Roxanne Guinoo says Carlo Aquino is not courting her

by Melba R. Llanera
Nov 10, 2008
"Siguro kung sinuman ang manligaw sa akin, this time ayoko munang i-publicize or kung anuman. But sa ngayon, wala talaga. Marami akong kaibigan at kasamang party people ngayon, pero yun lang," says Roxanne Guinoo.


After two failed relationships—with Joross Gamboa and with Jake Cuenca—at sa sunud-sunod na kontrobersiyang pinagdaanan niya dahil sa mga relasyong ito, sinabi ni Roxanne Guinoo hindi na muna siya papasok sa panibagong relasyon. Ipu-focus muna raw niya ang oras at atensiyon sa kanyang showbiz career.

Tila umakma naman kay Roxanne ang kasabihang kapag suwerte ka sa iyong career ay malas ka naman sa iyong lovelife and vice-versa.

NEW SUITOR. Pero may balitang lumabas na may bagong manililigaw ngayon si Roxanne sa katauhan ni Carlo Aquino. Ayon pa sa report, madalas daw bumisita noon si Carlo sa set ng dating soap opera ni Roxanne sa ABS-CBN, Ligaw na Bulaklak.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Roxanne, tinanong namin siya kung may pag-asa ba sa kanya si Carlo. Ito ay sa kabila ng paulit-ulit niyang pahayag dati na isasarado na muna niya ang kanyang puso sa bagong pag-ibig.

"Siyempre, huwag muna," sagot ni Roxanne. "Hindi naman naging ganun kadali yung mga nangyari, di ba? Sa trabaho, sa mga personal issues ko, sa family issues, lahat ng mga issues ko sa buhay, ayokong madaliin ang lahat ng mga bagay-bagay."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay naman na interview ng PEP kay Maja Salvador, sa pictorial ng Moon River, inamin ng aktres na nakapag-usap na sila ni Roxanne tungkol sa panliligaw raw ni Carlo kay Roxanne. Sinabi ni Maja na walang problema sa kanya dahil hindi naman sila naging mag-boyfriend ng aktor.

Nang tanungin namin tungkol dito si Roxanne, nilinaw niya na hindi naman talaga nanlililigaw sa kanya si Carlo.

Ani Roxanne, "Wala pa naman nangggaling kay Carlo na manliligaw siya, so hindi ko pinangungunahan yung plano nung tao o ano pa man. Basta kami, nag-e-enjoy lang kami. Ngayon nga, medyo bihira na kaming magkita. Once in a while, nagkaka-textan kami. Pero yun lang yun.

"Pumupunta siya before sa bahay, gaya din ng ibang group of friends ko. Nandun sila sa bahay, yun ang favorite nilang tambayan," kuwento ni Roxanne.

Gaya ng sinabi ni Carlo sa interview sa kanya, may common friend sila ni Roxanne na naging susi para makilala nila ang isa't isa.

Continue reading below ↓

"Si Carlo, na-meet ko dahil sa assistant director namin sa Ligaw na Bulaklak," lahad ng dalaga. "Lumalabas kami in group, pero hindi ko rin naman kinu-consider na date yun kasi nag-e-enjoy lang kami sa company ng isa't isa. Ako kasi, hindi pa ako ready sa date-date na ‘yan."

Dagdag niya, "Siguro kung sinuman ang manligaw sa akin, this time ayoko munang i-publicize or kung anuman. But sa ngayon, wala talaga. Marami akong kaibigan at kasamang party people ngayon, pero yun lang."

CONFRONTATION IN GUAM. Kumusta naman siya pagkatapos lumabas ang kumprontasyon diumano nila ni Jake sa Guam? Sa mga naglabasan kasing reports ay si Roxanne ang lumalabas na gumawa ng eksena nang mag-show sa Guam ang grupo ng ASAP '08 noong October 11. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Roxanne at Jake kung ano talaga ang nangyari.

"Okey naman ako," sambit ng aktres. "Lahat ng mga nangyayari at pinagdaanan ko, ayoko munang isipin. Sanay na ako. Ako naman kasi, naniniwala ako, at the end of the day, makiki-clear out din ang lahat ng mga issues. Babalik naman sa iyo ang good karma at lalabas din ang totoo.

Continue reading below ↓

"Hindi ako nagsasalita kasi nirerespeto ko yung tao, nirerespeto ko si Jake. Yun lang. Siya rin naman, ayaw niya ring magsalita kasi nga, gaya ng sinasabi ko, issue namin itong dalawa."

Consistent din si Roxanne sa pagsasabing out sa picture si Bea Alonzo, na noon pa ay sinasabing ipinalit sa kanya ni Jake.

"Ako, wala akong issue with Bea. Yun lang ang gusto kong i-clear," diin niya. "Gaya ng sinasabi ko, anumang issue before with Bea and Jake, sinabi ko kay Bea na out na ako sa picture. Iba yung sa amin ni Jake, iba yung sa kanila. Kung anuman ang issue ngayon, issue namin yun ni Jake. Kung mayroon mang dapat mag-settle nun, kaming dalawa lang. Hindi pa siguro panahon ngayon, pero darating din yung time."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro kung sinuman ang manligaw sa akin, this time ayoko munang i-publicize or kung anuman. But sa ngayon, wala talaga. Marami akong kaibigan at kasamang party people ngayon, pero yun lang," says Roxanne Guinoo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results