Chairman Bayani Fernando reacts to Bong Revilla and Jinggoy Estrada's plan to kick him out of MMFF

by Roldan Castro
Jul 22, 2008
MMDA Chairman Bayani Fernando is criticized by actors turned senators Jinggoy Estrada (inset, upper right) and Bong Revilla (inset, lower right) for the way he runs the yearly Metro Manila Film Festival (MMFF). He challenges the two senators by saying, "Kung gusto nilang mag-festival, they put up their own festival."


Rumesbak si MMDA Chairman Bayani Fernando sa kanyang birthday party-presscon sa Cultural Center, Marikina City, kamakailan, sa hakbang na gagawin daw nina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada na bibigyan siya ng last chance ngayong December sa pamamahala ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

‘Pag hindi pa rin daw maganda ang mangyayari sa MMFF this year ay gagawa sila ng bagong ahensya at magpepetisyon diumano sila para mapalitan si Chairman Fernando bilang chairman ng MMFF.

"I-define na rin nila kung ano ang hindi magandang nagawa ng MMFF! Yung isang million, kung hindi maganda ang kita, yun ang hindi maganda. Magmula nang hawakan ko ang MMFF, tumaas ang kinita nito na hindi pa kinita ng Metro Manila Film Festival sa tanang 35 years of existence. Kaya hanggang saan ang gusto nila? ‘Yan ang dapat i-research nila bago nila sabihin na hindi maganda," diretso niyang pahayag sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Ang sistema ng pamamalakad natin is always for improvement every year dahil it's the same people na inabot ko diyan, six years ago, yun pa rin ang mga respected members of the industry. Sino ang mga nakaupo dun? Sa Mowelfund Boots Anson Roa, Film Academy of the Philippines (FAP) Chairman Esperidion Laxa; si Ric Camaligan na president ng cinemas.

Continue reading below ↓

"Nandoon din mismo sa board na yun, sina Manny Nuqui na may sinasabi sa industriya kaya hindi puwedeng sabihin na nagpabaya o whatsoever," deklara pa ni Chairman BF.

May legal basis ba sina Sen. Revilla at Sen. Estrada para agawin kay Chairman Bayani ang MMFF?

"Wala... Hindi maganda yung pakialaman nila nang ganun yun pagkat yun ay isang batas. Kaya ko kinarir ‘yan, to reperesent the interest of the local government. Kasi ‘yan ay sa pagmamagandang-loob ng mga mayor na binibigay sa industriya sa halip na mapunta sa city. Kaya.‘wag nilang anuhin yun dahil pagmamagandang-loob lamang yun. And I'm here...I'm the chairman of the festival to represent the interest of the donors.

"Kung gusto nilang mag-festival, they put up their own festival," malaman pang deklara ni Chairman BF.

Tinanong din si Chairman Bayani kung isa kina Gov. Vilma Santos o Sen. Bong Revilla ang maging running mate niya sa 2010 election dahil plano niyang tumakbong presidente ng bansa, pabor ba siya?

Continue reading below ↓

"Partido ang magdedesisyon, e! Wala sa aking diperensya yun. Hangga't maaari, I would want somebody na makakadagdag ng boto ko. Complementary," pagtatapos niya.

Read Next
Read More Stories About
Jinggoy Estrada, Bong Revilla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA Chairman Bayani Fernando is criticized by actors turned senators Jinggoy Estrada (inset, upper right) and Bong Revilla (inset, lower right) for the way he runs the yearly Metro Manila Film Festival (MMFF). He challenges the two senators by saying, "Kung gusto nilang mag-festival, they put up their own festival."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results