PART II: Gabby Concepcion: "The day you give up is the day you lose. So, winner pa rin."

by Mell T. Navarro
Oct 27, 2008
"Alam n'yo, sa totoo lang, ngayon, naano ako sa pagdadasal. Nagpapasalamat. Humihingi ako ng tulong sa Diyos. Madalas kong ginagawa ngayon ‘yan," relates Gabby Concepcion. He says he now appreciates the things he used to take for granted in the past.

Nabanggit na rin lang ni Gabby Concepcion ang kanyang ama, kinumusta na rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung naka-recover na ba siya sa sakit na dulot ng pagkawala ng kanyang amang si Daddy Rollie Concepcion.

"'Andu'n pa rin yun, e, di mawawala yun... Kumbaga, siguro, nitong nagiging busy ako, natatanggal na lang yung lungkot. Kaya nga si Mom ko, takot na takot ako, kasi, pagkatumama na ang gabi, kahit na sino, pag nag-iisa na, malungkot.

"Kaya ngayon, may dinner ako kasama sila. Sasamahan ko siya bago ako mag-show, kasi alam ko, nag-iisa siya, e. Yun lang. Pero after a year, siguro, makaka-recover na siya. Normal naman yun kahit na kanino.

"Binigyan na kasi si Daddy ng three years lang talaga, e. Nalaman ko last year. Binigyan siya ng three years. Alam na namin... Kaya nag-usap-usap kaming magkakapatid. Sabi nga nila na, ‘You need to go home' because nga yung kay Dad.

Continue reading below ↓

"Kasi, si Dad, di na makakabiyahe, di na kaya ng puso niya because of the pressure. So, ‘ayun, pagdating ko, after six months, he left us na."

Gabby's dad died last September. Bumigay ang puso nito habang nakatigil ang sasakyan nito sa traffic. Buti na nga lang daw at nakatigil ang sasakyan nang bumigay ang puso nito at may kasama sa loob ng sasakyan.

Kinuwento ni Gabby sa PEP na in denial nga raw sila nung malaman nila ang kundisyon ng kanilang padre de pamilya at may taning pa ang buhay. Hindi na rin kasi puwede pang operahan si Daddy Rollie dahil sa delikado nang kundisyon ng mga arteries at ang mismong puso nito.

"So, sabi niya, ‘wag na, sabi niya, he just wanted to live a quality life," madamdaming pahayag pa ni Gabby tungkol sa namayapang ama.

"NO COMMENT" ON ROSE FLAMINIANO. Siyempre pa, hindi maiiwasang hindi tanungin kay Gabby si Mommy Rose Flaminiano.

Continue reading below ↓

"'Wag na... No comment na lang ako diyan," simulang pakiusap ni Gabo. "Kasi, I'm only focusing with the... Kasi, wala na akong dapat na intriga, e, kasi, intriga is always present... May sabihin man ako o wala, may gumano'n o hindi, walang effect."

Sa ngayon daw dahil hindi sila in good terms ni Mommy Rose, sinusundan na lang daw niya yung mga napirmahan niyang kontrata at schedules. So, basta ba, hindi work-related o walang totoong talent fee involved, okey lang ba yun sa set-up nila ni Mommy Rose?

"Basta ako, magtatrabaho lang ako. Walang personalan o kung anuman. Sa akin, trabaho, trabaho lang. Kung meron mang, ahm...tawag dito, tulad niyang mga naririnig natin, pero... Naku, mahirap nang magsalita, e!

"Hindi pa kasi... Alam n'yo naman yung TRO [temporary restraining order]. di pa na-grant...

Matatandaang sinampahan ng TRO si Gabby at ang attorney nito noon na si Raymond Fortun ni Mrs. Flaminiano, ngunit na-junk ito ng korte. Ganun na lang ang pasasalamat ni Gabby at pagsasabing hindi naman talaga dapat siyang sampahan ng TRO.

Continue reading below ↓

"So, bakit ako pipigilang magtrabaho? Kawawa naman yung mga anak ko! Kailangan ko rin silang pakainin. Kailangan ko ring mabuhay. Ano'ng gagawin ko dito sa Pilipinas kung hindi ako magtatrabaho? E, hindi inano yung TRO, kasi, alam rin nilang kailangan ko ring magtrabaho. At saka, kung anuman yung commission niya, naka-set aside yun! Hindi ko naman binabale-wala yun."

"Nakaano yun... pag nagkaroon ng kuwentahan, ‘Sige, no problem!' In good faith, nandoon lang yun."

