Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza return to U.S.

by Archie de Calma
Sep 3, 2008
"Hindi kami naglagi sa Amerika para magmayabang lang sa pagbabalik namin dito. Dahil doon, naging ordinaryo lang talaga kami. Nagtatrabaho kami, nag-e-entertain lang tuwing weekends. Ganoon ang routine namin. It was all a humbling experience. At nag-survive kaming walang katulong, na lahat ng dapat naming gawin, kami mismo ang gagawa," says Jessa Zaragoza about her and husband Dingdong Avanzado's decision to settle in the United States.


Nag-text ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa eksklusibong panayam na ito na ginanap sa Cheesecake sa Tomas Morato noong last Tuesday night, September 2. Para na rin ito sa pansamantalang pamamaalam dahil isang buwan halos mawawala ang mag-asawa.

Sa September 8 na ang alis nila, pero naka-schedule silang mag-show sa Los Angeles Convention Center sa September 14. Hindi lang magpe-perform ang mag-asawa roon kung hindi tatanggap din sila ng award mula sa Tri-Media Expo, isang Filipino-American organization doon.

"Twenty-three years na silang nagbibigay ng awards and recognitions sa outstanding Filipinos na naka-achieve sa Amerika," panimula ni Jessa sa PEP. "For us, prestigious na rin yun dahil malilinya kami sa gaya nina Gary Valenciano at Jasmine Trias, among those na past awardees.

"Hindi namin maiisnab ang ganitong mga pagkakataon dahil Filipino communities na sa Amerika ang nagbibigay ng recognition, at hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nabibigyan kami ng ganoong award dahil nga raw sa excellence na ipinapakita namin, not just as entertainers, but also as citizens in the U.S."

Continue reading below ↓

Uuwi muna sila sa Amerika, kung saan doon na sila naka-base dahil na rin nga sa trabaho. Sa September 26, sa Sta. Maria, California, magku-concert ang mag-asawa sa Ethel Pope Auditorium.

Sabi naman ni Dingdong, "This will be the Laging Ikaw concert na ginagawa namin sa iba't ibang cities. Laging Ikaw is the title of our duet album, remember? Lumabas ang album two years ago, pero hanggang ngayon, yung mga kanta namin doon, yun ang nagugustuhan ng mga Pinoy sa Amerika kapag nakakapag-concert kami."

Last year naman, nag-stage din sila ng show sa Amerika na ang pamagat ay A Thing Called Love.

"Tatanggap din pala kami ng award sa Sacramento, mula sa Gawad Parangal, as Male and Female Entertainers of the Year," banggit ni Dingdong.

Patuloy niya, "Kaya nga pala kami bumalik from the States ay para mag-settle ng unfinished business dito. We're connected with Matua Agupa Corporation, a company based in Guam. Tinayo namin ng mga kaibigan namin yun doon, at tumutulong kami sa marketing. Nag-o-organize kami ng events, gaya ng golf tournaments na nagdadala rin kami ng Pinoy celebrities sa Guam."

Continue reading below ↓

Isa rin sa mga kliyente nila ay ang Guam Visitors Bureau. Inayos nga nila ang ilang mga bagay-bagay na may koneksiyon dito sa Pilipinas, idugtong pa na isa sa wish ni Dingdong sa nakaraang 40th birthday niya ay ang pagdiriwang nito sa Pilipinas.

"Hindi porke green-card holders na kami," sabi ni Jessa, "kakalimutan na lang namin ang Pilipinas. Mga Pinoy pa rin kami, at 'pag nag-retire kami, pinaplano pa rin namin ni Dingdong na dito sa Pilipinas bumalik para manirahan.

"Kaya rin kami bumalik ay para sa album na tinatapos ko. It will be a new album. Matagal na kasi wala akong solo album. The last one was released in 2003 pa. Hindi naman kami ang producers ng album, pero may mga willing investor. Kaya sinamantala na lang namin ang opportunity. Inayos lang namin ang ilang bagay tungkol doon, and we are promising you, it's really a different Jessa na mapapakinggan nila sa album. Naroroon pa rin ang trademark ko as a singer, pero nag-evolve na talaga ang music."

Continue reading below ↓

Isa rin itong paglilinaw na hindi sila bumalik sa Pilipinas para mag-ingay lang at patulan ang isyung may kaugnayan noon kay Rufa Mae Quinto.

"Palagay ko, naayos na naming mabuti 'yan at nakapagpaliwanag na," sabi ni Dingdong. "Nagkataon lang na nananahimik kami sa U.S. noon, 'tapos nagkaroon ng ganyang isyu. When we came back, ang nangyari, isa rin yun sa mga napag-usapan."

At siyempre, para sa anak nilang si Jayda na lumalaking may American twang, naiisip nilang kailangang matuto itong mag-Tagalog.

"Makakatulong yung balikan uli namin yung roots namin dito para sa bata," pahayag ni Jessa. "Nag-aaral na kasi siya sa Amerika. Noong bumalik kami rito, dinala namin siya sa Siquijor, my husband's hometown.

"Muntik na akong maiyak nang mag-umpisang kumanta ang bata ng 'Lupang Hinirang'.' She told us, she learned a new song, at nang tanungin namin kung ano yun, kinanta niya ang Philippine National Anthem. Doon namin naramdaman, Filipino pa rin ang anak namin. No matter what, kahit magkaisip siya sa States, palalakihin namin siya as a Filipino."

Continue reading below ↓

Nabanggit din ni Dingdong na lumaki si Jayda sa Amerika na sanay sa pagkain ng sinigang at pinakbet. Minsan nga, sa isang Filipino restaurant doon, natuwa ang may-ari dahil naglulundag sa tuwa si Jayda nang ituro ang mga ulam na sinigang at pinakbet.

"Hindi lang yung mga intriga ang pagbubuhusan namin ng panahon, kahit nananahimik na kami sa Amerika," sabi ni Dingdong. "More than anything else, sa pagtira namin doon, yung natuto kaming mapagkumbaba."

Dugtong ni Jessa, "Hindi kami naglagi sa Amerika para magmayabang lang sa pagbabalik namin dito. Dahil doon, naging ordinaryo lang talaga kami. Nagtatrabaho kami, nag-e-entertain lang tuwing weekends. Ganoon ang routine namin. It was all a humbling experience. At nag-survive kaming walang katulong, na lahat ng dapat naming gawin, kami mismo ang gagawa," pagtatapos ni Jessa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi kami naglagi sa Amerika para magmayabang lang sa pagbabalik namin dito. Dahil doon, naging ordinaryo lang talaga kami. Nagtatrabaho kami, nag-e-entertain lang tuwing weekends. Ganoon ang routine namin. It was all a humbling experience. At nag-survive kaming walang katulong, na lahat ng dapat naming gawin, kami mismo ang gagawa," says Jessa Zaragoza about her and husband Dingdong Avanzado's decision to settle in the United States.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results