalala si Dr. Belo.

THOUGHTFUL HAYDEN. Ani Dr. Vicki, araw-araw raw ay laging pinapa-feel sa kanya ni Hayden na hindi siya dapat mag-alala at laging secure siya sa pag-ibig at katapatan nito sa kanya.

"Tumawag siya kahapon sa akin. I was in Singapore, ‘tapos tumawag siya. Sabi niya, ‘Babes, magpapaalam lang ako.' E, ‘dumugudug-dugudog' ang puso ko. Sabi ko, ‘Bakit?' Sabi niya, ‘Kasi magmo-model ako.' E, bridal yung ano...yung ending bride. Sabi ko, ‘E, di may girl ka? Sino ang girl mo?' He mentioned a Russian model. And then sabi niya, ‘In the end kasi, I have to kiss her.' I said, ‘Type mo ba siya?' Sabi ko, ‘Talaga, ha? Kung type mo siya, hindi mo siya puwedeng halikan. Pero kung hindi mo type okey lang. Pero maiksi lang, ha.'

Continue reading below ↓

"Pero I thought he was so sweet. Kasi you know, from modeling naman you understand, same with the movies. He's so thoughtful that he would even call me and make paalam. Feeling ko naman, ‘Hay, naku! Ang bait talaga ng boyfriend ko,'" kuwento ni Dr. Belo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng bago niyang male celebrity endorser na si Billy Crawford.

E, kung hindi siya pumayag na humalik ang boyfriend niya sa Russian model na ka-partner nito, sa tingin ba niya susundin siya ni Hayden?

"He would. But I think now he realized...I think even the women who want to have pictures with him...what I heard was, the Chinese are particularly conservative...And sometimes sasabihin, baka magalit si Dra. Belo. Hindi naman po ako ano, I'm not naman an ogre. Okey na okey kasi kilala ko si Hayden na sobrang cariñoso ‘yan, ‘tsaka laging nakaakbay. Hindi ako talaga nagseselos kasi he knows how to make me feel secure."

Continue reading below ↓

"I don't know... but I hope, three years na po kami and I believe in this relationship. So, it's just getting better all the time. So I hope it will continue."

ENJOYING SHOWBIZ. Nag-e-enjoy ba si Hayden sa pag-aartista niya?

"He's enjoying now. He enjoys it a lot now and he's marketing for Belo. Naka-discover siya ng bagong talent. He's a natural marketing genius. Kasi ang tingin ko, he's young...so he's now being able to bring that to the Internet. Yung mga modern way of marketing."

Wala ba siyang plano na isama sa billboard ng Belo si Hayden?

"Alam mo, it's been an ano... I don't want people to say, ‘Ano ba ‘yan? Ang nakuha lang niyang endorser yung boyfriend niya?' You know... And he really doesn't want to."

DRESSING FOR FUN. May mga nakakita raw kay Hayden na naglalakad sa mall at parang hindi siya cosmetic surgeon kung umasta.

Continue reading below ↓

"Kasi, well, I think kasi si Hayden lahat ng clothes niya mukhang hindi mahal. Naka-tsinelas siya pero kung titingnan mo naman, Louie Vuitton or Prada.

"You know, he really is a dresser. He likes to wear polo shirts. That's why when we got together parang we enjoy together kasi pareho ang aming thinking.

"Every day is a different day. Today I want to become a kagalang-galang. This day I want to be a hippie or I want to be sexy.

"Life is fun and you just dress for fun. That's why he doesn't want to join showbiz, e. Tinitingan na siyang ganun. ‘Tapos kung anu-ano na ang sinasabi. Pero he really loves acting kaya lang yung intriga hindi niya masyadong gusto."

Samantala, after Billy's launching as endorser nabanggit ni Dr. Belo na naka-line-up na sa kanila si Christine Bersola at Bea Alonzo.

"Yung bago kong Belo shape, naka-lineup for Christine Bersola at kay Bea Alonzo. Actually, we haven't launched Bea as our model, e."

Continue reading below ↓

DR. VICKI IN SHOWBIZ TOO. May plano ba siya na isabay ang launching ni Bea as Belo endorser sa start ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN na I Love Betty La Fea?

"Hindi ninyo ba alam na I have a role sa Betty? Kung si Hayden may Kim Samsoon, ako rin kailangan may role. I'll appear somewhere in the middle pa."

Ano ang role niya?

"Secret. Surprise pa," nakangiting tapos ni Dr. Belo.

Read Next
Read More Stories About
Vicki Belo, Hayden Kho
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Vicki Belo is very proud of her boyfriend Dr. Hayden Kho who, she says, is just enjoying being in showbiz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results