Precious Lara Quigaman narrates scary exoerience during taping of "Scariest Challenge"

by Dinno Erece
Oct 4, 2008
"Ang usapan sa production, kung magagawa ang challenge, hindi na tatakutin, palalabasin na. Nang natapos ko na yung challenge ko, yung pinto sa corridor, nagsara! Ay, nagtatakbo na ako habang nagdarasal, ‘Huwag ninyong i-lock please, huwag niyong i-lock!' Mabuti na lang hindi nai-lock. Kasi noong oras na yun, wala na talaga akong kasama sa third floor. Ang camera, yung suot ko na lang," narrates Precious Lara Quigaman about her experience while tapin


Prayers and an unexpected side trip saved Miss International 2005 Precious Lara Quigaman from any mysterious aftermath after joining TV5's Philippines' Scariest Challenge.

Poised as usual si Precious nang humarap sa press kahapon, October 4, kasama nina Bb. Pilipinas-International 2006 Denille Lou Valmonte, at Bb. Pilipinas-Universe 2002 Karen Loren Agustin-Ostrea, para sa contract signing ng mga bagong pasok na sponsors sa kanilang itinatag na Turismo Pilipina sa Rembrandt Hotel sa Tomas Morato Extension.

Hindi matinag ang tatlo sa pagiging tahimik sa issue ng kanilang contest at ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. dahil masaya raw sila at dumadagdag ang mga mapapanalunan sa contest nila. Kung kaya't nagpakuwento na lang kami kay Precious ng kanyang experience naman sa sinalihan niyang episode para sa Philippines Scariest Challenge, na siyang magiging Halloween episode ng show sa huling Linggo ng Oktubre.

LARA'S SCARY CHALLENGE. Ayon kay Precious, tatlo silang naglaban-laban nina Joyce Jimenez at Gwen Garci na ginanap sa St. Anne Dormitory sa Teacher's Camp, Baguio City. (Hindi sa Diplomat Hotel na nasa Baguio rin, na ibinalita ng mga tabloid, dahil mga lalaki ang nag-participate doon—sina Bruce Quebral, Paolo Paraiso, at Allen Dizon).

Continue reading below ↓

Bago pa sila dumating doon, una pa lang ay may nangyari na kay Gwen. Nakabangga ang kotse niya, na dala ng driver niya, sa Baguio at ang pamilya ni Gwen ang nagpaospital sa bata. Hindi na ito sinabi kay Gwen para hindi raw siya mataranta sa taping.

Sa pag-uwi naman, ang sinasakyan ni Joyce ang nabangga sa Urdaneta, Pangasinan. Nawasak ang kotse at nagtamo ng sugat ang mga sakay nito, kasama na ang driver, ang road manager, at PA ni Joyce.

Tanging si Precious lang ang hindi nakaranas ng ganitong insidente ngunit inamin niyang mas matindi ang nangyari sa kanya habang nagte-taping pa lang sila.

"Ako ang una sa isinalang kasi bunutan," paunang kuwento ni Precious. "Ang challenge ko, nasa third floor; lilinisin yung dugo sa comfort room. Bago kami nagsimula, nag-usap na kaming tatlo [nina Gwen at Joyce] na dapat huwag matakot dahil alam naman naming contest ito at katatakutan. Kaya kung ano man ang mga makita o marinig namin, gawa lang ng production. Ito na ang pinasok namin sa isip namin.

Continue reading below ↓

"Kaso, papasok pa lang ako sa dormitory [sa parteng ito, tatlong beses na tinampal ni Lara ang mesa namin], may ganoon na sa corridor. Nagalit ang director, hindi pa raw ako nakakapasok, dapat wala pang ganoon.

"Sabi ng staff, hindi raw sila yun kasi ang mga production crew, kapag nasa first floor pa lang kami, dapat nasa second floor na sila para hindi namin makita. Kapag nasa second floor na kami, dapat nasa third floor na sila.

"Narinig ko na nag-uusap ang production staff, ‘Itutuloy pa ba natin ito?' Isip ko na lang ulit, ‘Ay, gagaling nilang mag-drama. Kunwari hindi sila.' Pero siyempre, natatakot na rin ako.

