Billy Crawford drives fast on career lane but slowly in rumored link with Nikki Gil

by Rose Garcia
Nov 7, 2008
"Well, alam n'yo naman dito sa Pilipinas, mahirap manligaw ang mga lalaki, mga old school ang mga babae rito. Nililigawan ang mga babae, matagal ‘yan. So, whatever happens, happens for a reason. Masaya ako, at yun lang ang masasabi ko. Masaya ako sa ngayon," says Billy Crawford.


Isa si Billy Crawford sa mga nag-perform sa concert na MYX Mo! kagabi, November 6, sa open field ng SM Mall of Asia. Ang concert ay nagsilbing tribute ng MYX music channel sa Original Pilipino Music (OPM).

Ayon kay Billy, ang chance na makapag-perform sa gano'ng event ang ayaw niyang palampasin.

"Magtatampo na nga sana ako nang sabi nila, hindi ako magpe-perform dito!" sabay tawa ni Billy nang makausap siya ng PEP. "It's really an opportunity talaga for me na inimbita ako ng MYX. Talagang nagpapasalamat din ako sa MYX na binigyan ako ng opportunity, na ibinalik ko lahat dito."

"Sana, next time naman concert!" natatawa niyang hirit.

May plano ba na magkaroon siya ng solo concert?

"Sure! Sure, may plano. Kaya lang, tawagan ko rin muna ang manager ko dun [sa States] at tanungin ko rin kung ano ang mangyayari," aniya.

Ni-remind namin kay Billy na noong dumating siya at lumpiat siya sa ABS-CBN, isa sa nabanggit na projects niya, along with Pinoy Dream Academy and ASAP, ay ang pagkakaroon niya ng concert. Ano na ang nangyari rito?

Continue reading below ↓

"Magkakaroon siguro by February," sabi niya. "Medyo mahirap ngayon kasi ang dami rin taong may concert. At sabi ko nga, sina Rihanna, sina Christian Bautista, Gary Valenciano, Sarah Geronimo... Sarap din to be backstage at ma-inspire din ako sa mga performances nila. So, sobrang happy ako na medyo na-push back ng konti. Matatagalan ng konti ng stay ako rito [sa Pilipinas]."

FLYING BACK AND FORTH. Si Billy na rin mismo ang nagsabi na pabalik-balik na raw siya sa Pilipinas at sa ibang bansa to pursue his singing career here in the Philippines at sa international music scene.

"Mahal ko talaga ang Pilipinas, e. Ayokong pakawalan. Ngayon pa, ngayon pa na nakita ko naman ang mga reaction ng mga tao. Hindi naman ako binato ng mga bote, so medyo masaya rin ang pakiramdam ko, di ba?" natatawang biro niya.

Ngayong mas matagal na siya sa Pilipinas, ibig bang sabihin nito ay magko-concentrate na siya sa career niya rito sa bansa?

Continue reading below ↓

"Actually, inaalagaan ko muna si Daddy [his American father]. Kasi, nandoon siya sa Texas, nagpapa-treatment siya. Pero after dun, gusto kong bumalik siya rito. Gusto rin niya rito na mag-retire. Medyo matanda na ang tatay ko, e. So, I wanna spend as much time with my father na.

"Ang tatay ko talaga ang may gusto na dito [sa Pilipinas] siya mag-stay. Seventeen years siya rito bago pa ko ipanganak. Ipinanganak ako, umalis ako ng 12, dumating ako, nandito siya. So, gusto niya talagang bumalik dito. There's no place like home. Wala namang katulad ng Pilipinas," lahad ni Billy.

Pero paano ang career niya abroad?

"Well, it's only a plane ticket away," sagot niya. "All texts lang naman ‘yan, so I'll be spending time kung meron pa. Actually, meron. Pupunta ako ng Miami [Florida], may mga meetings ako. Everything, if God willing, mag-push through lahat, by next year siguro pabalik-balik na ako."

Continue reading below ↓

Kailan lang daw ay umalis siya para pa rin sa patuloy na pagre-record ng album niya doon. We asked him kung bakit ang tagal yata ng recording niya?

"Ganun naman kasi sa States," paliwanag ni Billy. "Of course, hindi naman ako Justin Timberlake. Hindi naman ako Janet Jackson na tawagan ko lang ang mga tao na, ‘Hey, lalabas ang album ko next week!' puwede yun.

"Of course, naghihirap pa rin ang mga tao at saka ang industriya ngayon, medyo wish washing ngayon ang industriya ng music. Sana ma-inspire kaming lahat at lahat naman makisama. Stop downloading music on the Internet. Suportahan naman natin ang isa't isa."

Aware ba siya sa iniisp ng ilan na kaya siya nag-i-stay rito sa Pilipinas ay dahil hindi na ganoon kainit ang career niya abroad?

"Hindi naman, e," sabi ni Billy. "If there's a will, there's a way. May pagkakataon ‘yan. No rush! Bata pa po ako. Marami pa po akong pangarap. Marami pa akong gustong gawin sa buhay at si Lord na lang ang bahala, actually. Nagdarasal ako araw-araw at Siya na po ang bahala whether behind the scene, over the scene, yun lang po. Pero looking good naman po ngayon."

Continue reading below ↓

HAPPY WITH NIKKI. Nali-link naman ngayon si Billy sa singer na si Nikki Gil. Ano nga ba ang namamagitan sa kanilang dalawa?

"A, tingnan na lang natin... Ipinagdarasal ko na lang kung makita ko ang true love ko, makikita ko. So, just take it slow. Dahan-dahan lang. Bata pa po ako. Bata pa po kaming dalawa. So we're enjoying each other's company," sabi ni Billy.

Pero sila na ba or nagliligawan pa rin?

"Well, alam n'yo naman dito sa Pilipinas, mahirap manligaw ang mga lalaki, mga old school ang mga babae rito. Nililigawan ang mga babae, matagal ‘yan. So, whatever happens, happens for a reason. Masaya ako, at yun lang ang masasabi ko. Masaya ako sa ngayon," maingat na sabi ni Billy.

Masaya sila sa isa't isa?

"Oo naman!" diin niya.

Read Next
Read More Stories About
Billy Crawford, Nikki Gil
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Well, alam n'yo naman dito sa Pilipinas, mahirap manligaw ang mga lalaki, mga old school ang mga babae rito. Nililigawan ang mga babae, matagal ‘yan. So, whatever happens, happens for a reason. Masaya ako, at yun lang ang masasabi ko. Masaya ako sa ngayon," says Billy Crawford.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results