Meryll Soriano welcomes dad Willie Revillame's new flame with open arms

by Melba R. Llanera
Jul 29, 2008
"Sabi ng papa, ‘pag 21 daw, lola na siya. Binata naman si Papa at kung di ka naman ganun ka-bagets mag-isip, okey lang yun. According to papa, the girl is very proper daw, very decent, and mabait daw talaga. Open arms naman ako lagi sa makakapagpasaya sa papa ko, never akong nakialam sa love life niya," says Meryll Soriano about her dad Willie Revillame's latest object of affection Nadine.


Sa balitang lumabas na may bagong inspirasyon daw ngayon ang Wowowee host na si Willie Revillame sa katauhan ng 19-year-old CEU student na si Nadine, agad na inabangan ng publiko kung ano ang reaksyon ni Meryll Soriano sa bagong kabanatang ito ng buhay ng ama.

Pagkatapos ng annulment ng kasal nila ni Liza Almoro, naging maingat na noon si Willie na mapaugnay sa sino mang babae na inili-link sa kanya mapa-showbiz man ito o non-showbiz. Kaya nga laking-gulat ng mga nakakita sa kanya sa nakaraang Star Magic Ball nang rumampa si Willie kasama si Nadine. Hindi man diretsahang aminin ng TV host ay kitang-kitang may espesyal na pagtingin sa kanya ang comedian-TV host.

HAPPY FOR PAPA. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Meryll, inamin ni Meryll na di pa niya personal na nakikilala ang nababalitang bagong girlfriend ng ama, pero nagbitaw siya sa PEP ng salita na inirerespeto niya ang desisyon ng ama at hindi siya hahadlang kahit kailan sa kung anuman ang makakapagpaligaya dito.

Continue reading below ↓

"Hindi ko pa nami-meet nang personal si Nadine, pero naikukuwento na siya sa akin ni Papa. Basta ako I'm happy lang na happy siya, kasi he deserves din naman na maging happy. I only wish for his happiness, saka buhay ng Papa ko yun, nirerespeto ko kung anuman ang desisyon niya sa buhay niya. He worked hard, mag-isa lang siya sa buhay niya so he has to be happy. Ano pa ang dapat nating maramdaman but to be happy for him."

Sa malaking age gap nina Willie (in his late 40s) at ni Nadine, marami tuloy ang nag-iisip na baka hindi rin daw mag-work ang relasyon ng dalawa. Bagay na agad namang tinutulan ni Meryll.

"Sabi ng papa, ‘pag 21 daw, lola na siya. Binata naman si Papa at kung di ka naman ganun ka-bagets mag-isip, okey lang yun.

"According to papa, the girl is very proper daw, very decent, and mabait daw talaga. Open arms naman ako lagi sa makakapagpasaya sa papa ko, never akong nakialam sa love life niya. Kumbaga kanya-kanya kami.

Continue reading below ↓

"Naghahanap din naman siya ng partner na mag-aalaga sa kanya saka yung aalagaan din naman niya. Yung pantay lang sila na magbibigay ng sapat sa relasyon na yun."

WILLIE'S LAST WILL. Marami ang ginulat at nag-aalala nung mabalita na nagpagawa na raw ng last will and testament niya si Willie kung saan kasabay ng balitang ito ay ang kumpirmadong problema sa puso ng TV host kung saan inamin niya sa amin na may isang ugat siyang ‘di dinadaluyan ng dugo. Lumabas din na pinamamana pala ng TV host ang isang bahay niya sa Quezon City kay Meryll.

"Regarding ‘yang heart ailment niya, di namin napag-uusapan. Yun kasi ang lagi niyang sakit at ‘yung sa lalamunan niya saka sa tiyan, kasi nga di siya madalas nakakakain on time.

"Ayokong mag-worry kasi lahat naman tayo dapat may last will and testament, lalo na ‘pag marami kang properties. I guess ginawa niya yun para sigurado siya. You'll never know what's gonna happen."

Continue reading below ↓

NO SUPPORT FROM BERNARD. Nalalapit na ang 1st birthday ng anak niya na si Elijah. Sa tanong namin kung may tulong bang ino-offer si Bernard Palanca para sa nalalapit na kaarawan ng anak, ito ang tapat na sagot sa amin ni Meryll.

"Wala pero kinukumusta naman niya si Elijah from time to time. Malapit na ang birthday ng baby ko, ang dami-dami ngang dapat gawin kasi mabusisi nga ako. Mabusisi ako na as early as possible, dapat nagpe-prepare na ako.

After giving birth to Elijah at unti-unting pagbababalik sa showbiz, kasali na rin si Meryll sa serye ng Dos na I Love Betty where she will play the role of Rose.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ng papa, ‘pag 21 daw, lola na siya. Binata naman si Papa at kung di ka naman ganun ka-bagets mag-isip, okey lang yun. According to papa, the girl is very proper daw, very decent, and mabait daw talaga. Open arms naman ako lagi sa makakapagpasaya sa papa ko, never akong nakialam sa love life niya," says Meryll Soriano about her dad Willie Revillame's latest object of affection Nadine.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results