Joey de Leon bags Supremo Award at Supreme to the Extreme Awards

by Rose Garcia
Oct 18, 2008
TV host-comedian Joey de Leon won the highest honor—the Supremo Award—in the first-ever Supreme to the Extreme Awards of the Philippine STAR last night, October 17, at The Fort, Taguig City.

Punong-puno ang Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City, kagabi, October 17, para sa kauna-unahang Supreme to the Extreme Awards ng Philippine STAR, na binuo ng young writers ng naturang broadsheet sa pangunguna ni Tim Yap. Layunin ng mga awards na ito ang pagbibigay- parangal sa nararapat na achievers sa iba't ibang larangan, tulad ng fashion at showbiz.

Si Tim ang nanguna sa pagbibigay ng awards, kung saan ang bumoto ng winners ay ang mismong readers ng Philippine STAR.

Ang unang award na ibinigay ay ang Comeback of the Year Award. Nominado sa kategoryang ito sina Gabby Concepcion, Annabelle Rama, Mat Ranillo III, at ang TV5. Si Gabby ang nanalo, pero hindi siya nakasipot sa awards night.

Ayon kay KC Concepcion, anak ni Gabby kay Sharon Cuneta, posibleng nasa taping ang papa niya kung kaya hindi ito nakarating. In behalf of Gabby, ang bunsong kapatid nito at sinasabing look-alike ni KC na si Sandy Concepcion ang tumanggap ng award para sa comebacking actor.

Continue reading below ↓

Second award naman ang Collaboration of the Year Award. Ang kategorya na ito ay tumutukoy sa mga artistang nag-effort para mapagsama sila o makagawa ng paraan na pagsamahin ang isang bagay na parang imposibleng mangyari.

Nanalo sa kategoryang ito sina KC at Richard Gutierrez dahil nagawa nilang magkasundo ang Star Cinema at GMA Films para sa pelikulang For The First Time. Si KC ang tumanggap ng award. Ayon sa young actress-singer, absent si Richard dahil nasa inauguration siya ng bagong studios at building ng GMA-7.

Ang iba pang nominees sa kategoryang ito ay sina KC Concepcion and Mark Nicdao, Roderick Paulate and Rick Astley, and Jennylyn Mercado and Patrick Garcia.

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nanalo sa Best In Chemistry Award. Ang mga naging kalaban nila sa kategoryang ito ay sina Kim Chiu & Gerald Anderson, Richard Gutierrez & KC Concepcion, Richard Gutierrez & Heart Evengelista, and Richard Gomez & Lucy Torres-Gomez.

Continue reading below ↓

Yun nga lang, parehong hindi nakarating sina Dingdong at Marian. Tulad ni Richard ay nasa inauguration din sila ng bagong building ng Kapuso network.

Ang Supreme Dynasty Award naman ay iginawad sa pamilya sa showbiz na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagningning at pagiging supreme. Ang Gutierrez family ang nanalo sa kategoryang ito over the Quizons, Eigenmanns, Sottos, mga Fabregas, and Cruzes.

Si Ruffa Gutierrez ang tumanggap ng award for her family na sa huling bahagi ng speech niya ay nasambit niyang, "The Gutierrez are here to stay!"

Meron ding Road Distraction Award, na ang ibig sabihin ay ang mga naglalakihang billboards sa Edsa na takaw-pansin sa mga motorista.

Angel Locsin won with her Folded & Hung billboard sa may bandang Guadalupe; beating other celebrity billboards like MET, Dingdong Dantes's Bench Body, KC Concepcion's Bayo, Levi's 501 Jeans, and Bayani Fernando's tarpaulins and billboards.

Yun nga lang, hindi rin nakarating si Angel sa awards night.

Continue reading below ↓

Marc Nelson and Rovilson Fernandez of Amazing Race Asia 2 got the award for Reality TV Star of The Year over Teresa Herrera, Hayden Kho, Pinoy Dream Academy winner Laarni Lozada, Pinoy Idol winner Gretchen Espina, and Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner Ejay Falcon.

