Rufa Mae Quinto comes home after three-week stay in Canada

by Ruel J. Mendoza
Aug 27, 2008
"Itong trip ko sa Canada, talagang nagbakasyon na rin ako. Kahit wala akong makeup at mukhang bagong gising, go, go, go ako talaga! Kahit ayokong maka-miss out sa pasyalan," relates Rufa Mae Quinto.


Nakabalik na ng Pilipinas si Rufa Mae Quinto noong August 25 pagkatapos ng tatlong linggong trabaho at bakasyon sa Canada. Nagkaroon ng series of shows si Rufa Mae sa Vancouver, Alberta, Winnipeg, Red Deer, at Edmonton kasama sina Allan K, Pooh, at Giselle Sanchez.

"Nag-show kami para sa ilang Filipino communities doon. Yung producer namin, ang bait-bait, sobra! Lahat yata ng gusto namin, ibinigay niya kaya naman kami, super ang pagbigay ng show. As in ibang level na talaga!

"Nakakatuwa nga kasi ang init-init ng pagtanggap nila sa amin doon. Kahit nga sobrang lamig doon ay dumating sila sa mga shows namin. Miss na miss na raw nila ang Pilipinas kaya masayang-masaya silang nanood ng shows namin doon," masayang kuwento ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinamantala na rin daw ni Rufa Mae at ng ilang kasamahan niya ang pagkakataon na mamasyal sa ilang magaganda at sikat na tourist spots sa Canada. First time nga raw ni Rufa Mae sa naturang bansa kaya nag-feeling turista siya sa kanilang masayang paglalakbay.

Continue reading below ↓

"Bihira naman ako maging turista, e. Kadalasan, kapag nasa ibang bansa ako, trabaho ang pinupunta ko. Hindi ko masyado na-appreciate ang mga magagandang lugar. Minsan kasi ilang days ka lang, ‘tapos uuwi na agad sa Pilipinas kasi nga may trabaho na naghihintay.

"Itong trip ko sa Canada, talagang nagbakasyon na rin ako. Kahit wala akong makeup at mukhang bagong gising, go, go, go ako talaga! Kahit ayokong maka-miss out sa pasyalan. Siyempre, nag-shopping ako pero more para sa pamilya ko at mga kaibigan. Konti lang para sa akin kasi ang dami ko nang mga gamit.

"Kung saan-saan kami nagpunta at ang gaganda ng mga lugar. Parang ang lapit-lapit mo sa nature kasi alaga ang mga bundok, ilog, at gubat nila. At ang fresh ng hangin parati. Parang walang gano'n sa Pilipinas masyado, di ba?

"Tutal nagpaalam naman ako sa mga EP [executive producers] ng shows ko sa GMA-7 na Dyesebel, Showbiz Central, Bubble Gang, at SOP na matatagalan ako sa Canada dahil ilang shows ang gagawin ko. Tapos naman na ako sa shooting ko ng Single sa Viva Films at I.T.A.L.Y. sa GMA Films. Itong pag-uwi sisimulan ko naman ang Desperadas 2 para sa Regal Entertainment. Kaya tama lang na napahinga ako nang husto," lahad ni Rufa Mae.

Continue reading below ↓

Na-miss nga raw ni Rufa Mae ang pagtatrabaho kaya naman handa na ulit siyang bumalik sa mga shows niya.

"Nakikibalita lang ako sa mga friends ko. Miss na raw nila akong mapanood sa TV. Kaya here I am! I'm back, ready or not!" sabay malakas na tawa ni Rufa Mae.

Read Next
Read More Stories About
Rufa Mae Quinto
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Itong trip ko sa Canada, talagang nagbakasyon na rin ako. Kahit wala akong makeup at mukhang bagong gising, go, go, go ako talaga! Kahit ayokong maka-miss out sa pasyalan," relates Rufa Mae Quinto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results