Allen Dizon describes sexy leading ladies he "slept" with

by Cesar Pambid
Sep 19, 2008
Allen Dizon with his leading ladies in the sexy flick Room 213, newcomer Maricar dela Fuente (left) and Gwen Garci (right).


Napapangiti ang award-winning sexy actor na si Allen Dizon tuwing tinatanong kung kanino siya tinablan sa mga naka-partner niya. Nakapareha na niya halos lahat ng sexy stars sa mga pelikula, stage plays, at maging sa instructional videos. Paborito rin siyang leading man ng mga baguhang hubadera na nilu-launch bago siya naging isa sa Viva Hotmen.

Si Ara Mina ang kauna-unahang sexy actress na naka-love scene niya sa Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga (1998). Ito rin ang unang pelikula ni Allen, pero sumabak na agad siya sa "torohang" eksena, ka-partner ang ngayo'y award-winning na ring si Ara.

"Torero't torera ang role namin dito ni Ara, kaya grabe!" bulalas ni Allen. "Pareho kaming naka-plaster habang pinagagawa ang sari-saring sexual positions. Si Ara ang first crush ko sa showbiz kaya kinabahan ako. Hindi ako tinablan sa takot kong masigawan ni Direk Chito Roño. Natutunan kong trabaho lang ‘yon at dapat walang personalan."

Continue reading below ↓

Inilarawan din ni Allen ang halos lahat ng mga sexy stars na nakatambal na niya:

Aya Medel - Siya ang pinakamaraming beses kong naka-partner kaya komportable na ako sa kanya.

Via Velosa - Super-flawless, tahimik sa set pero palaban sa love scene.

Ana Capri - Mahusay na aktres, kahit love scene may acting. Masarap katrabaho si Ana kasi seryoso bilang artista. Kumbaga, nakakahawa ang dedikasyon niya.

Ynez Veneracion - Malalim ang pinaghuhugutan sa pag-arte.

Halina Perez - Napakaganda ng mukha at inosenteng tingnan. Nalungkot ako noong namatay siya. Maraming beses ko siyang naka-partner at barkada kami sa set.

Aleck Bovick - Ako ang ‘nagbinyag' diyan sa love scene sa Kaulayaw. Nakita kong magiging mahusay siyang aktres. Wala rin siyang kiyemeng maghubad.

Angela Velez - Hanep ang katawan!

Rita Magdalena - Mapaglaro sa love scene, pero mahusay umarte.

Patricia Javier - Seryosong masyado, pero mabait.

Katya Santos - Bow ako sa pagiging professional niya lalo sa stage play na Hipo. Daring kami sa Boso. Masarap siyang katrabaho kasi may pagmamahal sa trabaho.

Continue reading below ↓

Myles Hernandez - Masaya ka-work si Myles sa Private Parts. Puwede siyang komedyante kung pagbubutihin niya lalo.

Maui Taylor - Crush ko ‘yan. Siya ang pinaka-cute sa mga naka-partner ko. Enjoy akong katrabaho siya sa Private Parts.

Asia Agcaoili - Pinaka-daring si Asia sa lahat. Kasi nung ginawa ko yung instructional video namin, wala siyang pakialam; hindi siya nagpa-plaster. Mahihiya ka na siya, e, walang kiyeme, ‘tapos ikaw na lalake ang nag-iinarte. Para kay Asia, purely work ang ginagawa niya... Matalino siya.

Krista Ranillo - Sa kanilang lahat, si Krista ang pinaka-conservative. Reluctant pa siya sa pagpapa-sexy. Pero mahal ko ‘yan kasi full support siya sa aming Paupahan.

Ni-reserve ni Allen sa huli ang kanyang description sa latest screen partner niya sa pelikulang Room 213 ng Viva Films—si Gwen Garci.

"Napakalakas ng dating ni Gwen sa akin, may animal appeal siya. Siguro kung binata lang ako, baka niligawan ko siya. Naging close kami dito sa Room 213. Kailangan, kasi mag-asawa ang role namin. Dapat maipakita ang chemistry ng mag-asawang nagmamahalan. Ang sarap niyang ka-work, very professional, at mahusay siya. Ibang Gwen ang makikita nila," pagmamalaki ni Allen kay Gwen.

Continue reading below ↓
Palabas na ang Room 213 sa Setyembre 24 sa mga piling sinehan sa buong Pilipinas. R-18 without cuts ang ibinigay na rating dito ng MTRCB. Kasama rin sa pelikula sina Tyrone Perez at ang baguhang si Maricar dela Fuente. Mula ito sa direksyon at panulat ng award-winning short filmmaker na si Keith Sicat.
Read Next
Read More Stories About
Allen Dizon
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon with his leading ladies in the sexy flick Room 213, newcomer Maricar dela Fuente (left) and Gwen Garci (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results