Lovi Poe plays a liberated 16-year-old in "Walang Hanggang Paalam"

by Archie de Calma
Nov 9, 2008
"It's really a different Lovi na mapapanood nila sa movie. Sixteen years old lang yung character, pero may pagka-liberated at rebelde kaya kailangang mai-project ko yun nang tama," says Lovi Poe about her character in the indie movie Walang Hanggang Paalam.

In love na in love daw ngayon si Lovi Poe, pero magkaganoon man, nakatutok ang young actress sa kanyang career. Patuloy na nagtatrabaho si Lovi, despite her alleged romance with Jolo Revilla.

"Let's just put it this way. I just want to be happy. Kung iisipin ko palagi yung negative side, yung sinasabi nilang consequences na wala pa naman, I would never be happy. I owe it to myself naman.

"Sana, maintindihan din ako ng mga nagmamalasakit sa akin. I don't want to offend them. Kaya kung ano ang tama, kung ano ang pangaral nila sa akin, hindi ko kinakalimutan yun. It's still important, pero gusto ko lang talagang maging masaya, and I must admit, if I'm with Jolo, masaya ako," sabi pa ni Lovi sa panayam niya with PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kaya nga nagbu-bloom nang husto si Lovi kahit umiiwas na itong mag-dwell into more details sa sinasabing relasyon nila ni Jolo.

Continue reading below ↓

WHAT YOU SEE IS... Pero, ano ang reaction ni Jolo sa pakikipag-kissing scene niya with Joem Bascon sa indie film na Walang Hanggang Paalam, na dinirek ni Paolo Villaluna, and which also stars Jacky Woo?

"Wala," sabi pa ni Lovi. "Natawa lang siya, when I told him. Kasi, career ko naman ito. Alam niya kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko at gagawin ko kung ano ang nararapat, Out na ang personal doon, di ba?

"Basta, yung sa amin ni Jolo, what you see is what you get. Kung hindi man kami nakikitang magkasama ngayon, it's because busy kami sa kanya-kanyang buhay. Hindi naman totoong lahat ng oras namin, we just spend with each other.

"We're really very close friends. This is something so nice that we can't afford to just waste. Hindi naman porke ayaw ng marami sa amin, hindi na kami magiging close, hindi na kami friends. Huwag namang ganoon," nangingiting pahayag ng young actress.

Continue reading below ↓

Natutuwa naman si Lovi dahil very professional si Joem nang kunan ang kissing scenes nila sa pelikula.

"Siya pa nga yung naiilang noong una. Sabi ko kasi, magsuportahan kami para mas lalong gumanda ang performances namin, para na rin sa ikagaganda ng movie, di ba? Alam ni Joem kung ano ang dapat gawin, kaya nagkasundo agad kami.

"Sa set, we never had a problem. Walang naging problema sa kissing scene, kasi, kailangan talaga. We're supposed to be lovers na nag-elope sa istorya, and we have to show also na kahit paano, sexually, may nangyari na sa amin, although hindi na kailangang graphic pa yun.

"It's really a different Lovi na mapapanood nila sa movie. Sixteen years old lang yung character, pero may pagka-liberated at rebelde kaya kailangang mai-project ko yun nang tama," nasabi na lang ni Lovi.

BAN ON JOLO. Natapos ang pelikula na sinasabing banned daw si Jolo sa set.

Continue reading below ↓

"There was one instance na may lakad kami, sinundo niya ako, pero patapos na yung shoot kaya nobody can accuse him of nagbabantay sa set," depensa ni Lovi.

"Naiintindihan na namin ni Jolo ang dapat gawin. Kaya lang, kung minsan, nagkakataon lang na napapapunta siya sa lugar na naroroon ako, not just basically because of me. Mayroon siyang kakausapin, convenient na naroroon din ako, kaya ganoon.

"Pero, as much as possible, iniiwasan namin ang ganoong situwasyon dahil iba ang interpretation ng iba. But, just the same, we're not that bothered. Wala naman kaming ginagawang masama ni Jolo," at napangiti na lang si Lovi.

No big deal para kay Lovi ang kissing scenes with her leading men. Sa panahon ngayon, bihira na ang super-pa-tweetums na young stars na hindi gumagawa ng ganoon, even on TV.

"You can still do that na wholesome pa rin ang projection mo," sabi pa ni Lovi. "Iba na ang panahon ngayon. I did kissing scenes na before with Marky Cielo, at kami na naman ang magkapareha sa La Lola ngayon, and if ever na kailangan ang eksenang ganoon, walang problema roon.

Continue reading below ↓

"Trabaho lang 'yan para sa amin. I don't see any reason para pagsabihan ako ni Jolo on what and what not to do. Alam ko naman ang limitasyon ko. At pagdating nga sa career ko, I don't think na mayroong dapat sabihin si Jolo roon, the same way na ilalagay ko rin sa lugar ang sarili ko, kung ire-require sa kanya to kiss his leading ladies," paliwanag na lang ni Lovi.

OK WITH MOM. Nilinaw rin ni Lovi na okey ang relasyon nila ng ina niyang si Rowena Moran. Naroroon pa rin ang usual na paalala ng isang ina sa kanya.

"We just went through a phase, I guess," ani Lovi. "Normal lang yun, but slowly, pinapaintindi ko rin sa kanya na I'm a responsible daughter. Kung anuman ang apprehension niya, I make sure na I'm taking care of myself, at ayoko ring ma-disappoint siya sa akin.

"Kami na lang ang nagkakaintindihan at nag-uusap pagdating sa bagay na yun. We're definitely okay," pagwawakas ni Lovi.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe, Jolo Revilla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's really a different Lovi na mapapanood nila sa movie. Sixteen years old lang yung character, pero may pagka-liberated at rebelde kaya kailangang mai-project ko yun nang tama," says Lovi Poe about her character in the indie movie Walang Hanggang Paalam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results