Michelle Van Eimeren and daughters arrive to attend Ogie Alcasid's concert tonight

by Ruel J. Mendoza
Sep 27, 2008
Michelle Van Eimeren (inset, above), Ogie Alcasid's wife from whom he has been separated for five years, arrived in Manila yesterday with their daughters to watch Ogie's concert tonight, September 27, at the Araneta Coliseum. Regine Velasquez (inset, below) Ogie's current girlfriend, will be his special guest in the concert celebrating his 20 years in showbiz.

Buong araw kahapon, September 26, naghintay ang crew ng iba't ibang TV shows sa pagdating ng ex-wife ni Ogie Alcasid na si Michelle Van Eimeren.

Nakabantay ang mga TV crew ng mga programang Showbiz Central, Startalk, The Buzz, TV Patrol, at 24 Oras sa Terminal 1 (Ninoy Aquino International Airport) at Terminal 2 (Centennial Airport) airports para makunan ng pahayag si Michelle. May ilang taon na ring nilisan ni Michelle ang Pilipinas, kasama ang dalawang anak nila ni Ogie na sina Leila at Sarah, para manirahan sa Australia.

Pasado 8:30 p.m .na nang dumating si Michelle sa NAIA sakay ng Royal Brunei Air. Kasama ng former Miss Australia ang dalawang anak na excited makita ang kanilang ama. Nandoon din sa airport si Ogie para sunduin sila.

Manonood sina Michelle, Leila, at Sarah ng anniversary concert ni Ogie na Twenty/Twenty sa Araneta Coliseum ngayong gabi. Balitang mga two weeks ang bakasyon ng pamilya ni Ogie bago sila bumalik sa Australia.

Continue reading below ↓

Masayang-masaya si Michelle sa kanyang muling pagbabalik sa Pilipinas. Miss na miss na raw niya ang maraming kaibigan dito, kabilang na ang driver ni Ogie na niyakap pa niya nang mahigpit noong makita niya ito sa airport.

Tinanong ng media si Michelle tungkol sa relasyon nila ni Ogie at sa girlfriend ngayon ng singer-comedian na si Regine Velasquez. Sinabi naman ni Michelle na all is well sa kanilang tatlo. Hindi raw dapat na pag-awayin sila dahil maganda raw ang pagkakaibigan nila.

Kung matatandaan ay ipinagtanggol pa ni Michelle ang Asia's Songbird via phone patch sa SOP noong inamin na nina Ogie at Regine ang kanilang relasyon last year. Nasabi ni Michelle na mabait si Regine sa kanya, kay Ogie, at sa mga anak nila. Kaya ipagtatanggol daw niya ito anuman ang mangyari.

Marami ang nagulat kay Michelle dahil magaling pa rin siyang magsalita ng Pilipino kahit matagal nang wala sa Pilipinas. Naikuwento noon ni Ogie na kapag nasa Australia raw siya ay nag-uusap sila ni Michelle in Tagalog. Pati na ang mga anak nila na sina Leila at Sarah ay kinakausap nila in Tagalog, although may mga Aussie accents na ang mga ito.

Continue reading below ↓

Siguradong nakatutok lahat ng camera kay Michelle sa magaganap na concert ni Ogie sa Big Dome ngayong gabi. Special guest kasi ang lady love ngayon ni Ogie na si Regine sa kanyang 20th anniversary concert.

For a brief flashback, unang nagkakilala sina Ogie at Michelle noong 1994 nang maganap ang Miss Universe dito sa ating bansa. Michelle was the representative of Australia at isa sa mga naging early favorites ng pageant.

Si Ogie naman ang nagsilbing mascot ng Philippines as Manolo of Manila. Siya ang naging tour guide ng mga Miss Universe candidates sa pamamasyal nila sa iba't ibang magagandang tourist spots sa ating bansa.

Noong magkaroon ng relasyon sina Ogie at Michelle, nagsama sila sa mga pelikulang Manolo En Michelle: Hapi Together at Isko: Adventures In Animasia.

Ikinasal sina Ogie at Michelle noong 1998 sa Batangas, ang probinsiya ni Ogie. Inamin ni Ogie na 2003 pa raw silang nagkahiwalay ni Michelle at nag-file na siya ng annulment.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Van Eimeren (inset, above), Ogie Alcasid's wife from whom he has been separated for five years, arrived in Manila yesterday with their daughters to watch Ogie's concert tonight, September 27, at the Araneta Coliseum. Regine Velasquez (inset, below) Ogie's current girlfriend, will be his special guest in the concert celebrating his 20 years in showbiz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results