Watch Now

Pauleen Luna willing to reconcile with Michelle Madrigal but will not make first move

by Dinno Erece
Oct 24, 2008
"Sa akin, okay lang kung makipag-ayos siya. Open naman ako. Pero hindi ako ang gagawa ng unang move. Alam naman niya na hindi ako ang may kasalanan dito," says Pauleen Luna about burying the hatchet with Michelle Madrigal (inset).

Surprise visitor ng Station 168 Internet Café sa Tomas Morato, Quezon City last Thursday night, October 23, ang young actress na si Pauleen Luna. Sinusundo niya pala ang kanyang nakababatang kapatid na si Miggy, na kaibigan nina Mark Herras at Mike Tan na regular sa naturang Internet café. Sans makeup, mas nagmukhang bata si Pauleen lalo na sa kanyang suot na reading glasses.

Bago makaalis, kinausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen dahil nakarating sa amin na nung umagang yun, sa pictorial ng bagong primetime series ng GMA-7 na Luna Mystica ay nagkaiwasan na naman daw sila ni Michelle Madrigal. Nauna raw umalis si Pauleen for another commitment. Sa story conference ng Luna Mystica noong Lunes, October 20, nag-iwasan din daw ang dalawa at nauna ring umalis si Pauleen.

Paliwanag ni Pauleen, "Nung story conference, may pictorial pa po talaga akong kasunod, alam naman nila yun. Nag-stay pa nga ako ng mas matagal sa dapat kahit naghihintay na yung sa pictorial ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kanina naman po, ako talaga ang isa sa mga unang kukunan kasi may Eat Bulaga pa ako. Again, alas-onse y medya na nga po ako pinakawalan sa pictorial kaya nagmadali na rin ako para hindi ako ma-late sa Bulaga."

Inamin ni Pauleen na hindi nga sila nag-usap ni Michelle sa dalawang insidente. Nag-iiwasan pa rin daw sila. Nag-dialogue na rin ang kasamahan nila sa Luna Mystica na si Heart Evangelista na kapag nagsimula sila ng taping ngayong araw na ito, October 24, pagbabatiin niya ang dalawa.

"Sa akin, okay lang kung makipag-ayos siya. Open naman ako. Pero hindi ako ang gagawa ng unang move. Alam naman niya na hindi ako ang may kasalanan dito. Wala akong nakikita sa kanya na incentive to make the first move, hindi na muna ako gagalaw. Nagpapakatotoo lang naman ako, ayoko ring gumigimik," sabi ni Pauleen.

Ang ugat ng away nina Pauleen at Michelle ay dahil sa isang phone call na natanggap ni JC de Vera noong nagbakasyon ang binata, kasama ni Michelle, sa Boracay kung ilang taon na ang nakakaraan. Sina JC at Michelle pa noon. Nagkasagutan sila dahil nagselos daw si Michelle sa phone calls na natanggap ni JC habang nagbabakasyon sila. Inakala raw ni Michelle na si Pauleen ang tumatawag sa boyfriend nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napatunayan nang hindi si Pauleen ang caller ni JC during that vacation trip, kundi ibang young female star.

Nagkahiwalay sina JC at Michelle at naging sina JC at Pauleen naman.

Sa Luna Mystica, magkaibigang fairies ang papel nina Pauleen at Michelle kung kaya't sa lahat ng eksena nila ay magkasama sila.

"Magpaka-professional na lang kami siguro, trabaho lang," sagot ni Pauleen nang tanungin namin kung paano nila mate-tape ang mga eksena nila.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa akin, okay lang kung makipag-ayos siya. Open naman ako. Pero hindi ako ang gagawa ng unang move. Alam naman niya na hindi ako ang may kasalanan dito," says Pauleen Luna about burying the hatchet with Michelle Madrigal (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results