Angelika dela Cruz says dad will go ballistic if live-in rumor true

by Archie de Calma
Jul 22, 2008
"Hindi ko magagawa 'yan dahil alam kong isusumpa ako nang bonggang-bongga ng daddy ko [Ernie dela Cruz]. I must admit, nagpupunta ako kung minsan sa bahay ni Orion sa Ortigas. Siya naman ay pinupuntahan din ako sa bahay namin sa Malabon. I see nothing wrong with that," says Angelika dela Cruz about report that she is already living in with her boyfriend, Orion Casareo.


Ayaw pang ipaalam ni Angelika dela Cruz ang iba pang detalye ng Una Kang Naging Akin, na nakatakdang matunghayan sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7. Kasama siya sa cast nito at ididirek ni Joel Lamangan. Although may mga nababalitaan na tungkol sa bagong teleserye, wala pang confirmation na natatanggap si Angelika, maliban sa pagkakasali niya rito.

Kaya nga ‘ayan at kontrobersyal na muli si Angelika. Napapabalitang kasal na raw sa boyfriend niyang si Orion Casereo. Pinabulaanan na ito ng aktres at ang bagong nasagap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), hindi pa nga kasal si Angelika pero ito'y nakikipag-live in na diumano sa boyfriend.

"Oh, no!" bulalas ng aktres. "Hindi ko magagawa 'yan dahil alam kong isusumpa ako nang bonggang-bongga ng daddy ko [Ernie dela Cruz]. I must admit, nagpupunta ako kung minsan sa bahay ni Orion sa Ortigas. Siya naman ay pinupuntahan din ako sa bahay namin sa Malabon. I see nothing wrong with that. Pero kung nakikita man ako na nagpupunta sa bahay ni Orion, hindi nangangahulugan na doon na ako nakatira, at doon na rin ako natutulog.

Continue reading below ↓

"I still live with my dad sa Malabon, although napag-usapan na rin namin, kailangan na rin namin ni Mika [Mariko, her younger sister] ng matitirahan na malapit sa pinagtatrabahuan namin. Nag-aartista na rin si Mika, di ba? At plano namin, ita-transfer na namin siya sa Miriam College.

"Kaya dapat lang na mas malapit na rin sa Miriam yung titirhan namin ni Mika, di ba? Malamang na sa Quezon City, basta malapit sa Katipunan at sa GMA-7, para hindi na kami mahirapan," paliwanag ni Angelika.

Magsosolo raw si Angelika, pero kasama niya roon ang sister niya at ibang kaanak. Hindi raw yun para mag-live in na sila ni Orion.

"Hindi pa kami kasal at malabo 'yan sa ngayon dahil may commitments pa ako. Heto nga at may bago akong assignment sa GMA-7. Parang hindi naman yata napapanahon kung gagawa ako ng desisyong ganyan. Three years na ang relasyon namin ni Orion. So far, so good. Wala akong nakikitang masama kung maghihintay pa kami ng ilang taon," sabi ni Angelika.

Continue reading below ↓

May nakakita raw sa kanila na bumibili ng mga kasangkapan at appliances sa isang mall. Natawa na lang si Angelika na inuugnay ang balitang ito sa kung anu-anong tsismis.

"Nag-a-upgrade kasi ng TV niya si Orion, kaya nandodoon kami para tumingin ng bagong TV. Nagpunta pa nga kami sa gun showroom. Bakit wala yun sa nasagap mong kuwento?" at saka natawa ang aktres.

"I don't want to rock the boat, lalo na yung tungkol sa pagpapakasal. Wala namang masama kung magpakasal na rin ako dahil nasa age na ako. Kaso nga, ang point doon, hindi totoo, How I wish na totoo, pero hindi ganoon kadaling mag-decide," sabi ni Angelika.

Read Next
Read More Stories About
Angelika dela Cruz
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko magagawa 'yan dahil alam kong isusumpa ako nang bonggang-bongga ng daddy ko [Ernie dela Cruz]. I must admit, nagpupunta ako kung minsan sa bahay ni Orion sa Ortigas. Siya naman ay pinupuntahan din ako sa bahay namin sa Malabon. I see nothing wrong with that," says Angelika dela Cruz about report that she is already living in with her boyfriend, Orion Casareo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results