Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Iwa Moto's father approves of her boyfriend

by Eric Borromeo
Nov 16, 2008
"Oo naman. Ayaw lang ng papa ko do'n sa boyfriend nung kapatid ko. Ayaw niya raw, Korean, e. Sabi niya, ‘Huwag ‘yan. Huwag ‘yan, kaaway ng Hapon [ang] Korea!' Okay daw siya sa mga Pilipino," realtes Iwa Moto about her father's approval of her boyfriend.

Nagulat ang young sexy actress na si Iwa Moto sa balitang nagpa-breast reduction daw siya. Nagtataka nga raw siya kung saan nanggaling ang balitang ‘yon.

"Mukha ba akong nagpabawas?" tanong ni Iwa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room ng Metro Bar noong Biyernes, November 14. Isa si Iwa sa invited guests ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa project ng grupo na Celebrity Night: All Star Cast.

"Tingnan n'yo nga, lumiit ba? Wala akong pinabawas. Gano'n pa rin naman siya, di ba?" natatawang dagdag ni Iwa.

Ano ba ang pakiramdam ni Iwa na sa mga survey ay isa siya lagi sa sexiest local female celebrities at paborito rin siya ng mga men's magazine?

"Nakaka-pressure!" sagot niya. "Yun bang parang bawal kumain. E, malaking bulas ako. Kahit hindi ako kumain, ganito na talaga ako."

IWA'S DAD APPROVES OF HER BF. Kasama ni Iwa that night ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Ablan, kaya kinumusta na rin namin ito.

Continue reading below ↓

"Okay kami. So far, wala namang problema. Smooth sailing kami. Sa personal life ko, masayang-masaya rin ako," aniya.

Kamakailan ay nagtungo ng Japan si Iwa para bisitahin ang kanyang may sakit na ama. Hindi raw nakasama ang kanyang boyfriend dahil may trabaho ito. Pero nagkausap naman daw ang dalawa sa telepono. Tanggap ba ng ama niya ang kanyang boyfriend?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Oo naman. Ayaw lang ng papa ko do'n sa boyfriend nung kapatid ko. Ayaw niya raw, Korean, e. Sabi niya, ‘Huwag ‘yan. Huwag ‘yan, kaaway ng Hapon [ang] Korea!' Okay daw siya sa mga Pilipino," natatawang kuwento ni Iwa.

Tanggap din naman daw si Iwa ng pamilya ng kanyang boyfriend. "Actually, close nga ang family ko sa family niya," banggit niya.

Hindi rin daw nakikialam sa pagpapaseksi niya ang kanyang boyfriend. "Dedma naman siya, e," sambit ni Iwa. "Bakit niya ako pagbabawalan? Alam ko ang limitasyon ko, alam niya na hindi ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ko."

Continue reading below ↓

Napag-uusapan na ba nila ang pagpapakasal?

"Naku, hindi pa," sagot ni Iwa. "Wala pa sa plano namin ‘yan. Siguro, after ten years!"

Pero hindi naman daw siya pabor sa live-in. Aniya, "Ba't pa kayo magli-live-in kung magpapakasal naman kayo, di ba?"

WORKING WITH VIC & JOEY. Kasama si Iwa sa dalawang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival this December, Shake, Rattle & Roll X at Iskul Bukol...The Reunion. Enjoy raw ang Kapuso talent na katrabaho sina Tito, Vic & Joey sa Iskul Bukol.

"Masaya! Para kang hindi nagtatrabaho," sabi ni Iwa.

Sino sa tatlo ang pinakamasarap na katrabaho?

"Si Tito Vic [Sotto]. Sobrang bait. Kakaiba. Parang lahat kami, alam mo ‘yon, anak niya. Maalaga siya. Ang sasarap ng pagkain dun!"

Gaganap na isa sa mga prinsesang sasagipin nina Tito, Vic, & Joey ang role ni Iwa sa pelikula.

"Maliit lang yung role ko, pero enjoy ako," aniya.

Pinaka-close naman daw ang sexy actress kay Joey de Leon.

Continue reading below ↓

"Di ba, three years na kami sa Nuts Entertainment na magkasama? Nami-miss ko na nga sila, e."

CHRISTMAS WISH. Malapit na ang Kapaskuhan, may special wish ba siya this Christmas?

"No work!" mabilis niyang sagot. "Ayoko munang magtrabaho pag dumating na yung [December] 22 hanggang New Year."

Wala naman daw espesyal na selebrasyon ang pamilya nina Iwa tuwing Pasko.

"Hindi kami mabongga, e. Ang gusto lang namin, yung kumpleto [kami]."

Three years na sa showbiz si Iwa, pero wala naman daw nagbago sa kanya.

"Mahirap lang mag-mall!" aniya na sinabayan ng malalakas na tawa. "Para kasing lagi kang nagmu-mall show. Saka pressure yung...alam mo yung mga tao, simple lang ang suot mo, titingnan ka pa rin. May mga side comment pa rin."

Laging natotoka sa kanya ay mga kontrabida roles, meron ba siyang dream role?

"Gusto kong maging multo! Sa Shake kasi engkantada naman ako, e," Iwa says in closing.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Oo naman. Ayaw lang ng papa ko do'n sa boyfriend nung kapatid ko. Ayaw niya raw, Korean, e. Sabi niya, ‘Huwag ‘yan. Huwag ‘yan, kaaway ng Hapon [ang] Korea!' Okay daw siya sa mga Pilipino," realtes Iwa Moto about her father's approval of her boyfriend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results