Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Pauleen Luna says no third party caused breakup with ever-busy Mayor Gatchalian

by Rose Garcia
Sep 1, 2008
Young actress Pauleen Luna took the hot seat on Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment, where she answered with four truths and two lies.


Bago maisalang sa lie-detector test, inisa-isa muna ng Showbiz Central ang mga lalaking naugnay kay Pauleen Luna mula noon hanggang ngayon. Ilan sa kanila ay sina Keempee de Leon, Marvin Agustin, Mark Herras, JC de Vera, Gab Valenciano, Diether Ocampo, at Mayor Sherwin Gatchalian.

Sa "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central noong Linggo, August 31, mahuhulugan ng kung anumang bagay ang itinuturing ni Pauleen na "ate" at co-host niya sa Eat Bulaga! na si Ruby Rodriguez every time na "Lie" ang lalabas sa lie-detector machine sa magiging sagot ni Pauleen. Si Ruby raw kasi ay hindi lamang party and gimmick buddy, pero confidante din ng young actress.

Ang unang tanong ni Sweet kay Pauleen ay kung totoo ba na hindi masyadong pabor ang mga magulang niya kay Marvin Agustin kung kaya sila nag-break.

Hindi naman itinanggi ni Pauleen at "Yes" agad ang sagot niya. True enough, sumang-ayon naman ang lie-detector machine sa kanya.

Continue reading below ↓

Nang i-follow-up ni John ang tanong kay Pauleen, tumanggi nang magbigay ng pahayag ang dalaga. Paliwanag niya, "I don't wanna tackle na that subject. But everyone knows naman na we broke up because I followed my parents."

Ikalawang tanong ni Sweet kay Pauleen ay kung totoo ba na pinagselosan siya ni Kristine Hermosa noong balitang nali-link siya kay Diether Ocampo.

"Yes" ang sagot ni Pauleen na sinang-ayunan muli ng lie detector. Pero hindi na nag-follow-up pa si Sweet dahil, aniya, opinion lang naman daw yun ni Pauleen.

Sa ikatlong tanong, nasabi raw ni Michelle na napagbintangan ito ni Pauleen na tumatawag-tawag kay JC noong sila pa. Totoo ba na pinagsabay silang dalawa ni JC?

Pauleen answered "No," pero "Lie" and lumabas sa lie detector. Dahil dito, nahulugan sa unang pagkakataon si Ruby ng chocolate drink. Umapela si Ruby at sinabihan ang inspector na ayusin daw dahil hindi nagsinungaling si Pauleen.

Continue reading below ↓

Tuloy, naitanong ni John kung sa backstage ng Showbiz Central ay nagkita, nagkasalubungan, at nagkapansinan sila ni Michelle, na guest din that afternoon. Sinagot ito ni Pauleen ng "No."

Paliwanag ni Ruby, "Hindi naman sila nagkasalubungan. Nakaupo na si Pauleen noong dumating siya. Hindi lang nagpansinan kasi naka-shades si Michelle, baka hindi lang nakita [si Pauleen]. E, nakaharang pa ako kay Pauleen!"

Nag-follow-up si Sweet kay Pauleen na hindi lang sila nagpansinan, pero hindi rin ba sila magkaaway? Instead na sagutin ito ni Pauleen ng yes or no, smile lang ang isinagot ng young actress.

"Nakakaloka!" tili ni Sweet, sabay sabi na nate-tension siya.

Ang ika-apat na tanong naman ay kung totoong nag-date ba sila ni Gab Valenciano recently.

Pauleen answered "No." Result: "Lie." This time, dinurog na cheese curls naman ang nahulog kay Ruby. Apela ni Ruby, "Alam n'yo siguro, nagulat lang sila dahil totoong nagkita sila sa Embassy. Totoong nagkita sila dahil yung araw na yun, hindi ako nakasunod. Inuna ko ang trabaho. ‘Tapos, nagkita nga sila. Ikinuwento niya [Pauleen] sa akin kaagad na nagkita sila."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Pauleen, "We were actually 12 people. ‘Tapos si Gab, hindi ko siya kasama, ibang grupo ang kasama niya."

Balitang kakulangan ng time ang dahilan ng hiwalayan nila ni Mayor Gatchalian, pero totoo rin ba na third party talaga ang rason ng kanilang hiwalayan?

"Very much No," ang mabilis na sagot ni Pauleen at sumang-ayon naman ang lie detector.

Paliwanag niya, "We're both busy. We all know naman na he's a mayor of Valenzuela. He's very devoted with all his constituents and helping his city grow more, so very busy talaga."

Kilala rin daw ni Pauleen yung constituent ni Sherwin na nali-link dito ngayon. Pero aniya, hindi raw yun totoo. Besides, up to now ay may communication at nag-uusap pa rin daw sila ng Valenzuela mayor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Pauleen Luna took the hot seat on Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment, where she answered with four truths and two lies.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results