Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Edu Manzano on the woman of his life, his son Luis, and politics

by Julie E. Bonifacio
Sep 3, 2008
"You know, para makasundo ko siguro, meron din siyang mga qualities na katanggap-tanggap. Like, she must have a very good sense of humor which alam niyo naman she also possesses. So, I guess it's kinda nagiging mas maganda tuloy para sa mga bata," says Edu Manzano about the woman in his life now.

Magse-celebrate ng kanyang 53rd birthday ang Optical Media Board (OMB) Chairman at host ng Pilipinas, Game KNB na si Edu Manzano on September 14. Kaya magkakaroon ng week-long celebration sa Pilipinas, Game KNB, kung saan malaking sorpresa raw ang inihanda ng programa para kay Edu kasabay ng paglulunsad ng bago niyang album mula sa Universal Records.

"We're very happy with Pilipinas, Game KNB and I'd like to thank Universal Records because they start to make you believe in yourself, e. But I'm smart to know na, ‘Edu don't go to far. Medyo ibabalik ka namin sa reality. Huwag kang magkaroon ng ilusyon that you're a recording star.' Kami talaga, ang pakay namin is to make people happy through the medium of music," umpisa ni Edu nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Pilipinas, Game KNB kahapon, September 3.

Ano ang kanyang birthday wish?

"My birthday wish is, you know... I thought about it this morning, wala akong maisip, e."

Continue reading below ↓

Wala siyang maisip kasi nasa sa kanya na raw ang lahat.

"Yeah, I was just with my son [Luis Manzano] there sa baba, e. We're with our friends from Nissin Monde and I realized that I'm also lucky with my children. I don't need anything else.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I only have three: si Luis, si Adi, at si Enzo. I talk to them as long as I can. I see them as often as I can. Kanina nga si Luis, I don't know kung nasa mood siya dahil pack-up sila nung teleserye nila kahapon, yung Dyosa. Grabe makipagbiruan kanina si Luis. He was in his element. And then I realized, ‘Wow, ang galing nitong anak ko!'"

Aprubado ba siya sa pagiging "exhibitionist" daw ni Luis?

"Well, I asked him kasi, you know, kulang na lang siguro mag-frontal [nudity] siya, e! Well, in the case of Luis, he likes to look at himself as a serious actor. Minsan hinihingi talaga yun sa eksena. And of course, nandiyan naman yung safeguards by the MTRCB. So, of course, it will not go too far."

Continue reading below ↓

Kay Edu kaya nagmana si Luis ng pagiging exhibitionist?

"Alam niyo naman na sa lahat, ako ang pinaka-konserbatibo sa pamilya namin. Tingnan mo, ang taas-taas ng zipper, o [sabay turo sa jacket na suot niya]! Balot na balot, e. But you know, bagamat palabiro si Luis, he has a fantastic sense of humor, he loves to be taken seriously because he takes his craft seriously."

Biro ulit ni Edu, isang gamit ng charms and crystal na bracelet ang regalo sa kanya ni Luis. But of course, hindi yun ang totoo. Pero may balita rin na kuripot daw si Luis.

"No, sa edad niyang ‘yan siguro, isipin niya muna ang pagle-lay ng tamang foundation. He should realize na this kind of business is temporary and you should not be carried away. So, his case, I'm sure he's trying first to prepare for his future. Then, yung ibang mga luho will come shortly thereafter."

Continue reading below ↓

Papayagan ba ni Edu na mag-artista rin ang iba pa niyang mga anak?

"Si Luis, kahit ang daming pumintas sa akin noon at sinabing nagpaka-suwapang ako dahil hindi ko ini-expose ang mga bata, it was my prerogative bilang isang ama.

"Ang aking opinyon ay importante muna ang isang tamang edukasyon, nang sa ganun kung hindi maging matagumpay sa pelikula o sa pagkanta o sa ibang larangan, meron silang mapupuntahan. And that's the foundation provided by a good education. So, all my children, that would be the same."

WOMAN OF HIS LIFE. Saan naman nanggagaling ang inspiration niya kaya looking good and handsome pa rin siya?

"Well, I have a wonderful woman who takes good care of me, and alam naman ng lahat ‘yan, e. Now, siguro hindi na ako dapat maging laman ng mga columns ng ating mga friends from the entertainment press. Nandun lang ako sa bandang likuran, na I'm trying to just have, let's say, enjoy what's left in my life. Just to make sure that my children are always being taken care of."

Continue reading below ↓

Bakit hindi "future wife" ang itawag niya sa sinasabi niyang "woman in his life"?

"Ay, hindi, siyempre masyado nang speculative na yung mga ganyang salita."

Matagal na raw silang magkarelasyon ng sinasabi niyang "woman' at kasundo raw nito ang mga anak ni Edu.

"Yeah and, you know, para makasundo ko siguro, meron din siyang mga qualities na katanggap-tanggap. Like, she must have a very good sense of humor which alam niyo naman she also possesses. So, I guess it's kinda nagiging mas maganda tuloy para sa mga bata."

Is she the last woman in Edu's life?

"Well, all the others have broken my heart, e, you know. Siyempre kahit paano umaasa ka lang. Kasi ako, before, akala ko lagi yun na. But no, wala silang ginawa kundi saktan ako, gamitin ako. Ngayon, nananatili akong ganito. I'm broken," biro ni Edu.

"I think you should take one day at a time," seryoso na niyang sabi. "Yun ang kagandahan kay Luis, e. People are open in speculating na ‘eto na ba? You will finally settle down. You've been a bachelor for so long. You know, one day at a time. I've been blessed with a number of ladies who became part of my life and because of my moments with them, I ended up enriched in many, many ways. So, my point of view is, be the best that you are and the best will come true."

Continue reading below ↓

POLITICS. Kinumpirma ni Edu na siya ay naimbita na tumakbo sa 2010 elections.

"Originally, I was invited but I have not given my answer. Every election naman, lagi akong iniimbita. Last time, inimbita nila ako, di ba?"

Tinanggap na niya ang alok?

"It's always a consideration. But we have to make sure that all the factors are present. I mean, you just don't run for the sake of running. You have to be there because you actually have to do something, you know. Hindi porke fashionable, dahil magandang tingnan na meron kang Sen [Senator] before your name. Ang pangit naman yung tatakbo ako ‘tapos wala kang gagawin kundi nakaupo ka lang diyan and enjoy the fruits of your office. You have to be there to work," pagtatapos ni Edu.

Read Next
Read More Stories About
Edu Manzano, Luis Manzano
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You know, para makasundo ko siguro, meron din siyang mga qualities na katanggap-tanggap. Like, she must have a very good sense of humor which alam niyo naman she also possesses. So, I guess it's kinda nagiging mas maganda tuloy para sa mga bata," says Edu Manzano about the woman in his life now.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results