Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Maja Salvador projected as fashionista in F&H billboards on EDSA

by Rose Garcia
Oct 25, 2008
"Hindi naman po matured. Gusto lang nila kong gawing model. Fashionista. Kakaibang Maja. Kasi, kapag matured, paano ba? Pero ganoon po ang tawag nila, e," Maja Salvador says of her Folded & Hung billboards along E. delos Santos Avenue (EDSA).


Nang tanungin kung ano ang drama na gusto niyang i-project sa kanyang pagrampa sa nakaraang 10th anniversary fashion show ng clothing brand na Folded & Hung noong Huwebes, October 23, pabirong sagot ni Maja Salvador: "Para po yata akong sinapian," sabay tawa.

Although second time na ni Maja na rumampa for F&H, aminado ang young actress na kabado pa rin siya.

"Sa sobrang kaba, nilabas ko na lang ang makakaya ko sa pagmo-model. Yung pagmo-modeling workshop ko dati, hayan, nagamit. At saka, iba po kasi kapag fashion show ng Folded & Hung, iba po talaga."

Napansin ng PEP na tila mas matured na Maja ang projection niya sa F&H ads at sa pagrampa niya. Yun nga ba ang gusto niya at ng clothing brand na i-project?

"Hindi naman po matured. Gusto lang nila kong gawing model. Fashionista. Kakaibang Maja. Kasi, kapag matured, paano ba? Pero ganoon po ang tawag nila, e."

Continue reading below ↓

May mga nagsasabing hindi raw halos makilala ang billboard ni Maja along Edsa.

"Actually, yun po ang ano nila, yung mapapahinto raw po palagi, yung magkaka-traffic daw po sa Edsa, yun daw po... Actually, may bago po akong billboard na naka-up na po sa may bandang Guadalupe."

Tatlo na silang female celebrity endorsers ng F &H, okey ba sa kanya yun?

"Ay, okey na okey po sa akin. Lalo na si Ate Claudine [Barretto], yung mga billboard niya, sa November, ia-up na.

"Iba yung feeling na sobra, grabe, as in! Ramdam na namin na si Ate Claudine, nagbalik na!"

AS FOR ANGEL. E, si Angel Locsin?

"Si Angel, siyempre. Naka-up nga po ang billboard niya."

Ano ba ang alam niya sa absence ni Angel sa fashion show nila?

"Nasa Sydney raw po...or may shooting. Basta may schedule, kaya po ang nangyari, gumawa siya ng parang commercial na ipinalabas po kanina," tukoy ni Maja sa VTR ni Angel na ipinakita at the start of fashion show.

Continue reading below ↓

Maja is being managed by STRAMMS. May balitang si Angel din daw, ima-manage na ng naturang management company headed by Ms. Malou Santos. Tinanong ng PEP kung may alam ba si Maja tungkol dito.

"Alam ko po, matagal na, di ba?" sabay tanong niya sa kasama para ikumpirma. "Alam ko po, under siya kay Tita Malou."

Pero sinenyasan si Maja ng kasama na hindi under ng STRAMMS si Angel.

"Ah, hindi ba sila? Ay, hindi ko po alam...

Kung sakali, okey lang bang makasama niya as co-talent si Angel?

"Kung sakali man? Opo naman, sa akin, walang problema. At saka sa ngayon, kasama ko naman po sa STRAMMS si Makisig Morales, si Jairus Aquino, si Charice Pempengco. Dati, kami ni Valerie Concpcion. So, okey lang po talaga."

MOON RIVER. Nabalita na ang pagsisimula nila ni Geoff Eigenmann ng taping para sa kanilang pagbibidahang serye sa ABS-CBN, ang Moon River, pero ano't tila walang masyadong balita sa naturang series nila at mukhang matatagalan pa yata bago ipalabas?

Continue reading below ↓

"Well, actually po, magre-resume na po kami ng taping sa November 12. Napanood na po kasi ng management, may ni-revise lang na mga scripts, pero, tuloy na po ulit ang taping.

"Kung kailan po ipapalabas, tingnan na lang po natin. Mahirap po kasing magsalita. Kung sasabihin ko po na next year na, tapos, hindi pa rin po pala. O kaya, sasabihin nila, ngayon na ‘to, ‘tapos, after next year pa pala ipapalabas, di ba?"

Kumusta naman sila ni Geoff?

"Okey naman po. Actually, dati pa naman po kaming close talaga. Ngayon lang po, mas lalo na nga lang po."

Nagkaka-text ba sila, lumalabas na magkasama?

"Hindi naman po, pero, text, oo po. Like noong nag-stop taping kami, nagkakamustahan lang."

GEOFF'S MISHAP. Naaksidente raw si Geoff sa taping nila?

"Yes! As in, yung eksenang yun, sobrang talak ako! ‘Tapos, biglang nakita ko po siya na napatalon sa motor, sabi ko, ‘Oh my God!' Takbo na ‘ko! Ang bilis-bilis kong tumakbo. Grabe po talaga! As in, after no'n, pack-up na siya agad. Grabe ang pasa niya, lalo na sa tuhod.

Continue reading below ↓

"E, first taping day pa lang niya. Ako, nakakatatlong taping na ‘ko, siya yung first day niya. So, first day na first day..."

Sinamahan niya ba ang aktor nang dalhin sa ospital?

"Hindi na po, kasi, parang... anong oras na, nakakailang sequences pa lang kami. So, kailangan kong maiwan kasi, meron naman kaming makukuhanan na wala siya."

Sulit naman ba ang paghihintay niya for Moon River?

"Lahat ng ginagawa ko, siyempre, sa akin po, trabaho...oo, worth it. Yung best ko po, talagang binibigay ko para yun nga, mapansin ng mga tao yung talent ko sa project na ito. At ibang Maja naman po ang mapapansin ng mga tao."

Dugtong pa niya, "At saka, worth it, kasi, parang sobrang ibang level kami ni Geoff. Pati si Ella [Cruz], parang ibang break ito na ibinigay sa amin ng ABS-CBN, yung trust din po kasi na ibinigay sa amin."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman po matured. Gusto lang nila kong gawing model. Fashionista. Kakaibang Maja. Kasi, kapag matured, paano ba? Pero ganoon po ang tawag nila, e," Maja Salvador says of her Folded & Hung billboards along E. delos Santos Avenue (EDSA).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results