Dennis Trillo resumes TV and film commitments despite knee injury from recent accident

by Nora Calderon
Oct 2, 2008
"Marami po kasing stunts din akong gagawin at matindi ang special effects kaya halos araw-araw din kaming nagti-taping, kaya pasalamat po ako na hindi na kailangang i-cast ang paa ko, kahit medyo hindi pa rin diretso ang lakad ko," relates Dennis Trillo about resuming taping for Gagambino despite his recent accident.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz reporters ang taping ng Sunday soap na Dear Friend ng GMA-7 sa David's Tea House in Ongpin, Binondo, Manila kahapon, Thursday, October 2. Lunch break at inabutan naming nagla-lunch na si Dennis Trillo at Direk Jay Altarejos.

Nasa unang location pa si Heart Evangelista at hinihintay pa nilang makabalik sa second location. Si Dennis ang unang nakausap ng PEP, na binati muna dahil sa success ng movie nila ni Judy Ann Santos na nagsimula nang mag-showing nung Wednesday, October 1, ang Mag-ingat Ka Sa...Kulam ng Regal Films na dinirek ni Jun Lana.

Continue reading below ↓

"Salamat po," nakangiting sagot ni Dennis. "Masaya po ako talaga dahil nagustuhan ng mga tao ang horror movie namin ni Judy Ann. Masaya rin po ako dahil nag-abot pa ito at ang movie namin nina Jolina [Magdangal] na I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films na nasa third week na. Kaya maraming-maraming salamat po sa tumatangkilik ng aming mga pelikula."

Hindi lihim ang pagkakaroon ng crush ni Dennis Trillo kay Heart Evangelista, so ano ang naging reaction niya nang malaman niyang magtatambal sila sa "Chinoy" episode ng Dear Friend na mapapanood na sa Sunday, October 5, pagkatapos ng SOP?

"Masaya, kasi gusto ko rin po namang makatrabaho ng bagong leading lady, gusto ko po talagang makatrabaho si Heart. Dito lang po kami medyo magkakasama nang matagal, dahil kahit magkasama kami every Sunday sa SOP, lagi naman kaming on the go dahil sunud-sunod ang production numbers namin, ‘Hi!' ‘Hello!' lang kami kapag nagkita sa show."

Continue reading below ↓

Isang Chinese si Dennis sa "Chinoy," as Edison. Tamang-tama naman ang character sa kanya dahil may dugo siyang Chinese. Pinakuwento namin kay Dennis ang story.

"Isa po akong Chinese dito, girlfriend ko si Heart as Anna, a Pinay, at eight years na kaming mag-sweetheart pero hindi alam ng mommy ko [Pinky Amador] kasi, traditional Chinese kami at gusto nilang Chinese din ang mapangasawa ko. Ipinagkasundo pa nga niya ako sa gusto nilang mapangasawa ko na lalong ikinasama ng loob ni Heart.

"Kasama pa rin namin dito si Julianne Lee [na muling nagbabalik-showbiz], Charmaine Buencamino as the mom of Heart. Si Heart po ang nagpadala ng letter kina Marvin [Agustin] at Jolina at sana panoorin nila ang Dear Heart at alamin kung nanalo ang love over tradition sa story."

GAGAMBINO. Medyo namamaga pa rin ang tuhod ni Dennis gawa ng pagbagsak niya sa isang stunt sa taping niya ng bago niyang telefantasiya, ang Gagambino na siyang papalit sa Dyesebel simula sa October 20.

Continue reading below ↓

"Marami po kasing stunts din akong gagawin at matindi ang special effects kaya halos araw-araw din kaming nagti-taping, kaya pasalamat po ako na hindi na kailangang i-cast ang paa ko, kahit medyo hindi pa rin diretso ang lakad ko."

Fourteen weeks daw mapapanood ang Gagambino kaya hindi pa alam ni Dennis kung kailan niya sisimulan ang shooting ng The Other Man sa Regal Films na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

"Wala pa naman silang nakukuhang leading ladies ko, sabi nila ang isa raw ay medyo mature woman na, ‘tapos iyong isa, kasing-age ko. Hindi ko pa rin alam kung sino iyong isa pang guy, na medyo maliit daw lang ang role. Ang alam ko po, si Direk Maryo [J. delos Reyes] iyong nagdirek ng My Other Woman, nina Lani Mercado at Alice Dixson sa Regal Films in the '80's, pero hindi ko pa alam kung paano tatakbo ang story namin ngayon. I'm looking forward to work again with Direk Maryo, my director sa Sine Novela namin ni Katrina [Halili], ang Magdusa Ka.

Continue reading below ↓

Walang entry ngayon sa coming Metro Manila Film Festival si Dennis, kahit sa Shake, Rattle & Roll 10.

"Last year po, kasama ako sa Shake, Rattle & Roll 9 at saka tama po lang iyon dahil katatapos ko pa lang gumawa ng horror movie, ang Mag-ingat Ka Sa...Kulam.

TIME WITH CALIX. Nakumusta naman ng PEP kay Dennis ang anak na si Calix Andreas na katatapos lamang mag-celebrate ng 1st birthday niya last September 23.

"Nakakatuwa na po siya dahil bukod sa ‘dada,' ang tawag niya sa akin, natatawag na rin niya ng ‘mama' si Carlene," masayang kuwento ni Dennis.

"Nagulat din kami dahil naglalakad na rin siya ngayon, ayaw na niyang pahawak. Kung minsan nao-off-balance pero tumatayo siyang mag-isa at lakad siya ulit."

Kapag may free time daw siya, ipinapasyal niya sa mall si Calix. "Mahilig po kasi siyang sumakay sa rides, lalo na sa kotseng laruan doon."

Ano ang reaction ng mga tao sa mall kapag nakikita sila ni Calix?

Continue reading below ↓

"Wala po naman, masaya lang silang nakatingin sa amin ng anak ko."

Sa mga natanggap na gifts ni Calix noong birthday nito, may napansin ba siyang paborito nitong paglaruan?

"Iyon pa ring small drums na binili ko sa kanya noon pang napansin kong natutuwa siya kapag naririnig niya akong tumutugtog ng drums. Nang uwian ko siya ng small drums, lagi niya itong tinatambol."

GETTING BACK WITH CARLENE. Since maayos na ang relasyon nila ni Carlene ngayon na nakapagitna sa kanila si Calix, wala na ba talagang way para magkabalikan silang dalawa?

"Ayaw ko po namang magsalita nang tapos, hindi rin natin masabi, siguro po, time will tell na lang. What's important ngayon, open kami sa isa't isa, basta tungkol sa anak naming si Calix," nakangiting patapos ni Dennis at sinalubong na ang dumating na bagong leading lady niya, si Heart Evangelista.

Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Marami po kasing stunts din akong gagawin at matindi ang special effects kaya halos araw-araw din kaming nagti-taping, kaya pasalamat po ako na hindi na kailangang i-cast ang paa ko, kahit medyo hindi pa rin diretso ang lakad ko," relates Dennis Trillo about resuming taping for Gagambino despite his recent accident.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results