Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jolina Magdangal refused to wear wedding gown for the promo of "I.T.A.L.Y."

by Nora Calderon
Sep 3, 2008
"Naniniwala ako na kahit hindi ako magsuot ng wedding gown sa pagpu-promote ng movie namin, panonoorin pa rin ito ng mga tao dahil magugustuhan nila ang makikita nila. Hindi lang ang mga magagandang lugar, kundi ang story rin ng bawat isa sa amin sa pelikula," says Jolina Magdangal, who plays a chambermaid in I.T.A.L.Y.


Naghintay ang entertainment press sa pagdating ni Jolina Magdangal sa presscon ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films at Viva Films last September 1 sa Executive Lounge ng GMA Network Center dahil sabi'y nakasuot siya ng wedding gown. Pero dumating si Jolina, kasabay si Rufa Mae Quinto, na hindi nakasuot ng wedding gown.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolina after the presscon proper. Tinanong namin siya kung bakit hindi siya nakasuot ng wedding gown, na ipinagawa raw para sa kanya ng executive producer ng GMA Films na si Elaine Lozano para isuot sa pagpu-promote niya ng I.T.A.L.Y., na showing na sa September 17.

"Pumayag nga si Daddy [Jun Magdangal] na magsuot ako ng wedding gown, pero tumanggi ako. Ayaw ko, kasi baka maudlot ang balak naming pagpapakasal ni Bebong [Muñoz, her boyfriend]," sabi ni Jolina.

Patuloy niya, "Naniniwala ako na kahit hindi ako magsuot ng wedding gown sa pagpu-promote ng movie namin, panonoorin pa rin ito ng mga tao dahil magugustuhan nila ang makikita nila. Hindi lang ang mga magagandang lugar, kundi ang story rin ng bawat isa sa amin sa pelikula.

Continue reading below ↓

"At saka ang ipakikita namin dito, hindi yung ordinary sob story ng mga OFWs na nagtatrabaho abroad, kundi yung masasaya ring pangyayari sa buhay nila doon kahit malayo sila sa kani-kanilang pamilya. May isa ngang eksena na gustung-gusto ko, yung pakikipag-dance showdown ni Mark sa mga Italyanong crew ng barko, sinayaw nila sa tune ng ‘Volare.'

"Saka sa panonood nila ng movie namin, ito na siguro yung pinaka-cheap na paraan, na sa more than one hundred pesos lang na bayad sa sine, para na rin kayong kasama naming naglakbay sakay ng luxury liner na Costa Magica at narating ang magagandang lugar na marami sa atin ay nakikita lang ito sa mga postcards.

"Kaya tama na yung nagsuot ako ng wedding gown sa mga eksena ko na nakasakay ako sa gondola sa ilog ng Venice, at naglakad pa ako sa mga kalye ng Venice na naka-wedding gown din."

KISSING SCENES. Bago dumating sina Dennis at Rufa Mae ay naghalikan sa harap ng entertainment press ang mga kasama niya sa pelikula na si Dennis Trillo at ang Italian singer na si Andrea de Lugo. Naitanong tuloy kay Jolina kung bakit tila hindi pa nagkakaroon ng kissing scene si Jolina sa sa mga pelikulang ginawa niya.

Continue reading below ↓

"I'm very thankful na hindi talaga ako nagkaroon ng ganoong eksena sa mga ginawa kong pelikula. Kung meron man, daya lang o insinuation lang na nag-kiss kami ng ka-partner ko. Kahit dito sa I.T.A.L.Y., wala akong ganoong eksena," sabi ni Jolina.

Kung sakali ba, papayag siyang magkaroon ng kissing scene?

"Siguro, kapag kailangang-kailangan talaga sa story. Kung artistic ang pagkagawa at may kaugnayan talaga sa movie. Pero kung hindi naman, huwag na lang!" sagot niya.

CHOOSY JOLINA. Tinanong ng PEP si Jolina kung bakit umabot siya ng 30 years old na hindi pa sila nagpapakasal ni Bebong, gayong almost nine years na rin silang magkasintahan. Ganoon din ba siya kapihikan noong bata-bata pa siya?

"Ewan ko ba, pero alam ba ninyong Grade 1 pa lang ako, may crush na ako, cute at matangkad siya!" natatawang kuwento ni Jolina. "Noong araw kasi, kapag Christmas, nagsasabit kami ng gift sa Christmas tree sa classroom namin. Yung isinabit niyang apple, inuwi ko sa bahay, itinago ko!

Continue reading below ↓

"Naging magkaklase kami ulit nung fourth year high school na kami, pero wala na yung crush ko sa kanya kasi tumaba na siya at sabi ng ilang classmates namin, may asawa na siya ngayon."

Noong artista na siya at naging ka-love team niya si Marvin Agustin, talaga bang hindi naging sila?

"Hindi po," sabi ni Jolina. "Talagang naging very close friends lang kami ni Marvin noon at in-enjoy namin ang pagiging magka-love team. Siguro po dahil noon pa, may kanya-kanyang dream na kami ni Marvin na gustong matupad. At tama lang ang ginawa namin, kita naman natin kung gaano ka-successful na entrepreneur si Marvin ngayon at hindi rin naman ako nagkamali na pumasok sa sarili kong business."

Pero kailan ba sila talaga magpapakasal ni Bebong?

"Hindi po ako nagmamadali. At 30, bata pa naman ang hitsura ko, di ba?" natatawang wika ni Jolina.

"Basta naniniwala ako na kapag dumating na ‘yong right time, wala nang urungan ‘yon. Saka hinahayaan ko muna si Bebong sa kanyang bagong trabaho. Nasa Department of Finance siya dahil isa siyang financial analyst, at wala na rin naman siyang balak bumalik pa sa States."

Continue reading below ↓

When asked kung muli bang papasok sa pulitika si Bebong, siya na ang sumagot na walang-wala na raw balak ang boyfriend. Masyado raw itong na-disappoint sa mga nakita nito noong nakaraang election.





Trailer courtesy of GMA Films

Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal, ITALY
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naniniwala ako na kahit hindi ako magsuot ng wedding gown sa pagpu-promote ng movie namin, panonoorin pa rin ito ng mga tao dahil magugustuhan nila ang makikita nila. Hindi lang ang mga magagandang lugar, kundi ang story rin ng bawat isa sa amin sa pelikula," says Jolina Magdangal, who plays a chambermaid in I.T.A.L.Y.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results