KC Concepcion reveals her many firsts on "The Buzz"

by Julie E. Bonifacio
Aug 19, 2008
"Wala akong guards. Hindi ko pinipigil yung sarili ko. Hindi ako nag-iisip masyado. Yung heart ko lang talaga yung gumagana, oo. Yun ang na-realize ko, mas maganda pala nung nasa teens ako. Yun lang yung mundo ko. Wala kang iniisip na iba," says KC Concepcion about her first love.

Pagkatapos ng kontrobesiyal na first live interview ni KC Concepcion sa The Buzz two Sundays ago, August 10, nagkaroon ng usap-usapan sa mga binitiwan niyang rebelasyon. (Click here to read related article.) Pero may mga tanong pa ang hindi nasagot ni KC sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kaya naman muli silang nagharap last Sunday, August 17.

This time, hinimay ni Boy ang naikuwento ni KC na tungkol sa pagnanais niya na mapasama sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV, pero hindi siya pinayagan.

"Siguro ten years old ako or 11 years old," pahayag ni KC. "Oo, parang favorite kong panoorin yung mga pambatang mga shows. Naalala ko talagang ninenerbiyos ako and I went out to my mom na seryosong-seryoso, na para akong magtatanan!" sabay tawa niya.

"'Ma, okey lang bang mag-Ang TV ako? Gusto ko talagang mag-Ang TV, e.' ‘Tapos hindi ako pinayagan. Iyak ako nang iyak. Sabi niya, ‘When the right time comes.'"

Continue reading below ↓

LOVE & BEING BEAUTIFUL. Ibinahagi rin ni KC ang advice na ibinigay sa kanya ni Sharon Cuneta pagdating sa pag-ibig.

"She said, well, siyempre na mag-ingat. Huwag magpaloko, na kailangan strong ka bilang babae. Para kahit ano'ng mangyari, maaalagaan mo yung sarili mo."

Tinanong ni Boy si KC kung kailan niya nalaman na maganda pala siya.

"Ha?" nagulat na reaksiyon ni KC. "Kasi Tito Boy, may braces ako dati. Three years akong nag-braces. So, talagang pumayat ako nang todong-todo. When I went to the States, 13 ako nung bumalik ako, or 14. And pumayat talaga ako and after that, people were saying, ‘Hey, you look really good! Umiba yung hitsura mo!' Kasi I was a chubby, nine, ten years old."

FIRST TIME TO MEET RICHARD. Ni-reveal din ni KC ang mga first sa buhay niya gaya nung una niyang makita ang leading man niya sa kanyang first movie na For The First Time na si Richard Gutierrez.

Continue reading below ↓

"The first time I saw him talaga yung sa high school party. He was a friend of a friend. So, hindi naman like yung Richard Gutierrez na nakikita natin ngayon. And at that time, he was a nice guy who had a nice smile, who was parang very friendly, ganun. Nagkatinginan lang kami and then he said ‘hi,' I said ‘hi.' In-introduce kami na, ‘This is my friend,' you know. And then, may iba na akong kausap and siya rin.

"But then, ayun, when I left for Europe, ‘pag bumabalik ako, I would always watch TV para alam ko pa rin kung ano'ng nangyayari, ganun. And I would see him. Yung mahaba pa yung hair niya. Hindi ko nga lang maalala yung pangalan nung show niya, pero one of these seryes. And then, hindi ko na-recognize. Hindi ko naalala na siya yung guy na na-meet ko dun sa party."

FIRST LOVE. Ikinuwento rin ni KC ang first time niyang naramdaman yung love niya sa kanyang tanang buhay.

Continue reading below ↓

"Wala akong guards. Hindi ko pinipigil yung sarili ko. Hindi ako nag-iisip masyado. Yung heart ko lang talaga yung gumagana, oo. Yun ang na-realize ko, mas maganda pala nung nasa teens ako. Yun lang yung mundo ko. Wala kang iniisip na iba," saad ng 23-year-old actress.

Inamin din ni KC ang una niyang pag-iyak dahil sa pag-ibig.

"When I broke up with my first boyfriend," sabi niya.

Umiyak daw talaga si KC that time.

"Oh, yeah. Na-depress talaga ako nun, like isang taon. Oo, talaga, sobra! Hindi ako makatulog! Super, super! Important experience sa akin yung first breakup talaga."

First kiss?

"My first kiss was a dare!" tawa niya. "Barkada ko yung nag-dare sa akin. High school ako nun. And then, dare lang siya. Ginawa ko! Yun na yung first kiss ko."

BEING FAMOUS. Napag-usapan din kung paano hina-handle ni KC ang katanyagan.

"I always try to remember... My Mom always says, ‘Don't believe your press. And huwag mong ididibdib lahat ng mabasa mo, madinig mo, good or bad.'"

Continue reading below ↓

Sa paghawak ng pera, nag-aaral na rin daw si KC kung paano mag-handle nang mabuti.

"I'm learning. I read books. In control, alam ko pa rin kung saan ko gagamitin. And I make sure na lagi kong ginagamit."

RICHARD IS LIKE AN ONION. Inilahad din ni KC ang mga nadiskubre niya kay Richard sa 13 days na pagsasama nila sa Greece.

"Si Chard, maraming layers. Maraming layers 'yan. Para siyang sibuyas. Through time and through his trust sa 'yo, dun lang yun isa-isang natatanggal."

Nasaang stage na sila ni Richard ngayon?

"Ay, hindi ko alam! Yun lang yung alam ko, Tito Boy."

Feeling naman ni KC, parang pinangungunahan sila ng mga magulang nila ni Richard na parehong boto sa kanilang dalawa.

Sa huli, inalam ni Boy kung nasaan na si Richard sa buhay niya ngayon.

"Well, I'm sharing a lot of firsts, like we went to Greece together and then... As time goes by, we become better friends," pagtatapos ni KC.


Continue reading below ↓



Trailer courtesy of Star Cinema

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala akong guards. Hindi ko pinipigil yung sarili ko. Hindi ako nag-iisip masyado. Yung heart ko lang talaga yung gumagana, oo. Yun ang na-realize ko, mas maganda pala nung nasa teens ako. Yun lang yung mundo ko. Wala kang iniisip na iba," says KC Concepcion about her first love.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results