John Lloyd Cruz says Sarah Geronimo is a revelation in "A Very Special Love"

by Melba R. Llanera
Jul 31, 2008
"Habang nagda-dubbing ako nun, napapanood ko siya, bit by bit. Pero nung nakita ko siya nung isang latagan, sabi ko, ‘di ko na kailangang i-promote, ‘di ko na kailangang papurihan si Sarah. Marami-rami na kaming promotions na nagawa. Sinasabi ko ito hindi para i-promote yung pelikula namin pero sa tingin ko sobrang galing talaga ni Sarah dito," says John Lloyd about his "Avery Special Love" leading lady Sarah Geronimo.


Sa malaking tagumpay at init ng pagtanggap ng publiko sa premiere night ng A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films, inaasahan nang isang blockbuster movie na naman ang madadagdag sa listahan ng mga pelikulang sinuportahan at tinanggap nang husto ng mga manonood.

Magandang senyales daw kasi ang pagma-mature na ng ating movie viewers pagdating sa pagkilatis ng isang magandang pelikula. Hindi na daw tulad ng dati na ang personal na relasyon ng mga bida lang ang tinitingnan ng manonood sa isang movie. Concerned na rin sila sa husay ng mga nagsiganap na artista, ganda ng script, at galing ng pagkaka-direct nito.

THE END OF JOHN LLOYD-BEA? Katulad na lang ng magandang onscreen chemistry at mahusay na pagganap nina John Lloyd at Sarah sa A Very Special Love. May nagbigay tuloy ng komento na may katotohanan nga yata ang kinatatakutan ng mga John Lloyd-Bea [Alonzo] fans na baka tuluyan nang buwagin ang tambalan nilang dalawa.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd sa nakaraang premiere night ng A Very Special Love, sinigurado niyang hindi naman mangyayari ang pinangangambahan na ito ng mga tagahanga nila ni Bea.

"Dumaan man ang ilang pelikula ko na wala siya [Bea] o kahit magkaroon siya ng pelikula na wala ako, gagawa at gagawa pa rin kami ni Bea na mga projects, mapa-pelikula man o TV na kami ang magkasama."

Masayang-masaya sa mainit na pagtanggap ng tao nang gabing iyon sa tambalan nila ni Sarah, para kay John Lloyd ay naihatid nila ang intensyon nilang maiparating sa publiko. Ito ay ang pagbibigay ng puso sa pelikula.

"Siguro kung naging masaya ang lahat ng nanood, doble ang saya namin so maraming-maraming salamat sa kanila," sabi pa ni John Lloyd.

SARAH IS A REVELATION. Sa obserbasyon ng marami, lutang na lutang ang natural na husay sa pag-arte ng aktor pero kapansin-pansin din daw ang galing na ipinakita ng Pop Princess. Bagay na sinang-ayunan naman ni John Lloyd.

Continue reading below ↓

"Basta ang alam ko si Sarah, nag-shine siya sa movie na ito. She's the biggest revelation in this movie. Iisipin mo napakasimple lang ng role niya, kahit siya sinasabi niya na ‘di malayo sa kanya. Light lang pero kung paano niya binigyan ng buhay ‘yung light na sinasabi niya, kung alam ninyo lang kung gaano kahirap yun... I think any performer or actress will agree with me na ‘di porke't sinabi mong light, ‘di lang puro light ang atake talaga. Dalawang dimension yung atake niya, ang galing-galing.

"Habang nagda-dubbing ako nun, napapanood ko siya, bit by bit. Pero nung nakita ko siya nung isang latagan, sabi ko, ‘di ko na kailangang i-promote, ‘di ko na kailangang papurihan si Sarah. Marami-rami na kaming promotions na nagawa. Sinasabi ko ito hindi para i-promote yung pelikula namin pero sa tingin ko sobrang galing talaga ni Sarah dito."

Sa tanong namin kung bukas ba siya sa isang bagong proyekto na magkasama sila uli ni Sarah, nakakatakot ang isinagot sa PEP ng aktor.

Continue reading below ↓

"Nakakatakot kasi kung maging successful ang movie na ito, paano mo mapapantayan yung una? Nakatakot, but I would definitely welcome the idea of doing another movie movie with Sarah."

STAYING OR GOING? Naging kontrobersyal ang nakaraang Bench Blackout kung saan nagreklamo si Annabelle Rama na ipu-pull out na raw niya ang anak niyang si Richard Gutierrez sa nasabing clothing line dahil daw may favoritism na nangyayari dito. Nagkataon naman na katulad ni Piolo Pascual na dapat sana'y nasa fashion show, wala rin si John Lloyd doon. Kinabukasan after the show, may usap-usapan nang kasabay daw ni Richard ay aalis na rin daw si John Lloyd as a Bench endorser.

"'Di ako nakasama because obviously it's matter of priority. May ipapalabas akong pelikula, gumagawa ako ng mga post-prod na trabaho sa pelikulang ito, ‘di pa tapos ang post prod, I was dubbing. Sa tingin ko naman naiintindihan ng Bench na kailangang gawin ‘yun. Kung ‘di ko tinapos ‘yun [movie post-prod], ‘di magiging ganito yung pelikula.

Continue reading below ↓

"Wala kong offers sa iba, wala akong planong lumipat. Wala akong tampo kay Ben Chan. I'm happy with Bench."

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Habang nagda-dubbing ako nun, napapanood ko siya, bit by bit. Pero nung nakita ko siya nung isang latagan, sabi ko, ‘di ko na kailangang i-promote, ‘di ko na kailangang papurihan si Sarah. Marami-rami na kaming promotions na nagawa. Sinasabi ko ito hindi para i-promote yung pelikula namin pero sa tingin ko sobrang galing talaga ni Sarah dito," says John Lloyd about his "Avery Special Love" leading lady Sarah Geronimo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results