John Prats: "I will stay in ABS-CBN."

by Archie de Calma
Aug 11, 2008
"Kung sa tingin ko, as an actor maggu-grow ako sa GMA-7, lilipat ako. Pero kung okey naman ako sa ABS-CBN at maganda ang nangyayari sa career ko, bakit pa ako lilipat?" explains Kapamilya star John Prats about rumor that he is considering his transfer to GMA-7.


Idiniin ni John Prats sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi totoo ang isyung lilipat na siya sa GMA-7. Hindi niya alam kung ano ang detalye ng pagdiskarte ng manager niyang si Arnold Vegafria sa Kapuso network, pero aniya, "I will stay in ABS-CBN!"

Dagdag niya, "In fact, I will sign a new contract for ABS-CBN tomorrow. It will just be for a year. Annual renewal na lang siguro. Pero if you're going to ask me kung ano ang magiging dahilan why I should transfer na, it's not because of money. Definitely, hindi ko gagawin 'yon dahil lang sa pera. Kung saan na lang ako maggu-grow.

"Ang naiisip ko kasi riyan, I'm not getting any younger anymore. Sa trabaho lang ako. Kung sa tingin ko, as an actor maggu-grow ako sa GMA-7, lilipat ako. Pero kung okey naman ako sa ABS-CBN at maganda ang nangyayari sa career ko, bakit pa ako lilipat?" paliwanag ng young actor.

Continue reading below ↓

Kay John, walang lumalapit para sa offer ng GMA-7. Ang alam niya, dumaraan 'yon sa manager niya.

EXCLUSIVELY DATING. Kinumusta rin ng PEP si Shaina Magdayao kay John. Okey lang daw sila.

"We're exclusively dating," diretsahang sabi ni John.

Hindrance daw si John sa tuluyang pag-angat ng career ni Shaina. Ano ang comment ng young actor dito?

"Kung sa tingin nila ganoon lang ang pakay ko, na gagamitin ko lang si Shaina and all that, para namang napakasama ko nang tao," napapailing na sabi ni John. "Sa nakikita n'yo naman, hindi nga ako masyadong nag-e-elaborate pa. Basta ang sinasabi ko lang, we're exclusively dating. Alam ng marami na hindi ko ginagamit ang sitwasyon namin ni Shaina para lang sa publicity."

In fact, wala pang halos assignment na pinagsasamahan lately sina Shaina at John. Ang latest kay John, si Ehra Madrigal ang partner niya sa Loving You, ang latest romantic-comedy ng Regal, na idinirek ni Don Cuaresma.

Continue reading below ↓

"Hindi ito career move," sabi ni John. "Never ko itong gagawin para sa advantage ko. Eight years kaming naging close friends ni Shaina bago ako nag-decide na manligaw sa kanya, at kailan lang kami talaga lumalabas. Hindi ko sisirain 'yon dahil lang sa ganoon. Kaya palagay ko, hindi ako magiging hindrance sa career niya o personal life."

Naapektuhan ba ang friendship nila ni Rayver Cruz dahil kay Shaina? Nanligaw rin kasi noon si Rayver kay Shaina.

"Wala talaga sa amin. Nagkakaintindihan naman kami sa parteng 'yan. Alam kong nanligaw si Rayver kay Shaina, pero we abide sa gentlemen's rule na tinatawag. Kung alam kong sila ni Rayver, hindi ako papasok sa eksena. Never silang naging mag-on, sa pagkakaalam ko," pahayag ni John.

Wala nang isyu rito kung tutuusin dahil si Shaina na ang namili.

"Tungkol kay Rayver, hindi naman ako nagtatanong kay Shaina," dagdag ni John. "Kaya ko siguro napasagot si Shaina, eight years na kasi yung friendship namin. Alam na niya ang intentions ko.

Continue reading below ↓

"Child stars pa lang kami, magkakilala na kami. Ang plus factor sa amin ni Shaina, 'yung pinagsamahan namin. Close pa sila ng sister kong si Camille [Prats], Marinella days pa nila, with Serene Dalrymple. Isinasama siya ni Camille sa house noon kaya nakikita ko siya. Naging close na ang families namin. At hindi ko nga in-expect na made-develop kami in a romantic way. Last year, hayun, finally tumibok ang puso ko para sa kanya," pagtatapat ni John.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung sa tingin ko, as an actor maggu-grow ako sa GMA-7, lilipat ako. Pero kung okey naman ako sa ABS-CBN at maganda ang nangyayari sa career ko, bakit pa ako lilipat?" explains Kapamilya star John Prats about rumor that he is considering his transfer to GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results