Watch Now

Angelica Panganiban shifts from villain to sexy comedienne in "Banana Split"

by Melba R. Llanera
Oct 5, 2008
Apart from playing the bitchy Scarlet on Iisa Pa Lamang, young actress Angelica Panganiban shifts to comedy in ABS-CBN's new gag show, Banana Split.

Sa kabila ng magandang tinatakbo ng career ngayon ng young actress na si Angelica Panganiban, kinumpirma niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) that she plans to take up Culinary Arts.

Hindi kaya ito ay preparation na rin ni Angelica kung saka-sakaling mauwi sa kasalan ang magda-dalawang taon na nilang relayson ng boyfriend na si Derek Ramsay?

"Mag-aaral na ako by November," sambit ni Angelica. "Though siyempre, magagamit ko ‘yan ‘pag nagkapamilya na ako. Pero ang mas naiisip ko, ang sarili ko ‘pag wala na ako sa limelight or mas maganda na may iba ka ring ginagawa. This is also for my future, gusto kong magtayo ng sarili kong business and mas maganda yung may alam ako sa business na gagawin ko."



Agad naming kinumusta kay Angelica ang lagay ng relasyon nila ni Derek. Ayon sa young actress, masasabi niyang nakatulong nang malaki ang mga pinagdaanan nilang problema at pagsubok dahil napatunayan kung gaano katibay talaga ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa bawat paglipas ng araw, paganda nang paganda yung takbo ng relationship namin. Siyempre kung may pinagdadaanan kayong matindi, ‘tapos dun kayo nasubukan at hindi kayo nagpatibag dun sa mga nangyari, I can say na isang katibayan na yun na matibay talaga kayo," saad ni Angelica.

FROM BITCHY TO FUNNY. "Bitch" ang description ng marami sa role na ginagampanan ni Angelica sa primetime soap opera ng ABS-CBN, Iisa Pa Lamang—si Scarlet. Kung ang ibang mga kontrabida ay nakararanas ng mga negatibong reaksiyon mula sa publiko—gaya ng pagsasalita sa kanila ng masasakit na salita at minsan nga ay umaabot pa sa pisikal na pananakit mula sa mga diehard fans ng bidang inaapi nila—iba naman ang nae-experience ni Angelica.

"Wala akong nae-experience na may nagagalit sa aking mga tao because of my role as Scarlet," sabi ng young actress. "Actually, sobra nga silang natutuwa sa character ko na ‘pag nakikita nila ako, tinatawag nilang ‘Scarlet, Scarlet!' Nakakatuwa kasi ngayon ko lang na-experience na yung ganung role na talagang kumapit at tumatak sa mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung kontrabida sa soap opera na Iisa Pa Lamang, isang bubbly, sexy, at kikay na Angelica naman ang mapapanood sa bagong gag show ng ABS-CBN, Banana Split.

"Happy ako kasi ngayon lang ako nagkaroon ng trabaho na sobrang gaan, na puwede pala yung nagtatrabaho ka pero para ka lang nagpapahinga. Sa Banana Split kasi, nagte-taping kayo, ginagawa ninyo yung responsibility ninyo, pero parang naglalaro ka rin at the same time, so sobrang enjoy kaming lahat," pagtatapos ni Angelica.

Read Next
Read More Stories About
Derek Ramsay
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apart from playing the bitchy Scarlet on Iisa Pa Lamang, young actress Angelica Panganiban shifts to comedy in ABS-CBN's new gag show, Banana Split.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results