Jewel Mische neither confirms nor denies if she fell in love with Richard Gutierrez

by Nitz Miralles
Oct 7, 2008
StarStruck 3 Ultimate Sweetheart Jewel Mische returns to the limelight with a special participation in GMA-7's upcoming primetime series La Lola.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Jewel Mische sa presscon ng La Lola noong Lunes ng gabi, October 6, sa Dolce Bar. Matagal na hindi napagkikita sa showbiz functions si Jewel kaya sinamantala na namin ang pagkakataon upang tanungin siya sa mga kinasasangkutan niyang isyu.

Special participation lang si Jewel sa La Lola. Sa pilot episode lang daw lalabas ang character niyang si Ada, ang babaylan na na-in love kay Lalo (Wendell Ramos). Si Ada ay niloko ni Lalo kaya pinaghigantian siya ng kapatid nitong si Sera (Iza Calzado).

Ang una naming tinanong kay Jewel ay ang pagkawala niya sa eksena. Pagkatapos kasi ng action-fantaserye na Kamandag ay hindi na siya masyadong naging visible.

"Hindi naman ako totally nawala," pagkaklaro ni Jewel. "May Saturday show ako, yung Bitoy's Funniest Videos at nagge-guest din ako sa ibang shows ng GMA. Sa primetime lang ako nawala and after Kamandag, sa La Lola lang uli ako mapapanood."

Continue reading below ↓

Inirason din ng StarStruck 3 Ultimate Sweetheart ang pagka-busy niya sa school kaya hindi na siya masyadong napapanood. Dagdag niya, may pinagkaabalahan din siyang sikreto raw muna.

"I turned 18 at regalo ko sa sarili yun at gift din ng GMA sa akin. Sinamahan ako sa journey ko ng GMA, kasama ko pa rin sila siyempre. Sorry at hindi ko pa masabi kung ano ito. Malalaman mo rin in the days to come," pangako ni Jewel sa PEP.

Tinanong din namin si Jewel kung totoo ang balitang na-in love siya kay Richard Gutierrez noong time na magkasama sila sa Kamandag. Tumingin lang siya sa amin at ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot ng, "Bata pa ako para ma-in-love."

Hindi na nag-elaborate ang dalaga sa kanyang kasagutan, pero hindi rin niya itinanggi o kinumpirma ang balita.

Matipid din ang sagot ni Jewel sa follow-up question ng PEP kung totoong pumupunta siya sa condo unit ni Richard sa The Fort.

Continue reading below ↓

"Hindi ko alam ang isyung ‘yan. Baka may pinuntahan akong iba sa The Fort at inakala nilang sa condo unit niya ako pumunta," sabi ni Jewel.

Kumusta sila ngayon ni Richard. Magkaibigan pa rin ba sila?

"Oo naman, we're friends," sagot ni Jewel. "Hindi lang kami nagkikita lately. Busy siya sa career niya, busy din ako sa school. Fourth year na ako sa next school year sa College of Music sa UP Diliman. Abangan mo rin at may endorsement ako. Magsu-shoot ako ng TVC. Bawal lang sabihin kung anong product. ‘Pag umere na lang, malalaman mo rin," sabi ni Jewel.

Marami pa sana kaming gusting itanong kay Jewel, pero may pupuntahan pa raw siya after the presscon. Nag-promise itong next time na makausap namin siya ay handa na siyang sumagot sa mga gusto naming itanong sa kanya.
Read Next
Read More Stories About
Jewel Mische, Richard Gutierrez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck 3 Ultimate Sweetheart Jewel Mische returns to the limelight with a special participation in GMA-7's upcoming primetime series La Lola.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results