Lovi Poe returns to school while actively pursuing showbiz career

by Nitz Miralles
Aug 19, 2008
After her aborted love affair with Jolo Revilla, Lovi Poe busies herself with school and showbiz commitments.


Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng update tungkol sa personal na buhay at career ni Lovi Poe mula sa manager niya na si Leo Dominguez.

Akala namin ay lie-low na sa kanyang career ang young singer-actress at nawalan ng gana na patakbuhin ang career pagkatapos maudlot ang pagmamahalan nila ng young actor na si Jolo Revilla. Pati kasi sa TV, biglang naglaho si Lovi at noong Sunday, sa Dear Friend ng GMA-7 lang uli siya napanood after a very tearful guesting sa Showbiz Central, kung saan on national TV ay pinili niya ang ina over Jolo.

Natatandaan ng PEP ang sinabi ni Lovi na hindi siya gagawa ng bagay na ikasasama ng loob ng ina na si Rowena Moran dahil mahal na mahal niya ito. Sa tanong kung mahal pa niya si Jolo, "Oo" ang sagot ni Lovi, pero hindi niya diniretso kung boyfriend niya ang young actor o hindi.

Continue reading below ↓

Ibinalita ni Leo sa PEP na busy si Lovi sa school at sa kanyang career. She's enrolled right now sa Miriam College taking up Psychology at enjoy raw ang dalaga sa pag-aaral. Kahit ano'ng mangyari, pipilitin daw nitong matupad ang pangako sa ina na magtatapos ng college.

As for her career, kakatapos lang niyang mag-guest sa two-night show ni Gabby Concepcion sa Music Museum at kasama rin siya sa 20-city tour ng actor-singer. Ang show sa Music Museum ang kick-off ng tour nito at susunod ang show sa Cagayan de Oro sa September 13.

In between her guesting sa tour ni Gabby, magkakaroon ng solo concert si Lovi sa Music Museum sa October 16. Billed Bloom ang concert, at guests sina Ogie Alcasid, Jay-R, Jan Nieto, Dennis Trillo, and other surprise guests.

Bloom din ang title ng second album ni Lovi under SonyBMG to be released next month. Ang title track din ang carrier single nito at ilan sa songs na kasama sa album ang "Nais Ko" (theme song ng Kaputol ng Isang Awit), "Dito sa Puso," "Sa Pag-iisa" (isinulat ni Vehnee Saturno), "Sana" (gawa ni Joven Tan), "Save the Sunlight" na duet nila ni Aljur Abrenica, at "Paulit-ulit" na collaboration nina Lovi at Ogie.

Continue reading below ↓

Malapit na ring muling magkaroon ng regular TV show sa GMA-7 si Lovi dahil kasama siya sa La Lola. Hindi pa alam ng young singer-actress kung ano ang kanyang role, pero sinabihan na siyang kasama siya sa cast. So, ibig sabihin, okey sa kanyang mag-support kay Rhian Ramos, na siyang bida sa naturang soap.

Magiging busy rin sa movies si Lovi. Nasa cast siya ng Shake, Rattle & Roll X at Paukay-Ukay ng Regal Entertainment. Ang una'y entry sa 2008 Metro Manila Film Festival at malapit nang simulan ang shooting. Horror naman ang second movie, pero wala pang detalye.

Itinanong din namin kay Leo ang estado ng relasyon ngayon nina Lovi at Jolo. Aniya, "Siyempre, importante kay Lovi ang mom niya na tutol sa pakikipagrelasyon niya sa kahit kanino, kaya nag-concentrate muna si Lovi sa studies niya. Excited din siya sa release ng Bloom at sa kanyang first major concert."

Continue reading below ↓

Sa sagot na ito ni Leo at sa sinabing tutol ang ina ni Lovi na makipagrelasyon ito kahit kanino, does it mean na mali ang balitang may non-showbiz boyfriend na si Lovi? Sa guy na ito raw boto ang ina ng young singer-actress dahil bukod sa matagal nang kilala ay alam na mahal na mahal ang anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
After her aborted love affair with Jolo Revilla, Lovi Poe busies herself with school and showbiz commitments.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results