Supreme Court denies ABS-CBN's petition on "Wowowee" tragedy case

by Erwin Santiago
Oct 17, 2008
"The Court resolves to deny petitioners' motion for reconsideration with finality, the basic issues raised therein having been fully considered and passed upon by the Court in the aforesaid decision and no substantial argument having been adduced to warrant the reconsideration sought," said the Supreme Court in its resolution about ABS-CBN's petition to stop the Department of Justice from pursuing its preliminary investigation on the Wowowee

Ibinasura ng Supreme Court ngayong araw, October 17, ang petisyon na inihain ng ABS-CBN upang pigilan ang Department of Justice (DOJ) na tapusin ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa stampede na naganap sa unang anibersaryo ng noontime show na Wowowee noong February 4, 2006 sa ULTRA stadium, kung saan 71 ang namatay at daan-daan pa ang nasaktan.

Continue reading below ↓

Ayon sa report ng GMA News, pinagtibay ng Supreme Court sa pamamagitan ng isang minute resolution ang jurisdiction ng DOJ sa preliminary investigation nito sa presidente ng ABS-CBN na si Ma. Rosario "Charo" Santos-Concio at sampung iba pa, na inakusahan ng reckless imprudence na nagresulta sa multiple homicide at physical injuries charges.

Sinabi rin ng mataas na korte na nabigo ang petitioners na magbigay ng panibagong issue na maaaring magpabago ng desisyon ng Supreme Court noong January 29, 2008.



Sa naturang desisyon, inutusan ng Supreme Court ang DOJ at ang prosecutors nito na ipagpatuloy ang preliminary investigation upang malaman ang probable cause laban sa petitioners.

Ayon sa Supreme Court, "The Court resolves to deny petitioners' motion for reconsideration with finality, the basic issues raised therein having been fully considered and passed upon by the Court in the aforesaid decision and no substantial argument having been adduced to warrant the reconsideration sought."

Continue reading below ↓

Bukod kay Ms. Santos-Concio, na naakusahan noong siya ay executive vice president pa ng ABS-CBN, pinangalanan din bilang respondents sa kaso sina Maria Socorro "Cory" Vidanes, senior vice-president for television production; Marilou Almaden, executive producer; at Cipriano Luspo, assistant vice-president and head of security of ABS-CBN.

Kasama rin sa petition ng Supreme Court ang mga sumusunod: Moly Stewart, Wowowee executive producer and manager; Harold James Nueva, associate producer for sets and technical; Norberto Vidanes, Wowowee director; Rey Cayabyab, assistant location manager and security coordinator; Francisco Rivera, ABS-CBN's location manager; Mel Feliciano, Wowowee's assistant director; at Jean Owen Garcia, floor director.

Samantala, ang host ng Wowowee na si Willie Revillame ay hindi isinama ng DOJ sa charges.

Ang ABS-CBN ang sinisisi sa stampede na naganap sa selebrasyon sana ng unang anibersaryo ng Wowowee sa Philsports Arena sa Pasig City noong February 4, 2006.

Sa desisyon nito noong January 29, 2008, pinabulaanan ng Supreme Court ang paratang ng petitioners na minadali ng DOJ ang pagsasagawa ng kaso.

Continue reading below ↓

Naglabas na rin ng resolution ang investigating panel ng DOJ noong October 9, 2006 kung saan napag-alaman nila na may probable cause upang sampahan ng kaso ang mga akusado para sa krimen. Ang motions for reconsideration ng mga akusado ay naghihintay pa rin ng resolution mula sa DOJ.

Isang hiwalay na kaso ang isinampa laban kay Willie, na klinaro na sa anumang criminal liability kaugnay ng naganap na stampede.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"The Court resolves to deny petitioners' motion for reconsideration with finality, the basic issues raised therein having been fully considered and passed upon by the Court in the aforesaid decision and no substantial argument having been adduced to warrant the reconsideration sought," said the Supreme Court in its resolution about ABS-CBN's petition to stop the Department of Justice from pursuing its preliminary investigation on the Wowowee
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results