Sa Televisionary Award, ang Wowowee host na si Willie Revillame ang nanalo. Sa puntong ito rin naganap ang reconciliation sa pagitan ni Willie at ni Joey de Leon nang i-share ng Wowowee host ang award niya sa Eat Bulaga host, na itinuturing daw niyang "supreme, icon, idol, and the living legend."

Bukod sa ilang staff ng Wowowee, kasama ring dumating ni Willie ang batambata at taga-Bulacan na nali-link sa kanya at sinasabing bagong girlfriend niya na si Nadine Ignacio. Nakalaban ni Willie sa Televisionary Award sina Joyce Bernal, Lauren Dyogi, at Francis Lumen.

For the Villain of the Year Award, Angelica Panganiban won for her performance in Iisa Pa Lamang as the kontrabida to Claudine Barretto. Angelica arrived unescorted dahil ang boyfriend niyang si Derek Ramsay ay nasa Bacolod for the Mascara Festival.

Continue reading below ↓

Nanalo ulit si KC Concepcion sa kategoryang She Supreme Award. Kung sa regular award-giving, puwede sigurong ihalintulad ang She Supreme award sa Best Actress Award.

Hindi na natanggap nang personal ni KC ang kanyang second award dahil kinailangan na niyang uamlis agad. Si Ruffa ang tumanggap ng award for KC at binasa na lang nito sa kanyang cell phone ang speech na ipinadala ni KC, who happens to be the rumored girlfriend ng kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez.

Nakalaban ni KC sa She Supreme Award sina Vicki Belo, Judy Ann Santos, Divine Lee, at Charice Pempengco.

For the He Supreme Award, Francis Lumen of Radiohead/MTV won the award over Manny Pacquiao, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Chris Tiu, Raimund Marasigan.

Ang huling award na ipinamahagi ay ang highest award of the night, The Supremo Award, won by Joey de Leon. Bukod sa trophy, nakatanggap din si Joey ng limited edition Swatch watch at Pussy Cat stuffed toy.

Continue reading below ↓

Pinuri ni Joey ang mga young writers ng Philippine STAR, na kahit daw noong hindi pa siya nagsusulat sa naturang broadsheet ay hinahangaan na niya ang mga ito. Nagulat nga ang mga writer dahil halos kilala silang lahat ni Joey by name.

Ayon pa sa speech ni Joey, talagang isinama niya ang mga anak niyang sina Jaco at Jocas para ipakitang ipinagmamalaki niya ang natanggap na award galing sa Philippine STAR. ‘Tulad ni Willie, binanggit din ni Joey si Willie sa kanyang speech. Nag-"I love you" pa ito sa madalas na kapatutsadahang host na katapat ng kanilang programang Eat Bulaga.

As a Kapuso loyal artist, right after the awards night ay hahabol pa raw siya sa inauguration naman ng bagong studios ng GMA-7.

Bukod sa mga nabanggit na categories, ilan pa sa ipinamigay na award ay ang Party Paparazzo of the Year na pinagwagian ni Daniel Tan; Party Movement of the Year na nakuha ng Mag:nets Rockeoke. For this category, Embassy Super Club was nominated, but was disqualified dahil si Tim ang isa sa owners nito.

Continue reading below ↓

Robby Carmona won for the Fashion Force Award and Mark Nicdao for the Hotshot Award.

Maituturing na isang success and first-ever Supreme to the Extreme Awards at makaaasa raw na simula pa lang itong taong ito sa kanilang pagbibigay ng annual awards.

Ilan din sa mga artista na namataan ng PEP last night, bukod sa mga nominado at tumanggap personally ng kanilang award, ay sina Raymond Gutierrez, Rachel Lobangco, at Diether Ocampo.

CLICK HERE FOR GALLERY.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host-comedian Joey de Leon won the highest honor—the Supremo Award—in the first-ever Supreme to the Extreme Awards of the Philippine STAR last night, October 17, at The Fort, Taguig City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results