Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Sharon Cuneta offers reward for evidence that Kiko has other woman and kids

by Rey Pumaloy
Nov 14, 2008
"Kung may babae si Kiko, will I take it? I did not leave my first husband [Gabby Concepcion] para magtiis. I'd rather live alone. Wala nga akong kapera-pera noon, kinaya kong mabuhay kami ni KC lang. Ngayon pang nakaipon na ako at trenta anyos na ako sa showbiz?" says Sharon Cuneta.

Kahit lumamlam na ang "hiwalayan issue" kina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan, may hatid pa ring inis sa Megastar ang napabalitang may kerida at mga anak diumano sa ibang babae ng senador. Ito rin daw ang dahilan ng biglaang paglipad ng aktres sa Hong Kong para magpalipas ng sama ng loob.

Ayaw na sanang pag-usapan ni Sharon ang tungkol dito kaya umiiwas siyang magpa-interview sa press. Pero hindi pa rin niya mapigilan na maglabas ng kanyang saloobin tungkol sa naturang intriga, sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa last shooting day ng Iskul Bukol...After 20 Years.

Special guest ang Megastar sa nasabing movie, na magsisilbing reunion movie nina Tito, Vic & Joey. Matatandaang sa original Iskul Bukol sitcom ay gumanap si Sharon bilang nag-iisang kapatid na babae ng Eskalera brothers na sina Tito at Joey.

Paliwanag ni Sharon, "Kasi naiinis ako yung mga lumabas na, alam mo na, yung mga intriga nung huli na medyo OA. Ang dami kasing nagdudunung-dunungan. Yun na lang sabihin ko na isang bagay naman na normal na nangyayari, parang pinalaki. Actually, gusto ko ngang magbigay ng prize!

Continue reading below ↓

"Seven years nang senador ang asawa ko. Wala nang sinabi ang mga tao kundi merong babae, may pamilya na... Itong age na ito, meron nang MMS, SMS, may Internet... Bakit naman kung mayaman kang kalaban ni Kiko sa pulitika, o kahit hindi ka mayaman, basta't marami kang resources, di ba? Yung parang ang dali-daling ipahanap kung meron.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Nakakatawa, kasi napagod ako sa kakaintriga sa akin. Tingnan mo, I'm not even touching the actual subject. Kasi ang feeling ko, gagawa sila ng mga... Alam mo, yung tipong lampas sa langit na yung mga imbento na sobrang dagdag, tapos nanganganak pa, di ba?

"Gagawa sila ng ganon, tapos ang nakakatawa, lalapit sila sa iyo para mag-interview. Bakit ko lilinawin yung isinulat ninyo? Ang labo ninyo! Feeling ko, pakitapos na lang para mabasa ko naman yung ending. So, basta, nakakainis! Kaya umalis ako, napagod ako.

"Parang I just realized, dyusko naman, parang 30 years in the business, siguro naman I've earned already a little... Parang sabi ko, dapat graduate na ako doon. Siguro, I've earned a little, kahit a little man lang respect, na parang hindi na ako dapat ginagawan ng istorya. Tapos ako yung maglilinaw ng hindi ko naman ginawa, di ba? Nakakaloka!

Continue reading below ↓

"Na-realize ko ‘yan. Parang, teka muna, masyado naman akong nice sa ibang tao na parang lalapit, 'O, okey ‘tong mga ito, a!'" mahabang lahad ng Megastar.

WILLING TO GIVE A REWARD. Sa pulitika raw, hindi sa showbiz, nagsimula ang balita tungkol sa pagkakaroon ng babae at ibang mga anak ni Senator Pangilinan. Bagay na ipinagtataka ni Sharon.

"Kasi ang bilis, e," sabi ni Sharon. "Sa showbiz naman kasi... Dysuko naman, Rey, buhay ng isang mag-asawa... I mean, we've been married for 12 years, together 14 [years], di ba? Sa buhay ng mag-asawa, talagang may nangyayaring hindi pagkakaunawaan, away, LQ [lovers' quarrel]. Some, mas matindi sa iba.

"Pero parang ang feeling ko, bakit agad-agad? Kunyari, nag-away kayo, hindi yata't napakabilis na agad na naikalat? Na never na nangyari ‘yon sa 12 years na pagsasama namin. So, siyempre, ang feeling ko lang, people know that Kiko's strength, first and foremost, is his family, e. So, lagi kami doon tinitira, e.

Continue reading below ↓

"Yung lang, I don't wanna talk about what happened. Kasi it was really... Dyusko, 12 years! Ilang beses nag-aaway ang mag-asawa? Katakataka naman na na-single out, kunyari ‘etong panahon na ito, aba naman, may nanganganak, may nadagdag, babae na!

