"PDA" expelled scholar Bea Muñoz ready "to let go" of boyfriend Miguel Mendoza

by Julie E. Bonifacio
Jul 22, 2008
"Sa tagal po namin ni Miguel, pinag-isipan namin na maging open dahil pareho kaming nangangarap pumasok sa showbiz. So, mahirap po na maging seryoso kayo sa isa't isa ‘tapos masaktan lang kami sa mga issues," explains Pinoy Dream Academy expelled scholar Bea Muñoz about her relationship with boyfriend Miguel Mendoza.


Nilinaw ng Pinoy Dream Academy (PDA) ex-scholar na si Bea Muñoz ang balitang tatapusin na niya ang kanyang relasyon sa naiwang boyfriend sa loob ng Academy na si Miguel Mendoza sa panayam sa kanya ng The Buzz noong Linggo, July 20.

Parehong nominado for expulsion ang magkarelasyong Bea at Miguel last week, pero si Bea ang na-expel. Bago nangyari ang nominasyon, madalas na ang tampuhan nina Bea at Miguel sa loob ng Academy. Minsan na rin pinagselosan ni Bea ang isa sa mga scholar na si Apple.

Hindi rin nagustuhan ng iba ang pag-uugali ni Bea sa loob ng Academy at nang minsang nakasagutan niya ang isa pang scholar na si Laarni, kinampihan pa ni Miguel si Laarni. Hanggang sa Gala Night ng PDA noong Sabado, July 19, kitang-kita sa video ang pagiging mailap nina Bea at Miguel sa isa't isa.

Unang tanong ng The Buzz host na si Cristy Fermin kay Bea ay ang tungkol sa pagiging "brat" daw niya sa loob ng Academy dahil lumaki siya sa isang nakaririwasang pamilya.

Continue reading below ↓

"Hindi po. They commonly judge me on the way I look and the way I act po. Hindi po talaga ako brat. It's just pagka-unang kita mo sa akin, akala mo brat ako dahil po sa kung saan ako galing," pagtatanggol ni Bea sa sarili.

Nagpaliwanag din si Bea sa obserbasyon ng iba na tiningnan niya nang masama si Miguel pagktapos i-announce ang kanyang pangalan na siyang mae-expel sa loob ng Academy.

"Sa totoo po, bago pa lang nung na-probation kaming dalawa, naging cold na po kami sa isa't isa for the reason na kung ilapit namin ang aming sarili sa isa't isa, mahirap pong mag-let go," saad ng aspiring singer.

Hindi naman daw ibig sabihin ng "let go" niya ay may plano na siyang makipaghiwalay nang tuluyan kay Miguel na karelasyon na niya since first year high school pa lang sila.

"Hindi po," mabilis na sagot ni Bea. "Just to let go kasi eventually one of us have to go [out of the academy] and one of us have to let go."

Continue reading below ↓

Ngayong wala na siya sa loob ng Academy, posible na makuha ng ibanng female scholars ang atensyon ni Miguel. Ano ang masasabi ni Bea rito?

"Sa totoo po, ini-entertain ko yung decision ni Miguel kasi, di ba po, naging isyu yung open relationship? Sa tagal po namin ni Miguel, pinag-isipan namin na maging open dahil pareho kaming nangangarap pumasok sa showbiz. So, mahirap po na maging seryoso kayo sa isa't isa ‘tapos masaktan lang kami sa mga issues."

Naging vocal din ang ina ni Bea na si Mrs. Trinidad Muñoz na hindi niya papayagan ang anak na pasukin ang showbiz. Aasikasuhin daw muna nilang mag-ina ang bumalik sa eskuwela si Bea.

"Hindi naman po sa ayaw nila. Pero gusto po nila na tapusin ko ang pag-aaral ko. Papasok po ako next semester," sabi ni Bea.

Nagbigay rin ng kanyang saloobin si Bea kung sino para sa kanya ang dapat manalo sa PDA.

Continue reading below ↓
"Sa akin po si Bugoy po. Very humble po talaga. Kasi wala siyang training. Alam po niya ang dapat niyang gawin and madali po siyang maka-pick-up. Yung personality niya, very kind among all other scholars sa loob ng Academy. So I think Bugoy should win," pagtatapos ni Bea.
Read Next
Read More Stories About
Pinoy Dream Academy
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa tagal po namin ni Miguel, pinag-isipan namin na maging open dahil pareho kaming nangangarap pumasok sa showbiz. So, mahirap po na maging seryoso kayo sa isa't isa ‘tapos masaktan lang kami sa mga issues," explains Pinoy Dream Academy expelled scholar Bea Muñoz about her relationship with boyfriend Miguel Mendoza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results