Gwen Garcia still being followed by spirit encountered in Baguio

by Archie de Calma
Oct 19, 2008
"So far naman, tahimik na. Kaya lang, may moments na ayokong nag-iisa. Grabe! Feeling ko, may kung anong nasa paligid lang," relates Gwen Garcia about the spirit she encountered while taping for a reality show.


Hanggang ngayon pala'y hindi pinatatahimik si Gwen Garci ng kung anumang espiritung naka-encounter nila sa Baguio City ilang linggo na ang nakararaan nang mag-taping sila roon ng Philippines' Scariest Challenge para sa TV5.

Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa birthday party ni Direk Maryo J. delos Reyes na ginanap kamakailan sa West Mansions Condominium sa West Avenue, Quezon City. Ayon kay Gwen, mabuti na lang daw at nakakasama na niya ang PA (personal assistant) niya na diumano'y nasasapian ng espiritu.

"For quite a long time, okey naman siya. Noon lang, ilang araw yung hindi basta umaalis ang spirit sa kanya at kung makatingin nga, nanlilisik ang mga mata, na talagang tumatayo halos lahat ng balahibo ko sa katawan," kuwento ni Gwen.

Patuloy niya, "May sinasabi yung spirit, na mayroong member ng staff na kailangang bumalik sa Baguio para mag-sorry, and has to undergo a ritual para masagip siya sa kung anumang masamang pupuwedeng mangyari.

Continue reading below ↓

"Actually, the spirit questors are advising us to go back to Baguio again. Para matapos na lang yung cycle, because when that accident involving Joyce Jimenez happened, and I bumped into a kid sa highway, na lahat ng ipinambayad sa akin sa taping na yun just went sa hospitalization ng batang nadisgrasya ko, paulit-ulit nga na pumapasok yung spirit doon sa PA ko, and telling us na may susunod pa nga raw," nakapangingilabot na sabi ni Gwen.

Hindi raw nagpapaniwala ang parents ni Gwen dito. Kahit na yung paggamit ng rosary or Catholic religious images, mas nakaka-aggravate pa raw ng sitwasyon.

"Di ba, it has always been like that, kapag may exorcism? The more na gumagamit daw ng cross at rosary, lalong nananadya ang bad spirits. I don't know. Baka yung PA ko raw ay nagagamit din ng kung anumang unforeseen force, at baka 'pag bumalik kami sa Baguio just for that, baka mas lalo pang malala ang mangyari sa amin.

Continue reading below ↓

"So far naman, tahimik na. Kaya lang, may moments na ayokong nag-iisa. Grabe! Feeling ko, may kung anong nasa paligid lang," napapailing na kuwento ni Gwen.

May nagsasabi pa nga raw sa parents ni Gwen na tigilan na kasi ng aktres ang paghuhubad sa pelikula, lalo na yung pinakahuling digital film na nilabasan nito, ang Room 213, na walang takot na nag-frontal nudity pa si Gwen.

"Hindi ko naman alam kung ano ang koneksiyon doon," sabi ni Gwen. "Nanonood ba ng indie films ang bad spirit? Well, basta I remember, one time, through my PA, nagsalita nga yung spirit na naliligaw raw sila, and she really has to go back to where she has come from.

"Through the questor kasi, nalaman namin, masama ang nangyari doon sa anak niya na na-rape, and she was also killed, kaya parang naghihiganti sila. At parang nagkahiwalay sila ng anak niya, kaya parang yun ang pinapakiusap niya. It's really difficult to deal on things like this. Hindi mo na alam kung ano ang paniniwalaan mo. Nakakatakot talaga."

Continue reading below ↓

Sa mga nasasabi sa parents niya tungkol sa kanyang paghuhubad, nagkaroon din ng isyu na very much against na ang mommy niya sa ginagawa ni Gwen.

"Let's face it, lahat ng nanay, ayaw nilang napapanood ang anak nilang naghuhubad sa harap ng maraming tao. Pero trabaho lang naman ito, and I'm doing this as an actress. So, I just tell them pabayaan na lang nila ako because I'm old enough to know what I'm doing. Nasa tamang age na ako to decide what's good and what's not for myself.

"Kaya ang sinasabi ko na lang sa mommy ko, huwag na lang niyang panoorin ang mga pelikula ko. Sa TV na lang niya ako panoorin at imposibleng maghubad ako for TV, di ba?

"I really have to work. Yun ang dumarating na trabaho sa akin. In fact, I'm considering another indie film project na very daring na naman, and it's all up to my manager kung tatanggapin niya yun. Kung hindi niya tatanggapin, siyempre hindi ko gagawin," pagtatapos ni Gwen.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"So far naman, tahimik na. Kaya lang, may moments na ayokong nag-iisa. Grabe! Feeling ko, may kung anong nasa paligid lang," relates Gwen Garcia about the spirit she encountered while taping for a reality show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results