Alessandra de Rossi still adjusting to her new "home"

by Julie E. Bonifacio
Aug 30, 2008
"Niligaw na pusa? Ganun ang dating ko. Kailangan kong mag-adjust kahit anong mangyari dahil nandito na ako. And there's no turning back. So, mahirap man, Diyos ko naman! Ang tanda-tanda ko na, di ba? Ngayon ko lang naranasan yung pag-a-adjust," relates Alessandra de Rossi on being new in ABS-CBN.


Napansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-iyak ni Alessandra de Rossi habang iniinterbyu ng TV crew from ABS-CBN pagkatapos ng presscon ng I Love Betty La Fea. Hindi raw niya napigil ang kanyang emosyon sa isyu ng paglipat niya sa ABS-CBN. Pilit na pinipigil daw niya na maging emosyonal.

"Oo, ayoko rin talaga," umpisa ni Alessandra nung makausap na ng PEP after her TV interview. Inamin ni Alessandra na nanibago talaga siya sa "bagong mundo" na kinasadlakan niya.

"Three days pa lang ako, di ba? So, hindi mo naman talaga mai-expect na maging masaya agad ako. Nami-miss ko naman talaga sila [GMA-7] but life must go on, di ba?"

Masama ba ang loob niya sa pag-alis sa GMA?

"No, bakit naman? Binigyan naman nila [ABS-CBN] ako ng magandang buhay."

Bakit siya hinayaan ng GMA-7 na lumipat sa ABS-CBN?

"E, wala silang maibigay, di ba? Syempre doon ka sa may magandang offer."

Continue reading below ↓

Meron naman daw offer sa kanya pero siya ang tumanggi?

"Kayo ba gusto ninyo yung ganun? Kontrabida ako. Ayaw ko siyempre."

E, di masama talaga ang loob ni Alessandra sa pag-alis niya sa GMA?

"Oo naman. Siyempre naman. Hindi naman ako yung tipo na mukhang pera, e. Pero kailangan ko noon, e, di ba?"

ADJUSTING. Hindi pa raw siya nakapag-adjust sa paglipat niya sa ABS-CBN.

"Hindi pa, pero soon. Mga five years, charos!"

Ano ang kailangan niya para makapag-adjust?

"Hinay-hinay lang. Syempre, di ba, bigla kang...para kang galing sa truck ‘tapos pinulot nung tinapon ka sa isang... Niligaw na pusa? Ganun ang dating ko. Kailangan kong mag-adjust kahit anong mangyari dahil nandito na ako. And there's no turning back. So, mahirap man, Diyos ko naman! Ang tanda-tanda ko na, di ba? Ngayon ko lang naranasan yung pag-a-adjust."

Wala ba siyang kakilala among the stars ng bago niyang show sa ABS-CBN na I Love Betty La Fea?

Continue reading below ↓

"Kilala ko na ‘yung iba, nakatrabaho ko na sila before. Mababait naman lahat, in fairness. Wala kang masasabing masama kahit kanino. Kaya wala rin akong karapatang mag-inarte na hindi ako welcome dito. Hindi, masaya ako talaga. Kaya lang...syempre, di ba? Nakaka-homesick yung dating. Pero masasanay din ako."

THE MEN OF ABS-CBN. Nasa ABS-CBN naman daw si Papa Piolo Pascual niya, na kasama niya sa indie movie na Manila.

"Namanchi!" tili ng aktres.

Natuloy ba ang kissing scene nila ni Piolo sa movie?

"Hindi, e. Wala kaming ganung eksena sa movie."

After Piolo, kasama naman niya sa I Love Betty La Fea si John Lloyd Cruz.

"Naman! Who's next?!"

Sino pa ba ang gusto niya?

"Dolphy! Why not, di ba?"

PEP mentioned na may teleserye ang Comedy King na si Dolphy at ang child star na si Makisig Morales.

Continue reading below ↓

"Ay, ‘yan! Gusto ko ‘yan. Ang kapal talaga ng mukha ko, ha-ha-ha!

"‘Yan ang mga idol ko, Aga Muhlach, Sharon Cuneta, bakit naman aarte pa ako, di ba?"

May kissing scene ba sila ni John Lloyd sa I Love Betty La Fea?

"May love scene kami kahapon."

Kumusta naman ang love scene nila ni John Lloyd?

"Wala. Puro daya. Hahaha! Yun yung eksena na nakahubad ako, pero naka-tube ako.Maganda. Naku, ano ba ito? Kung saan-saan ako napapasabak," sabi pa ni Alessandra.

RHIAN RAMOS. Kontrabida raw ang role niya sa I Love Betty La Fea. Kontrabida rin ang role na binibigay sa kanya ng GMA-7 para sa La Lola, ang show na pagbibidahan ni Rhian Ramos.

"Wala namang pupuwede sa akin, e."

So, malinaw na si Rhian talaga ang dahilan kaya hindi niya tinanggap ang proyektong inalok sa kanya ng GMA-7?

Continue reading below ↓

"Yeah. Well, hindi naman siya mismo. But well...oo," seryosong lahad ni Alessandra.

Hindi sila pinag-ayos ni Rhian sa GMA?

"Hindi, gusto na nga nila na magkaayos kami. Gusto ko yun. Pero para magkasama pa kami, siyempre hindi na. Isang beses na akong nagkamali sa harapan niya, sinigaw-sigawan niya ako. O, ayoko namang maulit yun, di ba?

"Siyempre, ako naman rin yung iiwas kasi in the end ako pa rin naman yung masama, e. Dahil kontrabida ako."

TONI GONZAGA. Nagkaroon din ng isyu noon si Alessandra sa dating GMA star na si Toni Gonzaga. Ngayong nasa ABS-CBN na silang pareho, nagkaroon na ba ng chance na magkita sila?

Pero imbes na sumagot si Alessandra kinuha muna niya ang kanyang telepono sabay sabi ng "hello," na kunwari'y may kausap, pahiwatig na ayaw niyang pag-usapan si Toni.

Pero halimbawang may magandang offer na pagsasamahan sila ni Toni sa ABS-CBN, tatanggapin ba niya?

Continue reading below ↓

"May offer ba ang RPN? Ha-ha-ha!

"Kawawa naman ako. Huwag naman ninyo akong masyadong ipitin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga ganyan," nangingiting tapos ni Alessandra.

Read Next
Read More Stories About
Alessandra de Rossi
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Niligaw na pusa? Ganun ang dating ko. Kailangan kong mag-adjust kahit anong mangyari dahil nandito na ako. And there's no turning back. So, mahirap man, Diyos ko naman! Ang tanda-tanda ko na, di ba? Ngayon ko lang naranasan yung pag-a-adjust," relates Alessandra de Rossi on being new in ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results