Direkta sa isang escrow account o neutral bank account, as ordered by the court, ang komisyon para kay Mrs. Flaminiano. Kung papabor ang korte kay Mrs. Flaminiano sa kaso nito with Gabby, ita-transfer ang nakalagak na komisyon na nasa escrow account sa bank account ni Mrs. Flaminiano.

Sa ngayon daw, kapag may mga bagong offers or deals naman daw, ang abogado niya na muna ang nakikipag-negotiate at hindi siya pumipirma hangga't walang go-signal ng kanyang abogado.

Looking back, totoo bang ang puno't dulo ng gulong ito ay isang halaga ng pera na diumano'y hinahabol niya daw sa nakaaway na manager? Na ito'y may kinalaman diumano sa komisyon ni Mommy Rose sa kanyang mga live shows?

Continue reading below ↓

"Walang katotohan ‘yan, ngayon ko lang narinig ‘yan. Alam mo, darating din ang panahon, pag natapos ang lahat ng ito, ipapakita ko sa inyo lahat. Kayo na ang maghusga."

May documents din kasing pinanghahawakan diumano ang manager.

"Hindi na bale, kasi, ‘yon... The truth will prevail. The truth will come out! Nangyari na ‘yan sa buhay ko. So, mangyayari uli ‘yan. At handa akong harapin ‘yon.

"Kasi, kung kasalanan ko... Alam ko, inaamin ko, sa mga past na relasyon ko, kung ako ang may kasalanan, inaamin ko. Open naman ang libro ko, e. Pero hindi ko papalampasin ang isang bagay na alam kong mali. Tuloy ang katotohanan.

"Hindi naman ako masyadong nagsasalita, e. Alam n'yo naman ‘yan. Basta I know the truth, I'm doing the right thing, ‘tsaka ako, lahat ng commitments ko, sinisipot ko. Mga previous commitments, wala akong pinapalampas na kahit na isa."

"NOT FOR ME." Hiningan din ng comment si Gabby sa latest na mga reklamong iniharap laban sa kanyang manager nina Aster Amoyo, Ara Mina, Aubrey Miles at Maui Taylor.

Continue reading below ↓

"Wala naman ako dun, e... Hindi ko problema yun! That does not involve me... Yung sa akin, yung mga intriga sa akin, hindi ko alam kung saan nanggagaling, e. Hindi ko maintindihan. Hindi ko talaga alam.

"Pero I believe, na all of this has a reason, e. It's not for me. Sabi nga ng Dad ko, yung mga nangyayari sa buhay ko, hindi para sa akin. Ako lang, nagiging instrument lang ako. Kasi, totoo yun, e. Ako, naniniwala na the Lord has plans for me. Kasi noon, I want to become a pilot, I wanted to! That was my desire. I also wanted to become a dentist, pero hindi ibinigay ni Lord dahil color blind ako, e. Talagang hindi ibibigay.

"Pero yung hindi ko pinangarap na maging artista, kung ano pa man din yung hindi ko pinangarap, binigay sa akin. Kita mo nga, di ko pinangarap na maging singer, pero pagkatapos kong bumalik dito, nangyari! Ha-ha-ha!"

Continue reading below ↓

Naaalala nga raw niya yung words of encouragement ng daddy niya noon sa kanya.

"‘Nandidiyan ka na rin lang, galingan mo na.' Kaya nung nag-real estate agent ako, ginalingan ko! Ha-ha-ha!

"Lahat naman ng ginagawa ko, ginagalingan ko. Pero, of course, hindi naman ako perfect. May mga bagay na hindi rin ako nagsa-succeed. Hindi nga lang siguro napapanahon."

GABBY'S FAITH. Saan siya kumukuha ng lakas sa mga bagyong ito sa kanyang buhay ngayon?

"Naku, alam nyo, sa totoo lang, ngayon, naano ako sa pagdadasal. Nagpapasalamat. Humihingi ako ng tulong sa Diyos. Madalas kong ginagawa ngayon ‘yan.

"Noong araw, aaminin ko, hindi ako masyado close kay Lord. Pero nung napadpad ako sa Amerika, sabi ng Lord, ‘It's time for you to reflect.' So, pahinga muna. Kaya, ‘eto na yun. I went back.

"Nag-Born Again [Christian] ako, pero mas ano sa akin yung pagiging Catholic, e. Dahil my family is Catholic. Okey lang, there is only one God."

Continue reading below ↓

Mas lumalim ba ang kanyang faith dahil sa mga intriga?

"Oo! Nung araw, nawawala na nga yung faith ko kay Lord, e. Kasi, siyempre, ‘Ano na ba'ng nangyari sa akin?' Pero bumalik ‘yon, di ako sumuko. Kasi, the day you give up is the day you lose. So, winner pa rin.

