Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Meet Schinina Juban, "The Debutante"'s Ultimate IT Girl

by Nora Calderon
Aug 2, 2008
"I really worked hard for it, and I think I'm deserving to win. Ginawa ko po lahat ng challenges sa loob ng three months ng reality search," says Schinina Juban, the Ultimate IT Girl of the reality show The Debutante.

Sa mga reality contest, lagi na lang may sob stories ang mga contestants, at usually, nagiging underdog sila. Meron ding kahit hindi deserving, nananalo through text votes. Kaya kung minsan, ang tanong: ano ang kasalanan kung nakaluluwag sa buhay ang isang contestant, kahit deserving, matatalo?

Pero naiiba ang reality search na The Debutante ng QTV Channel 11, dahil ang tinanghal na Ultimate IT Girl sa grand finals night last week ay isang contestant who belongs to a well-to-do family. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, July 29, sa Dulcinea Restaurant in Tomas Morato, Quezon City ang winner na si Ma. Schinina Yuseco Juban.

Naiiba ang name ni Schinina at sabi ng Mommy Tina niya, hindi pa raw canonized ang Italian holy man na kinuhanan niya ng pangalan ng anak.

SHE DESERVES IT. Sa palagay ba ni Schinina, deserving siyang manalo bilang Ultimate IT Girl ng The Debutante?

"I really worked hard for it, and I think I'm deserving to win," nakangiting pahayag ng 17-year-old IT Girl."Ginawa ko po lahat ng challenges sa loob ng three months ng reality search, isa po rito iyong hindi ko malilimutan na nagtinda kami ng isa sa finalists, si Kate, ng bulaklak ng sampaguita sa Quiapo para tulungan iyong pamilyang tinirahan namin doon.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Naranasan namin iyong itinataboy kami ng ibang nagtitinda ng sampaguita dahil hindi raw sila makabenta, sa amin kasi bumibili ang mga tao. Pero nakiusap kami na isang araw lang naman iyon na magtitinda kami ng sampaguita at iyong kikitain namin, ibibigay naming tulong sa mahirap na pamilya. Nahirapan din po kami doon sa wakebording sa CamSur dahil first time naming ginawa iyon at nagkaroon din kami ng mala-Survivor challenge doon."

Hindi ikinaila ni Schinina na medyo may kaya naman sila kaya iyong scholarship grant na isa sa mga prizes na natanggap niya ay ibinigay na niya sa runner-up niya, si Bea, dahil mas kailangan nito. Ang iba pang prizes na natanggap niya ay P50,000 cash prize, trip to Boracay for five persons, managerial contract sa GMA Artist Center for three years, at isang home theater showcase.

GETTING TO KNOW SCHININA. First year college si Schinina sa De La Salle University taking up Communication Arts. She's also one of "Manila's Five Loveliest in 2006-2007." May three older brothers siya at siya ang bunso at only daughter ng parents nilang sina Lope at Tina Juban.

Continue reading below ↓

Hilig ba niyang mag-artista at hindi ba siya pinigilan ng parents niyang pasukin ang showbiz?

"Hindi po nila ako pinigilang mag-join ng reality search dahil bata pa ako, hilig ko na rin ang umarte-arte at madalas ay isinasama ako ng daddy ko who is a local producer ng mga Hollywood shows na ginagawa rito tulad ng The Apocalypse, Survivor, Amazing Race, sa mga shoot nila dito sa bansa."

Biniro si Schinina kung sakaling mag-offer ba ang FHM o iba pang men's magazine, papayag ba siyang magpa-cover?

"It's a big no po!" natatawang wika ni Schinina. "Isa pa, napakabata ko pa po at hindi ko kaya iyong mga sexy pictorial na tulad noon. Bukod po sa bago kong career, priority ko po ang studies ko. Since full-load ako ngayon, kung may work, kahit po sa school ay mag-aaral na ako bago ako pumunta sa commitments ko."

LOVI LOOK-ALIKE. May nagsabi na ba sa kanyang may hawig siya sa actress-singer na si Lovi Poe? Kahit kasi ang hairstyle nila ni Lovi ay magkapareho. Hindi kaya kung makita siya ni Jolo Revilla ay ligawan siya nito? If ever ba, papayag siyang makatambal si Jolo?

Continue reading below ↓

"Kapitbahay po namin sila sa Ayala Alabang. Friend ko po si Inah [Jolo's sister] at barkada ng mga brothers ko sina Bryan at Jolo," natatawang wika ni Schinina.

"Sayang nga po noong wedding ni Inah hindi ako nakapunta kasi may mga challenges kaming ginagawa noon. Okey lang po sa akin kung makakatambal ko si Jolo, at least po, kilala ko na siya."

BOYS. Crush ni Schinina sina Dingdong Dantes at Gerald Anderson, pero ang gusto niyang makatambal, si Richard Gutierrez na balita raw niya ay very professional magtrabaho. Gusto rin daw niya si Chris Tiu, kahit daw taga-Ateneo University ito, dahil Kapuso naman niya. Ang favorite actress naman niya ay si Iza Calzado dahil napakahusay daw nitong umarte.

Ang motto ni Schinina, "To believe in myself," at ang philosophy niya, "Everything happens for a reason." Mahilig daw siyang mag-travel at ang favorite destination niya ay London and Europe. Although wala pa naman siyang boyfriend, kung ikakasal daw siya, gusto niya ay sa Venice at doon na rin ang honeymoon. Sa Asia, ang gusto niyang puntahan ay Macau, China.

Continue reading below ↓

May coming projects na ba sa kanya ang GMA Artist Center?

"Dapat po noon ay kasama ako sa Asian Supermodel Search dahil pasok po ako sa requirements nila, kaya lang hindi po ako pinayagan ng The Debutante dahil ten days akong mawawala, at ayaw ko rin po namang masayang ang pinagpaguran ko na. May mga TV guestings po muna ako, at soon, magkakaroon po kami ng isang entertainment news magazine show ni Heart Evangelista sa QTV Channel 11."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I really worked hard for it, and I think I'm deserving to win. Ginawa ko po lahat ng challenges sa loob ng three months ng reality search," says Schinina Juban, the Ultimate IT Girl of the reality show The Debutante.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results