Bea Alonzo sank into depression before ABS-CBN gave her "Betty La Fea"

by Julie E. Bonifacio
Aug 29, 2008
"Kasi after Maging Sino Ka Man, wala silang [ABS-CBN] nilatag na project para sa akin. Si Sam [Milby] at Anne [Curtis], may Dyosa na. Si John Lloyd, may A Very Special Love. Na-depress talaga ako noon. Sabi ko, ‘Ano ang gagawin ko? Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Kailangan ko ng money para sa pamilya ko.' So ayun, na-depress ako," relates Bea Alonzo.

Kinontra ni Bea Alonzo ang sinabi ni John Lloyd Cruz na show lang ng young actress ang bagong primetime series ng ABS-CBN, ang I Love Betty La Fea. Ayon kay Bea, show nilang lahat ang Betty La Fea. John Lloyd plays Bea's love interest, Armando.

"Sa title pa lang, I Love Betty La Fea, siya [John Lloyd] yung nagsasabi nun, e, si Armando. Kagaya ng sinabi niya, kung anuman yung success na nakukuha namin or our individual projects, isini-share din namin ‘yon. Kung anuman yung success ng A Very Special Love [John Lloyd's movie with Sarah Geronimo], yun din ang success ko. Kasi proud ako sa kanya kasi sabay kaming nag-start, e. Sabay kaming nag-start sa soap opera.


"I mean, lahat ng shows namin, pareho lang kami. So, dito, coming from him, sobrang na-appreciate ko talaga na sinabi niya na matagal ko nang hinihintay ito, itong project. ‘Tsaka alam n'yo naman kung gaano ko kamahal ‘to, at kung gaano karami ang isinasakripisyo ko dahil sa proyekto na ito," lahad ni Bea sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I Love Betty La Fea kagabi, August 28.

Continue reading below ↓

Masaya ba siya na tinanggap ni John Lloyd ang role na Armando sa Betty La Fea?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Oo naman, sobra! Kasi parang konting adjustment na lang ang gagawin ko."

Naisip ba niya na paghihiwalayin na ang tambalan nila ni John Lloyd nang itambal sa iba ang kapareha?

"Oo, siyempre nakakalungkot din. Ikaw, may officemate ka for ten years or eight years, ‘tapos biglang aalis? E, di ba, parang nakakalungkot naman ‘yon? E, kung sa PBB [Pinoy Big Brother] nga at sa PDA [Pinoy Dream Academy] konting span pa lang yung napagsamahan nila, naiiyak na sila. E, ano pa kaya yung sa amin," pahayag ni Bea.

Hindi pa ba siya handa na mawala ang love team nila ni John Lloyd?

"Siguro hindi pa handa, at hindi pa handa ang lahat ng supporters namin para tanggapin. Sana nga hindi na mag-end," asam niya.

Pero na-threaten ba siya nang malaman niyang naging successful ang love team ni John Lloyd with Sarah?

Continue reading below ↓

Ani Bea, "Sa totoo lang, tinawagan ako ni Tita Mariole [Alberto] to tell me na, ‘Oy, okey yung movie ni John Lloyd at ni Sarah!' Ang naramdaman ko noon is happiness. Siguro po kung nangyari ‘yon nung depressed stage ko, siguro mas lalo akong mate-threaten o mas lalo akong kakabahan. Pero since I am doing this [Betty La Fea], alam ko na ito ang ibinigay sa akin ng Diyos. ‘Eto muna, dito muna ako magko-concentrate. Siyempre, happy ako at mahal na mahal ko si Direk Cathy [Garcia Molina], sobra!"

BEA'S DEPRESSION. Bakit siya na-depress?

"Kasi after Maging Sino Ka Man, wala silang [ABS-CBN] nilatag na project para sa akin. Si Sam [Milby] at Anne [Curtis], may Dyosa na. Si John Lloyd, may A Very Special Love. Na-depress talaga ako noon. Sabi ko, ‘Ano ang gagawin ko? Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Kailangan ko ng money para sa pamilya ko.' So ayun, na-depress ako.

Continue reading below ↓

"So, I had to ask sina Mr. M [Johnny Manahan] at si Tita Mariole para makipag-meeting, para sabihin lang kung meron po ba kahit support lang. Wala silang masabi sa akin," kuwento niya.

Hindi siya nahiyang sabihin yun, considering na isa siya sa top young actresses ng Kapamilya network?

"Oo, yun ang sinabi ko. Meron kasing meeting talaga. Wala silang masabi sa akin. Yun pala, all along, alam na nila na gagawin ko yung Betty. Hindi lang nila sinasabi sa akin."

Ano ang ginawa niya nung time na depressed siya?

"Nag-ano ako, belly dancing class ako. Nag-Singapore ako. Hindi naman sobrang depressed na nagrebelde out of depression, ha. Yung depression na nasa utak ko, all the time iniisip ko kung ano ang gagawin ko. ‘Tapos meron pa akong naisip noon na ano kaya kung mag-aral muna kaya ako? May ganung moment," pagsisiwalat ni Bea.

Hindi naman niya naisip na lumipat ng network?

Continue reading below ↓

"Hindi, loyal talaga ako sa Kapamilya. Naniniwala ako sa produkto natin," sagot niya.

Kailan nawala yung depression na naramdaman niya?

"Nung sinabi na nila sa akin, nung binigyan na nila ako ng re-assurance na, ‘Dahil sa loyalty mo at dahil mahal na mahal mo ang trabaho mo, we're giving you this. Eto yung reward namin.'"

Ano ang ginawa niya nang malaman niya na sa kanya na ibinigay ang I Love Betty La Fea?

"Nag-party ako!" tawa niya. "Sumayaw ako ng belly dancing! Kasi sinasabi ko yun sa mga kaibigan ko. Sila yung mga ka-share ko. Sila yung mga kasama ko sa mga trips ko."

Kasama ba rito ang kaibigan niya sa showbiz na si Shaina Magdayao?

"Hindi. Si Shaina kasi busy noon sa Lobo. ‘Kumare, ako na si Betty!' Ganun. Tuwang-tuwa kami. Nagkaroon kami ng drinking session sa bahay. For girls only, pero may mga guys din na classmates ko nung high school," saad ni Bea.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Bea Alonzo, I Love Betty La Fea
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi after Maging Sino Ka Man, wala silang [ABS-CBN] nilatag na project para sa akin. Si Sam [Milby] at Anne [Curtis], may Dyosa na. Si John Lloyd, may A Very Special Love. Na-depress talaga ako noon. Sabi ko, ‘Ano ang gagawin ko? Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Kailangan ko ng money para sa pamilya ko.' So ayun, na-depress ako," relates Bea Alonzo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results