"E, sa Amerika, ano lang tayo, e. Nag-strive lang tayo, e. Ang mga Pilipino, gano'n naman talaga, e. Doon ka mate-test, e. Ibinagsak ka sa isang lugar na wala kang natapos, wala kang abilidad. ‘Siya ay isang artista lang... pero ang artistang yun ay nag-survive!' Di ba?

"Naging broker ako at naging successful ako sa field na yun. Naging religious ako. In anything, yun ang triumph ko, e. Natuto akong magmahal ng nakaraan. Kasi, nung araw, you take it for granted, e.

"'Tapos, yung mga prinsipyo mo, nagbago lahat yun. Yung pagpanaw mo sa career mo... yung mga tao... Nagbago lahat yun. Basta, iisipin mo kasi, ‘Bakit ba ako mahal na mahal ng mga taong ito, e, ni hindi ko naman sila kaanu-ano?'

Continue reading below ↓

"Ang mga fans mo ang naglagay sa ‘yo diyan, kaya ka ‘andiyan, yun ‘yon, e. Kasi, maraming tao ang galit sa ‘yo, marami kang detractors for whatever reason there is. E, hindi mo na maiintindihan yun. Whether mag-explain ka or hindi... Kasi, may mga taong kahit na anong lambing mo o kahit na anong pakiusap ang gawin mo, wala. Basta, may pader."

Ipinarating ng PEP kay Gabby na sa Internet blogs and sites, maraming mga fans pa rin ang nagsasabi ng maganda tungkol sa kanya at ipinagtatanggol siya always.

"Yeah, I know... And it doesn't have to be writers, e. Kahit nga yung ordinaryong tao. Di ba, sa opisina, nangyayari yun? ‘Ewan ko ba kung bakit hindi ko gusto ang taong ‘yan?!' Basta hindi lang gusto. So, ngayon, doon ako nagpapasalamat kung bakit wala naman akong ginawa, pero kabaligtaran naman."

RECONCILATION? Diretsahang tinanong ng PEP si Gabby: May chance pa ba ang reconciliation sa pagitan nila ni Mommy Rose, bilang talent and manager?

Continue reading below ↓

"Well, ako naman, I can always forgive, but I can never forget!" diretso ring tugon ni Gabo. "I don't think anybody can forget, you know. Kasi, puwede namang magbago ang pag-iisip natin tungkol sa mga bagay na dumarating sa atin, and you can always understand... Pero you can never forget.

"Intidihin mo na lang, dahil you're a Catholic person, or a human being. Hindi naman tayo Diyos para manghusga... Wala kang magagawa, e. Gano'n talaga."

So, kumbaga, hindi niya isinasara ang pintuan niya for Mommy Rose?

"Bukas naman ang libro ko, e. Bukas naman ang buhay ko sa publiko. Open naman ako sa conversations or kahit na ano. Pero there comes a point na kung minsan, hindi na rin nadadaan sa pakiusap. Hindi na nadadaan dun.

"Kahit na ilang beses pa kayong magkita. Mas maganda pa nga siguro yung time, e. Yung meron kayong space. That's what you need. Yun ang kailangan ko ngayon.

Continue reading below ↓

"Kahit ang mga magkakaibigan, kailangan din ng space. Mga magkakamag-anak. Minsan, nagkakatampuhan."

Pero ang paghingi niya raw ng space doesn't mean ang paglayo naman sa mga taong gustong makita siya sa mga shows at iba pang pagtitipon, tulad nga ng pagdating niya sa birthday party ni Boy.

"Pero in between that space, ‘andiyan yung trabaho pa rin, ‘andiyan pa rin yung hindi naman tayo nakakasakit ng tao.

"Sila ang may gusto sa ‘yo, e. Sila ang may gusto sa ‘yong gumawa nito. Sila ang may gustong makita ka nila sa gano'n. Gusto ka nilang magkaroon ka ng ganitong show. Why will you prevent them in seeing you, di ba?

"Why will I stop myself from invitations? Parang lumalabas naman na parang isnabero ako or parang, hindi ka man lang makipaghalubilo sa mga tao. Na parang, ‘Bakit ka magtatago?' ‘Tsaka, gusto ka nilang makita, e. Why will you stop that?" seryosong pagtatapos ni Gabby.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam n'yo, sa totoo lang, ngayon, naano ako sa pagdadasal. Nagpapasalamat. Humihingi ako ng tulong sa Diyos. Madalas kong ginagawa ngayon ‘yan," relates Gabby Concepcion. He says he now appreciates the things he used to take for granted in the past.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results