RR Enriquez jokes around with questions about Willie Revillame

by Rommel R. Llanes
Oct 7, 2008
"Okey lang, kasi may Ferrari naman siya. May bahay naman siya sa Tagaytay. May bagong bahay siya sa Corinthian, may yate pa siya. Ang dami-dami niyang properties, so why not, di ba?" says RR Enriquez about the possibility of Willie Revillame courting her. But she follows up this statement with, "Joke lang din."

Isa si RR Enriquez sa co-hosts ni Willie Revillame sa noontime varitey show na Wowowee. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si RR kung nagpaparamdam ba sa kanya si Willie na type siya nito.

"Hindi! Ako nga ang nagpapapansin sa kanya, e. Hindi, joke lang!" bawi agad ni RR matapos magbiro.

Pero kung sakali bang ligawan siya ni Willie, okey lang ba sa kanya na pumatol siya sa mas may edad kesa kanya? Si Willie ay 47 na, habang si RR ay 23 pa lang.

"Okey lang, kasi may Ferrari naman siya. May bahay naman siya sa Tagaytay. May bagong bahay siya sa Corinthian, may yate pa siya. Ang dami-dami niyang properties, so why not, di ba? Joke lang din. Ha-ha-ha!" natatawang sagot pa ni RR.

Bukod sa Wowowee ay kasama rin si RR sa bagong gag show ng ABS-CBN, Banana Split, na ipapalabas na sa October 11. Co-stars niya rito sina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, Princess Ryan, Diane Medina, at Cristine Reyes.

Continue reading below ↓

Among the girls, si Angelica ang pinakagusto ni RR.

"Hindi naman kami yung sobrang close ni Angelica. Pero siya ang pinakagusto ko ang ugali. Kasi ano siya, e, parang what you see is what you get. Totoong tao siya," sabi pa ni RR tungkol kay Angelica.

Sino naman sa mga kasamahan niya ang masasabi niyang may topak?

"Lahat kami may topak, e. Puro kami mga sira, may katok. Lahat naman kami. Masaya kami, e."

Sa Wowowee, sino ang pinaka-close niya?

"Lahat sila, close ko. Lahat kami nagba-bond," sagot ng seksing newcomer.

Kamakailan ay nagkaroon ng show ang Wowowee sa Canada, pero hindi
isinama roon si RR. Hindi ba nagtatampo si RR dahil dito?

"Hindi ako nagtatampo. Kasi last time sa New Jersey, ako mismo ang hindi
sumama. Yun nga kasi, sabi ko, magpapagawa [magpaparetoke] ako. Siguro inisip ni Papi [Willie] na may ipapagawa ulit ako kaya hindi niya ako isinama. Pero dyino-joke lang naman niya ako," esplika ni RR.

Continue reading below ↓

Ano naman ngayon ang ibinigay na dahilan sa kanya kung bakit hindi siya isinama sa Canada, to think na isa siya sa co-hosts ni Willie?

"Walang ibinigay na reason sa akin. Siguro ano...baka akala nila wala akong
matutulong sa show. Hindi, joke lang.

"Ang alam ko lahat kami binibigyan ng chance ni Papi na umikot. So, nung
hindi ako sinama, yung iba naman ang isinama niya. No hard feelings," banggit pa ni RR.

Hindi naman daw talaga iniintindi ni RR ang mga maliliit na issue na ganito dahil dalawa naman daw ang regular show niya sa ABS-CBN.

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga blessing na dumarating sa akin," pagtatapos na niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey lang, kasi may Ferrari naman siya. May bahay naman siya sa Tagaytay. May bagong bahay siya sa Corinthian, may yate pa siya. Ang dami-dami niyang properties, so why not, di ba?" says RR Enriquez about the possibility of Willie Revillame courting her. But she follows up this statement with, "Joke lang din."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results