"Sa first at second [floor], ang takot ko, yung takot ng parang tinatakot lang. Pero pagdating ko sa third floor, kakaiba na. Iba na ang nararamdaman ko kaya pray ako nang pray, ‘In Jesus's name, in Jesus's name. ‘Tapos kumakanta na ako ng mga kanta sa misa.

Continue reading below ↓

"Mas kakaiba na nang nasa comfort room na ako para linisin yung dugo. Parang ang lamig ng likod ko, lalo na sa leeg ko. Sabi ko, tapusin ko na ito para makaalis na.

"Ang usapan sa production, kung magagawa ang challenge, hindi na tatakutin, palalabasin na. Nang natapos ko na yung challenge ko, yung pinto sa corridor, nagsara! Ay, nagtatakbo na ako habang nagdarasal, ‘Huwag ninyong i-lock please, huwag niyong i-lock!' Mabuti na lang hindi nai-lock. Kasi noong oras na yun, wala na talaga akong kasama sa third floor. Ang camera, yung suot ko na lang," nakakapangilabot na kuwento ni Lara.

Nang matapos na si Precious at sinundo na siya ng kasamahan niya, iba na rin daw ang nararamdaman ng kanyang kasama. Parang may mabigat daw itong dinadala na parang bigla na lang na-depress nang walang dahilan.

Si Joyce daw ang sumunod kay Precious. Sa TV pa lang, napapanood na nila si Joyce na parang may kinakausap habang inaayos naman ang kuwarto na challenge niya.

Continue reading below ↓

Bago pa umakyat si Joyce, ang crew na naka-istambay para magbukas-sara ng bintana sa kuwarto, umalis na sa kinalalagyan niya. Para raw kasing may nasa likod niya kaya minabuti na lang nilang hindi ito ibukas-sara dahil takot na takot na rin si Joyce. Nagbukas-sara pa rin daw ang bintana kaya hindi na natuloy ni Joyce ang challenge niya.

Ganito rin ang nangyari kay Gwen, na hindi rin daw natapos ang challenge.

Kuwento pa ni Precious, nang magkakainan na, napansin na nilang kakaiba na ang ginagalaw ni Joyce. Tinawag daw nito ang assistant nito na umupo sa likod niya dahil ang feeling daw ni Joyce, parang may nasa likod niya palagi.

Pag-uwi, magku-convoy sana ang sasakyan nina Joyce at Precious. Taga-Baguio si Gwen kung kaya't umuwi muna ito sa bahay nila doon, ‘tsaka lang niya nalamang nakabangga ng bata ang sasakyan niya.

Sa kalye, biglang pumara muna ang sasakyan ni Precious. Naihi raw kasi siya. Ang sabi ng driver ni Joyce, alam na raw nila ang daan pauwi kaya nauna na ito.

Continue reading below ↓

"Pagdating sa gasoline station," lahad ni Precious, "nag-iba na ang pakiramdam ko. Parang lumuwag na. Pati ang kasama ko, nawala na ang bigat, parang ganoon-ganoon na lang."

Ito raw yata ang naka-save sa kanila at "nagpagpag" muna sila bago umuwi. Isang makalumang pamahiin ito sa mga dumadalaw sa patay na dapat ay dadaan muna sa ibang lugar para "mapagpag" ang ano mang "sumama" sa kanila bago dumiretso sa bahay.

Umaga na rin nang malaman ni Precious ang sakunang nangyari kay Joyce at sa mga kasamahan niya.

Para sa charity ang mapapanalunan nila at nang tinanong si Precious kung uulitin niya ito, ang naging sagot niya lang daw ay, "I will just find another way to help the charity, ayoko na."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang usapan sa production, kung magagawa ang challenge, hindi na tatakutin, palalabasin na. Nang natapos ko na yung challenge ko, yung pinto sa corridor, nagsara! Ay, nagtatakbo na ako habang nagdarasal, ‘Huwag ninyong i-lock please, huwag niyong i-lock!' Mabuti na lang hindi nai-lock. Kasi noong oras na yun, wala na talaga akong kasama sa third floor. Ang camera, yung suot ko na lang," narrates Precious Lara Quigaman about her experience while tapin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results