"Please, tell me the truth, tell me what you think? Kung may babae si Kiko, will I take it? I did not leave my first husband [Gabby Concepcion] para magtiis. I'd rather live alone. Wala nga akong kapera-pera noon, kinaya kong mabuhay kami ni KC [Concepcion, Sharon's eldest daughter] lang. Ngayon pang nakaipon na ako at trenta anyos na ako sa showbiz?

"Di ba, parang ini-insist nila? Humihingi ako ng pruweba, kahit five to ten million cash, ipabibigay ko doon sa tao. Nakakairita! Pengeng ebidensiya! Sige, isasanla ko asawa ko, magbibigay ako ng cash!" tawa ni Sharon.

"Sa totoo lang, you know, I'm transparent," seryoso na niyang sabi. "Even if I smile, you see me being lonely, and you'll se me lonely and angry if something like that serious, you know, something I was going through."

Continue reading below ↓

Sabi namin kay Sharon, sa tuwing nakikita sila ni Kiko, palagi siyang masaya. Madalas pa nga niyang binibiro at nilalambing ang asawa, kahit sa harap ng press at ng iba tao. Maging sa kanyang concerts ay binibiro niya palagi si Kiko.

"Lagi nga, e, and up to now," sabi ni Sharon. "Eto nga, di ba, we went on a cruise. Seven days kami sa [Caribbean] cruise. Two weeks kaming wala. Bale ten days lang kaming wala dahil two days yung lipad namin.

"Basta, gusto kong mag-reward para lang matapos na, patayin mo na yung rumors. Basta magbibigay ako ng reward. Penge naman [ng ebidensiya]! Ang tagal, di ba?" hamon ng Megastar.

Kahit nangingiti si Sharon ay nasa himig niya ang kaseryosohang magbibigay ng reward sa makapagpapatunay na may babae nga at ibang mga anak ang mister niya.

ISKUL BUKOL, THE REUNION. Masaya at excited naman ang Megastar sa kanyang guest appearance sa Iskul Bukol...After 20 Years, na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Sa pagkakaaalam namin, pag nadadagdagan ang timbang ni Sharon ay ayaw nitong lumabas sa kahit na anong pelikula. Ipinagpaliban muna nga niya ang pag-uumpisa ng sarili niyang movie para makapag-diet muna. Pero hindi niya matanggihan ang offer na mapasama sa Iskul Bukol kahit sa last shooting day man lang.

"Remember the Channel 13 days of Iskul Bukol?" tanong ni Sharon. "I was the sister of Uncle Tito at Uncle Joey, so ako si Sharon Eskalera. Panahon ng ‘Maputi... ["Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," Sharon's song].

"So, parang siyempre, I'm not really in movie-making form now. Obviously, I never expected na they were shooting a movie na I would really like to be a part of. Parang it's nice to celebrate the TV series with the special movie and pang-filmfest pa. Tapos, alangan naman na wala ako?

"Bahala na, mag-e-enjoy na lang kaming lahat. Gusto ko lang mag-enjoy at mag-enjoy ang audience na hindi nila iniisip kung ano ang dapat na hitsura ko dito, na kapatid nina Joey at Tito Eskalera," saad niya.

Continue reading below ↓

Na-excite daw agad si Sharon nang malamang kasama siya sa pelikula.

"Ay, right away!" bulalas niya. "Eksakto naman na okey ako sa shooting. Today lang ako, kunwari graduation day lang."

Ayon kay Sharon, "Napakasarap na gawin yung show na super na nagre-rate noong araw at may loyal following. Those who really follow the show every week sa Channel 13, meron silang mga fondest memories habang the show was going on, na they can relive those while watching this. And at the same time, it's nice that we're introducing the whole Iskul Bukol world doon sa bagong henerasyon. Na-excite lang ako, ganon.

"Saka ang sarap kasi na parang kung may show noong araw na nagustuhan mo noong bata ka, parang nagiging part ng buhay mo na. God, how old was I then? Fourteen lang yata. It was like a year or two after I started singing lang. So, mga 1980 lang, '79 to '80 ako naging part ng Iskul... Nagge-guest ako," pagbabalik-tanaw ni Sharon.

Continue reading below ↓

Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung may babae si Kiko, will I take it? I did not leave my first husband [Gabby Concepcion] para magtiis. I'd rather live alone. Wala nga akong kapera-pera noon, kinaya kong mabuhay kami ni KC lang. Ngayon pang nakaipon na ako at trenta anyos na ako sa showbiz?" says Sharon Cuneta.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results