Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Carlene Aguilar denies reported incident with a Star Magic talent

by Nitz Miralles
Aug 21, 2008
"Hindi ko alam na may ganung isyu at hindi rin ako sure kung na-meet ko na siya [Regine]. Wala akong inokray at ang kasama ko lang sa dressing room, sina Bubbles Paraiso, Precious Adona. Wala talagang ganung incident. Hindi ako ganun kamaldita. Hindi ko rin siya kilala para ganunin," says Carlene Aguilar about a report saying that she ridiculed Regine Angeles of Star Magic in the dressing room during the Bench Blackout fashion show.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carlene Aguilar after the presscon proper of Celebrity Duets Season 2 last night, August 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang isyung pagba-ban diumano kay Carlene ng ABS-CBN dahil sa pang-ookray niya sa isa sa mga talents ng Star Magic ang agad itinanong ng PEP sa kanya. Ang balitang nakarating sa PEP ay nakasama raw ni Carlene ang Star Magic talent at Be Bench winner na si Regine Angeles sa dressing room ng Araneta Coliseum during the Blackout fashion show of Bench last July 25. Dahil hindi niya kilala, tinanong daw ni Carlene kung artista ba si Regine, na sinagot naman daw ng "oo" ng dalaga.

Inalam din daw ni Carlene ang sequence ng pagrampa nila sa stage at nang malamang si Regine ang mahuhuli, nag-dialogue daw si Carlene na baka sinulot nito ang kanyang lugar. Ang hindi alam ni Carlene, may taga-Star Magic sa loob ng dressing room na nakarinig sa pang-ookray niya diumano sa kanilang talent at dahil doon ay banned na raw siya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Hindi ko alam na may ganung isyu at hindi rin ako sure kung na-meet ko na siya [Regine]," simula ni Carlene. "Wala akong inokray at ang kasama ko lang sa dressing room, sina Bubbles Paraiso, Precious Adona. Wala talagang ganung incident. Hindi ako ganun kamaldita. Hindi ko rin siya kilala para ganunin. Siya ba yun?" tanong ng beauty queen.

May nakausap din ang PEP at pinatunayang may okrayan ngang nangyari, pero hindi raw si Regine kundi si Michelle Carbonel, ang runner-up ni Regine sa Be Bench, ang inokray ni Carlene. Tanungin daw namin uli si Carlene kung magde-deny pa ito, pero hindi rin alam ng kausap namin ang tungkol sa isyung pagba-ban kay Carlene sa ABS-CBN.

CARLENE'S OTHER SIDE. Sa presscon ng Celebrity Duets ay nagpakita na ng kapilyahan si Carlene nang pabirong okrayin si MMDA Chairman Bayani Fernando.

Aniya, "Ang first reaction ko nang malamang kinukuha ako for Celebrity Duets ay matuwa dahil nagawa ko nang lahat. Sana this time, manalo na ako. Dream ko talagang kumanta. Pero may aaminin din ako. Nang sumali si Chairman Fernando, muntik na akong mag-back out. Ang daming magti-text sa kanya, pero marami ring inis sa kanya sa mga ginagawa niya, kaya hindi na ako nag-back out."

Continue reading below ↓

Inamin din ni Carlene na isa sa pumigil sa kanya para hindi ituloy ang pagba-back out ay isa pang contender na si Phil Younghusband, na crush at inspirasyon daw niya. Kaya inalam namin kung seryoso siya sa sinabi niyang crush niya ang 21-year-old Fil-Brit soccer player.

"At least may cute at ka-age namin sa grupo," sambit ni Carlene.

Puwede bang pamalit sa ex-boyfriend at ama ng anak ni Carlene na si Dennis Trillo si Phil?

"Bata, e, bata pa. He's only 21, hindi puwede. Siguro crush lang. Naguguwapuhan ako sa kanya. Iba ang looks niya, medyo tisoy, pero hindi ko rin naman hilig ang masyadong tisoy."

Posible bang maka-duet niya si Dennis sa Celebrity Duets?

"Ayos lang! Kakantahin namin ang ‘All Out of Love,' kanta niya yun sa album niya para ma-promote na rin. Okey lang sa akin kung okey sa kanya. Pero may manager yun at hindi ko alam kung papayag ang manager niyang ka-duet ako at, siyempre, kung puwede ang schedule niya."

Continue reading below ↓

Kung papipiliin siya, sino talaga ang gusto niyang maka-duet?

"Si Ogie ang gusto ko, kaya lang host na siya. Sobrang galing niya! Second choice ko si Janno Gibbs. Kahit siguro sino puwede," pagtatapos ni Carlene.
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko alam na may ganung isyu at hindi rin ako sure kung na-meet ko na siya [Regine]. Wala akong inokray at ang kasama ko lang sa dressing room, sina Bubbles Paraiso, Precious Adona. Wala talagang ganung incident. Hindi ako ganun kamaldita. Hindi ko rin siya kilala para ganunin," says Carlene Aguilar about a report saying that she ridiculed Regine Angeles of Star Magic in the dressing room during the Bench Blackout fashion show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results