Wendy Valdez on her critics: "I don't think God is giving them the right to punish me over and over again."

by Rose Garcia
Sep 25, 2008
"You know what, it's very easy kasi for people or for all of us to rely on our own goodness and just keep quiet. Alam mo yun, not stand up for what we believe rather than stand up for what we believe in. Kasi alam natin na puwede tayong ma-judge or hindi maintidihan ng mga tao. Napakadaling tumahimik or huwag na lang kumibo sa mga bagay kesa ipaglaban kung ano ang pinaniniwalaan natin," says Wendy Valdez.

Isang bobita at mean girl ang character na ginagampanan ni Wendy Valdez sa I Love Betty La Fea. Isang character na alam niyang pilit pa ring ina-associate sa kanya ng mga tao dahil sa mga napanood sa kanya during her Pinoy Big Brother (PBB) Season 2stint.

"She's bobita, mean siya, at wala siyang alam gawin kundi apihin si Betty. So, there's nothing really positive about her character. Parang sila [her critics], sinasabi nila na ‘Bagay naman ‘yan sa kanya kasi ganyan naman talaga ang ugali niya.'

"Pero bakit, how would they know that? Kahit naman before, kapag nag-aaway kami ng mommy ko, sinasabi ko na, ‘Pagbintangan mo na ako huwag lang yung hindi ko ginawa.' I feel really bad. And then, there are people na nagsasabi na, ‘Oo, bobita siya kasi yung pinaggagawa niya sa PBB.' Parang, stop it! It was a long time ago and I suffered a lot from it and I have enough of Big Brother's issue.

Continue reading below ↓

"Oo, sige, kung nagkamali man ako sa tingin nila. But I don't think God is giving them the right to punish me over and over again," himutok ni Wendy sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon given by Star Magic for the talents included in I Love Betty La Fea.

EMOTIONAL WENDY. Medyo emosyunal pa rin si Wendy during the press conference. Hindi itinanggi ni Wendy na na-heighten na nga ito dahil sa isyung kinasangkutan naman niya sa Pilipinas, Game KNB? ni Edu Manzano.

Although, naibigay na rin naman ni Wendy ang kanyang side tungkol sa nangyari, kung saan naging contestant siya sa game show ni Edu. Napatunayan din naman ng mga tao na hindi totoo ang lahat ng naglabasan at maging si Edu came to her defense.

Pero bakit nga ba parang nawawala na yung dating "strong Wendy" attitude niya?

"Hindi naman, nandito pa rin naman ako and I'm still doing my job very well, and I continue my everyday life. So I think, ganoon pa rin siya. Hindi katulad ng iba na wala, ayaw na talaga.

Continue reading below ↓

"I just think deeply, but I'm still here. And I think, lahat naman ng tao, ganoon. Wala namang nakapagsabi na ito na talaga ang gagawin ko. Especially with my age, ito yung age na nagba-battle pa ang thought ko about what you really want.

"Actually, yung sa Game KNB, dumagdag lang siya," patuloy niya. "Pero sa totoo lang, mas affected ako sa kung anuman yung mga nangyayari. Yung mga taong ayaw tumigil. Yung mga taong inilalagay palagi sa alanganin ang pangalan ko just because hindi ko kayang lumaban about it.

"So, parang I just feel that I can't take it anymore. Parang, ‘O, sige, itinutuloy ko lang. ‘Tapos, there are people pa at the start of the show, ng Betty La Fea, parang dinidikit nila yung ako sa character, which is not fair. Parang ibinabalik nila."

Kung tutuusin, nagsimula sa PBB ang negative reaction ng mga tao sa kanya, na hanggang ngayon ay naiko-connect pa rin sa kanya. May pagsisisi ba siyang nararamdaman na sumali pa siya PBB o ganoon ang nakita sa kanyang attitude sa loob ng Bahay ni Kuya?

Continue reading below ↓

"Siguro kung meron man akong pagsisisihan, ito yung sobra akong emosyunal na tao," sabi niya. "You know what, it's very easy kasi for people or for all of us to rely on our own goodness and just keep quiet. Alam mo yun, not stand up for what we believe rather than stand up for what we believe in. Kasi alam natin na puwede tayong ma-judge or hindi maintidihan ng mga tao. Napakadaling tumahimik or huwag na lang kumibo sa mga bagay kesa ipaglaban kung ano ang pinaniniwalaan natin.

"I think, most of the Filipinos are like that, e. Tahimik na lang. Nagpapaka-submissive na lang. Paano na lang kung walang mga lumalaban, e, di wala na yung mga bayani dati? Mag-stay na lang sila sa bansa at tumahimik na lang," pag-aanalisa ni Wendy.

LEAVING SHOWBIZ. Nagulat naman kami sa ilang pahayag ni Wendy—biro man or hindi—na kapag hindi na niya nakaya ang mga intriga sa showbiz at pagdya-judge sa kanya ng mga tao ay susunod na lang siya sa rumored boyfriend niya na si Bruce Quebral.

Continue reading below ↓

This December kasi, Bruce will work outside showbiz. Naapruban na kasi ang application nito sa Emirates Airlines at magtatrabaho na ito bilang flight attendant.

"Basta ako, kung ano na lang siguro ang plano ni Lord sa akin, kung anuman ang mga magaganap, siguro susundan ko si Bruce sa Emirates!" tawa ni Wendy.

Ayon kay Wendy, whether may project na dumating or wala, itutuloy na raw ni Bruce ang pagiging flight attendant niya. Graduate si Bruce ng Home Economics sa University of the Philippines.

Iiwan na ba ni Bruce ang showbiz career niya?

"I think so," sagot niya. "Showbiz is not stable naman. Kahit naman yung mga artistang sobrang yaman, talagang nagnenegosyo sila kasi hindi naman nila alam ang future."

Kaya ba ganito rin ang pananaw niya sa showbiz na any time ay puwede siyang umiba ng linya dahil sa gagawin ni Bruce?

"Hindi naman siguro. Kasi kahit noong bago-bago pa lang ako, during Margarita days, naiisip ko na rin na I can go wherever I want. Alam ko naman kasi kung ano ang kapasidad ko bilang tao. And I've been through a lot of jobs and nagsa-succeed naman ako do'n. At saka, graduate naman ako ng college so I know na may fallback naman ako," pagtatapos ni Wendy.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You know what, it's very easy kasi for people or for all of us to rely on our own goodness and just keep quiet. Alam mo yun, not stand up for what we believe rather than stand up for what we believe in. Kasi alam natin na puwede tayong ma-judge or hindi maintidihan ng mga tao. Napakadaling tumahimik or huwag na lang kumibo sa mga bagay kesa ipaglaban kung ano ang pinaniniwalaan natin," says Wendy Valdez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results