Dennis Trillo cites stars' conflicting schedules as reason behind "Kulam" delay

by Nora Calderon
Aug 13, 2008
"Natapos ko na ang Zaido, nakapag-shooting na rin ako ng I.T.A.L.Y. tapos na rin itong Magdusa Ka at nagkaanak na ako at magbi-birthday na nga siya, hindi pa rin naipalalabas [ang Kulam]. Naging problema po namin ay ang scheduling, dahil pareho kaming naging busy ni Judy Ann. At least po ngayon, magda-dubbing na lang kami, at maipalalabas na rin," says Dennis Trillo.

Sa Friday, August 15, last taping day na ng Magdusa Ka at promise ni Dennis Trillo, hindi raw magdurusa sa ending ang kanilang mga tagasubaybay. Kaya kaninang lunch na nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Executive Lounge ng GMA Network Center, nagpapasalamat na siya sa mga televiewers, kahit two weeks pang mapapanood ang Sine Nobela nila ni Katrina Halili sa afternoon block ng GMA-7.

Sa palagay ba niya, bakit sinusubaybayan ang kanilang afternoon soap, na parang pang-primetime slot ang rating na natatanggap nila?

"Masaya po kami ni Katrina dahil kung tutuusin, parang sinubukan lang ng GMA-7 ang team-up namin," nakangiting wika ni Dennis. "Ilang beses na rin po kaming nagkasama ni Katrina sa TV, pero hindi kami ang magkatambal, kaya nakakagulat din po na madali nila kaming natanggap.

"Maganda rin po ang feedback na natatanggap ng production. Nagustuhan nila ang Magdusa Ka dahil naging consistent daw sa mahusay na pagganap ang mga artista. Maganda ang story sa simula pa lang hanggang sa magtatapos na kami. Kaya po sa natitirang two weeks, marami pang interesting na mangyayari sa bawat character.

Continue reading below ↓

"Siguro po, dahil din parehong mahuhusay ang direktor namin, sina Direk Maryo J. delos Reyes, who is an actor's director, at si Direk Rado Peru sa second unit namin. Saka nakita ko rin po, sa loob ng four months na magkasama kami ni Katrina, three times a week, ang transition ng kanyang character, from a kontrabida sa mga past teledrama na ginawa niya, to her lead role. She's very versatile, very professional, na kahit marami siyang ginagawa, nagagampanan niyang lahat ang trabaho niya."

Biniro ng PEP si Dennis kung hindi ba niya naisip na ligawan si Katrina. Inili-link din kasi sila noon pa at naging sweet din naman sila sa isa't isa. Kaya lang, nakakagulat na sa halip na siya ang piliin ni Katrina sa isang interview, sabi nito ay mas close daw sila ni Marvin [Agustin].

"Hindi ko po alam kung anong meron sila ni Marvin, pero ang alam ko, kami ni Katrina ang magka-partner at okey naman sa akin si Katrina," natatawang sagot ni Dennis.

Continue reading below ↓

Dapat ay may story conference na rin ang susunod niyang project sa GMA-7 primetime, ang Gagambino, that afternoon, pero hindi muna natuloy dahil may sakit si Katrina na muli niyang makakatambal sa telefantasiya. Mari-reunite din sila ni Nadine Samonte na nakasama niya noon sa Super Twins.

DELAYED KULAM. May dalawang pelikulang nakahanda nang ipalabas si Dennis, ang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films at Viva Films, at ang Kulam nila ni Judy Ann Santos for Regal Entertainment.

"Nag-reshoot nga po kami ng ilang eksena kahapon [August 12]. Iyon po kasing huling nai-shoot ko, nagkaproblema sa prosthetics. Almost 4:00 a.m. na po kasi iyon, medyo pagod na kami lahat. Hindi po naging maayos ang pagkalagay ng prosthetics kaya nang mapanood po ang rushes, hindi maayos kaya nag-reshoot kami."

Sa November na raw ang playdate ng movie na dinirek ni Jun Lana. Kung tutuusin, inabot ng more than a year bago maipapalabas. Ano ang naging problema kung bakit hindi natapos agad ang shooting ng movie?

Continue reading below ↓

"Nakakatawa nga po kasi ang dami nang nangyari sa akin," saad ni Dennis. "Ginawa po kasi ni Sharlene [San Pedro] iyong Princess Sarah kaya pinutulan ang buhok niya at nahinto ang shooting namin. Natapos na po iyon ipalabas, ako naman natapos ko na ang Zaido, nakapag-shooting na rin ako ng I.T.A.L.Y. tapos na rin itong Magdusa Ka at nagkaanak na ako at magbi-birthday na nga siya, hindi pa rin naipalalabas.

"Naging problema po namin ay ang scheduling, dahil pareho kaming naging busy ni Judy Ann. Lumaki na rin po si Sharlene at humaba na muli ang kanyang buhok. At least po ngayon, magda-dubbing na lang kami, at maipalalabas na rin."

BABY CALIX ANDREAS. Nabanggit na rin lamang ni Dennis na magbi-birthday na ang anak na si Calix Andreas, kailan ba iyon at ano ang gift niya sa anak?

"Sa September 22, one year old na siya. Bale iyong birthday party niya ang gift ko sa kanya, saka iyong stroller na high-end. Hindi ko pa po nakikita iyong stroller, kasi si Carlene [Aguilar, his former girlfriend at mom ni Calix] po ang bumili, nagbigay lang ako ng pambili niya," nakangiting wika ni Dennis.

Continue reading below ↓

Inamin ni Dennis na although hindi na nga sila ni Carlene ngayon, open ang communications nila dahil madalas pa rin silang magkita. Basta libre siya, dumadalaw siya sa anak. May nakikita na ba siyang bago sa anak?

"Nakakatuwa na po si Calix, dahil nagta-try na siyang magsalita. Ang first word na sinabi niya, ‘dada!' Nadadala ko rin siya sa bahay, pero hindi pa siya nag-o-overnight sa akin dahil mahirap pong ihiwalay kay Carlene, umiiyak.

"Kahit ang parents ko, kapag hindi ko nadala sa kanila si Calix, sila ang pumupunta sa bahay nina Carlene.

"Kahapon, after ng reshoot ko ng Kulam, tumuloy po ako sa bahay nila. Nang malaman ng parents ko na nandoon ako, pumunta rin sila.

"Napansin ko na rin na mahilig siya sa sounds. Minsang nasa condominium ko siya, narinig niya ang pagda-drums ko, nakita kong para rin siyang nagtatambol kaya ibinili ko siya ng hand drum, iyon tinatambol niya."

Continue reading below ↓

Hindi naman kataka-takang mahilig si Calix sa music dahil bukod sa mahusay kumanta si Dennis, marunong din siyang tumugtog ng musical instruments, particularly ang pagtugtog ng drums.

Bago natapos ang kuwentuhan with Dennis, may nagsabi sa kanyang dapat daw ay siya na ang tawaging "Sine Novela Drama King" dahil dalawa na niyang afternoon drama ang tumanggap ng pinakamataas na rating, ang Kung Mahawi Man Ang Ulap at itong Magdusa Ka. Ngumiti lamang si Dennis.

Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo, Katrina Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Natapos ko na ang Zaido, nakapag-shooting na rin ako ng I.T.A.L.Y. tapos na rin itong Magdusa Ka at nagkaanak na ako at magbi-birthday na nga siya, hindi pa rin naipalalabas [ang Kulam]. Naging problema po namin ay ang scheduling, dahil pareho kaming naging busy ni Judy Ann. At least po ngayon, magda-dubbing na lang kami, at maipalalabas na rin," says Dennis Trillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results