Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Angelika dela Cruz fearlessly accepts contravida roles

by Ruel J. Mendoza
Sep 4, 2008
"Siguro naman, hindi nila ibibigay sa akin ang gano'ng mga roles kung hindi ko kakayanin. Noon kasi, tinatanong ko parati sa sarili ko kung bakit mga kontrabida roles ang napupunta sa akin. E, mabait naman akong tao. Then I came to realize na okey naman pala ang mga ganyang roles. Hindi siya dapat katakutan ng [sino mang] artista. Mas napapansin pa nga ang mga kontrabida at mas naaalala sila talaga," says Angelika dela Cruz about her bad-girl roles.


Hindi na raw issue para kay Angelika dela Cruz na ang ibinibigay sa kanyang mga roles ngayon ay parating nakakalaban ng bida. Ilang telenovela na raw kasi ang nilabasan niya kunsaan kontrabida siya, pero napapansin naman ang kanyang performance. Yun naman daw ang mahalaga.

"Siguro naman, hindi nila ibibigay sa akin ang gano'ng mga roles kung hindi ko kakayanin," diin ni Angelika.

"Noon kasi, tinatanong ko parati sa sarili ko kung bakit mga kontrabida roles ang napupunta sa akin. E, mabait naman akong tao.

"Then I came to realize na okey naman pala ang mga ganyang roles. Hindi siya dapat katakutan ng [sino mang] artista. Mas napapansin pa nga ang mga kontrabida at mas naaalala sila talaga."

AWARD-WINNING. Sa bagong GMA Sine Novela na Una Kang Naging Akin, ang role na unang ginampanan ni Dawn Zulueta ang naitoka kay Angelika. Malaking paghamon nga ito sa kanya dahil isang award-winning role ito for Dawn.

Continue reading below ↓

"Actually, lahat ng gawin kong roles sa telenovela ay mga pang-award. Tulad nga nitong sa Una Kang Naging Akin, nanalo si Dawn dito ng FAMAS Best Supporting Actress. Yung huling ginawa ko na Babangon Ako't Dudurugin Kita, na-nominate naman doon si Ms. Hilda Koronel. ‘Tapos yung ginawa ko sa Dos na Bituin Walang Ningning, nagkaroon din ng nominations si Ms. Cherie Gil.

"Kaya siguro nga, ipinagkakatiwala sa akin ang mga roles na ganito dahil kaya ko nga. Hindi ko naman sinasabi na pang-award din ang gagawin ko. Mapuri lang ako sa makakaya kong performance, masaya na ako."

ORION HAS NO CHOICE. May mga kissing scenes din nga siya sa naturang sine novela with Wendell Ramos. Wala naman daw problema sa kanyang boyfriend na si Orion Casareo dahil alam daw nito ang mga eksena niya.

"Pinapapunta ko nga si Orion sa set namin. Para naman makilala niya ang mga katrabaho ko. Mahiyain kasi ang taong iyon pero gusto ko ay maging kaibigan niya ang mga kaibigan ko.

Continue reading below ↓

"Ang maganda naman kay Orion, hindi siya tumatanggi. Pupunta siya ‘tapos may dala pa siyang pagkain for me at sa mga kasama ko sa set. Unti-unti na siyang nakaka-adjust sa buhay ko sa showbiz. Kahit na ayaw niyang madamay siya sa mga write-ups ko, wala siyang choice dahil mahal niya ako, kaya ito ang nagiging kapalit," sabay tawa pa ni Angelika.

ALBUM ON HOLD. Tungkol naman sa album na dapat ay gagawin ni Angelika this year, mukhang on-hold daw muna ang mga plano niya para rito. Hindi nga raw niya matutukan nang husto ang kanyang album dahil nagkasunud-sunod ang mga trabaho niya sa TV.

"Isa nga ‘yan sa mga plano ko this year, ang maglabas ng CD. Everyone knows na ang unang love ko talaga is singing. Singing naman talaga ang gusto kong pasukin noon pero mas nag-concentrate ako sa pag-aartista.

"Gusto ko talagang magawa yung CD pero nagkaroon din ng konting problema. Gusto ko, e, maayos muna lahat iyon bago ko ituloy. Sa totoo lang, miss ko na ang mag-recording pero siguro nga ang pag-arte muna ang pinapagawa sa akin ng Diyos.

Continue reading below ↓

"Once naman na nasimulan ko na ang production ng CD, malalaman n'yo naman. Gusto ko rin naman na bongga ang pagbabalik ko sa recording. Malamang na sa 2009 ko na ito masisimulan talaga."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro naman, hindi nila ibibigay sa akin ang gano'ng mga roles kung hindi ko kakayanin. Noon kasi, tinatanong ko parati sa sarili ko kung bakit mga kontrabida roles ang napupunta sa akin. E, mabait naman akong tao. Then I came to realize na okey naman pala ang mga ganyang roles. Hindi siya dapat katakutan ng [sino mang] artista. Mas napapansin pa nga ang mga kontrabida at mas naaalala sila talaga," says Angelika dela Cruz about her bad-girl roles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results